Ang tinatawag na Lumang Tipan ng Bibliya ay hango sa Tanakh, na siyang balumbon ng mga banal na
kasulatan ng Israel sa wikang Hebreo. Bahagi niyan ang Torah, na naglalaman ng
limang (5) aklat ni Moses. Sa mga antigong kasulatan na iyan ay hayagan at
tuwirang binanggit ang pangalan ng kaisaisang
Dios (YHVH). Gayon man, sa pagsasalin sa wikang Griego ng 70 iskolar na Hebreo sa
panahon ng Paraon ng Egipto na si Ptolomy II. Taong 132 BC ay natapos ang pagsasalin ng bibliyang Hebreo sa wikang Griego (koine) sa siyudad ng Alexandria. Sa pagsasalin ng mga nabanggit na iskolar ay ipinasiya nila na huwag ilagay
sa saling Griego (Septuagint) ang YHVH. Ito’y dahil sa ito’y hindi nila
kayang bigkasin mga Griego, at sa halip ay minabuti nilang palitan na lamang ng salitang “KURIOS,” na sa wikang Ingles ay, “LORD,” o kaya
naman ay “Lord” ang ibig sabihin. Iyan ay upang makatiyak na ang
nabanggit na pangalan ay hindi malapastangan, at maiwasan na malabag ng marami
ang pangatlo (3rd) sa sampung (10) utos ng Dios.
Kaugnay niyan,
sa isang artikulo nitong Rayos ng Liwanag
ay nilinaw ang usapin na may direktang kinalaman dito. Na sinasabi,
PANGINOON
(LORD)
Ang salitang Hebreo na יְהֹוָה (YHVH) ay
tumutukoy lamang sa walang hanggang
pangalan ng kaisaisang Dios na
natatala sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ng bansang Israel. Tetragramaton ang tanyag na bansag nito at kilala sa
transliterasyong “Yahovah, o, Yehovah.
”
Ang יְהֹוָה(YHVH) ay 6519 na ulit binanggit sa 5521 talata nitong Hebrew concordance ng King James Version (KJV) ng bibliya. IEUS ang transliterasyon sa wikang Griego. YHVH ang baybay sa ingles ng Inglatiera at America. H3068 ang
nakatalagang numero nito (יְהֹוָה) sa Strong’s
concordance.
Bilang tugon ng mga iskolar
ng bibliya sa pangatlong (3) utos, na sinasabi,
“Huwag mong babanggitin ang pangalan ng PANGINOON mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin
ng PANGINOON na walang sala ang
bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. (Exd 20:7)”
“Thou shalt not take the name of the LORD thy God in vain; for the LORD
will not hold him guiltless that taketh his name in vain (Exd 20:7).”
Ang pangalang nabanggit ay
minabuti nilang palitan ng salitang “LORD,”
na may malalaking letra. “KURIOS”
ang itinapat na salita ng mga Griego sa salitang ito. “Panginoon” na may malaking letrang “P” sa unahan ang naging
katumbas na salita sa ating wika.
Ang kinalabasang anyo sa
makatuwid nitong יְהֹוָה (YHVH) sa
saling ingles ng Masoretic Texts sa
KJV ay walang iba, kundi ang salitang, “LORD.”
Ito nama”y mababasa sa Hebrew
concordance sa hindi kakaunting bilang na nalalahad sa itaas.