Mula sa sali't saling sabi, o nitong tradisyonal na doktrinang pangrelihiyon ay tahasang winiwika ng marami, na ang sampung (10) utos ng Dios ay binago na ni Jesus ng Nazaret. Bagay na naging bukang bibig ng karamihan, na tila baga isang may kahustohang paglalahad na lubos ang pagsang-ayon ng katotohanan na sumasa Dios.
Totoo nga kaya ang nakasanayan ng paglalahad na iyan ng marami? Na ang kautusan, kahi man ang mga iyon ay madiing winika ng kaisaisang Dios na nangatatatag magpakailankailan man ay nangyaring nabago at nahalinhan ng dalawang (2) utos na lamang?
Sa akdang ito ay lalapatan ang usaping iyan ng mga nagtutumibay na katunayang biblikal, na saan man at kailan man ay hindi maaaring itanggi, ni pasinungalingan man ng kahit sino sa kalupaan. Mula sa mga katunayang biblikal na iyan ay tatanglawan ang mga dako na kay laon ng nalalambungan ng sukdulang kadiliman. Sa gayo'y lalabas ang tanawin, na binibigyang diin ng katuwirang sumasa Dios. Na ang usaping may kinalaman sa pagbabago ng kautusan ay hindi kailan man sinang-ayunan ng katotohanan na masusumpungan sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh).
Sa natatanging kapanahunan nitong si Jesus ay may isang nagtanong sa kaniya, na ang sinasabi ay gaya nito,

Mateo 22 :
36 Guro, ALIN BAGA ANG DAKILANG UTOS
SA KAUTUSAN?
(Master,1320 which4169 is the great3173 commandment1785 in1722 the3588 law G3551)
Sa talatang iyan sa
itaas ay may isang nagtanong kay Jesus, tungkol sa dakilang utos na
mababasa sa limang (5) aklat ni Moses (Torah). Ref: law G3551. Sa gayo’y sumagot siya na gaya ng mababasa sa
ibaba, na sinasabi,
Mateo 22:
37 At sinabi sa kaniya, IIBIGIN MO ANG
PANGINOON MONG DIOS NG BUONG PUSO MO, AT NG BUONG KALULUWA MO, AT NG BUONG
PAGIISIP MO.
Mateo 22 :
38 Ito ang dakila at pangunang utos.
Ang unang utos ay nasusulat sa aklat ng Deuteronomio (5th book of Moses), na kung saan ay
masiglang binibigkas ang gaya ng mababasa sa ibaba.
DEU 6 :
5 At IYONG IIBIGIN ANG PANGINOON MONG
DIOS NG IYONG BUONG PUSO, AT NG IYONG BUONG KALULUWA, AT NG IYONG BUONG LAKAS.
Diyan nga ay napakaliwanag
na ang unang utos ay mababasa sa aklat ng Deuteronomio (Deut 6:5), na pang limang
(5th) aklat ni Moses. Ito'y
tinukoy ni Jesus na, “dakila at unang utos.” Kasunod
niyan ay inilahad niya ang dakila at pangalawang utos, o ang katulad nito ng una, na
sinasabi,
Mateo 22 :
39 At ang pangalawang katulad ay ito, IIBIGIN
MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG IYONG SARILI.
Ang pangalawa (2nd) ngang
utos ay kinuha ni Jesus sa aklat ng Levitico (3rd book
of Moses sa Lev 19:18)
na ang madiing wika ay ito,
LEV 19 :
18 Huwag kayong manghihiganti o magtatanim laban
sa mga anak ng inyong bayan, kungdi IIBIGIN NINYO ANG INYONG KAPUWA NA
GAYA NG SA INYONG SARILI: ako ang Panginoon.
Mateo 22 :
Sa kahayagan ng mga
katiwatiwalang patotoong biblikal sa itaas ay gaya nga lamang ng isang
napakaliwanag na tanawin. Ang tinutukoy na kautusan sa Mateo 22:36 ay
hindi partikular na tumutukoy sa sampung (10) utos ng Dios lamang, kundi
iyon ay ganap at direktang tumutuon bilang pangkalahatan sa dakilang Torah ng kaisaisang Dios ng langit, na kilala din sa katawagang, "limang
(5) aklat ni Moses".
Five Books of Moses
1. Genesis. "origin" (Hebrew: BERESHIT - " In the beginning")
2. Exodus: "going out" (Hebrew: SHEMOT - Names")
3. Leviticus: "relating to the Levites" (Hebrew: VAYIKRA - "And he called")
4. Numbers: "numbering of the Israelites (Hebrew: BAMIDBAR - "In the desert")
5. Deuteronomy: "second law" (Hebrew: D'VARIM - "Words")

Ang dalawang nabanggit na dakilang utos ay tunay ngang kinauuwian ng buong kautusan (Torah) at ng mga propeta (Nevi’im). Maliwanag kung gayon, na ang dalawang (2) utos na iyan ay sumasakop ng ganap sa buong Torah (5books of Moses) at sa buong Nevi’im (lahat ng mga propeta).
Kaugnay niyan ay isang mali at mapanlinlang na pahayag, na sabihin ang gaya ng mababasa sa sumusunod na pangungusap.
“Binago na ni Jesus
ang sampung (10) utos ng Dios, at ang mga iyon ay ginawa na lamang niyang
dalawa (2).”
Sinoman sa gayon, na nagtuturo sa kawalang kabuluhan ng mga nabanggit na utos ay isang tunay na magdaraya. Wala sa kaniya ang katotohanan ng Dios, bagkus ay ang kasinungalingan lamang. Siya'y nasa dako ng sukdulang kadiliman, na kung saan ay pinagkakatipunan ng diyablo at ng kaniyang mga kampon.
Ang katotohanan diyan ay sinagot lamang niya ang tanong, na kung,
Ang katotohanan diyan ay sinagot lamang niya ang tanong, na kung,
“Ano ba ang mga
dakilang utos na mababasa mula sa Torah, o sa limang (5) aklat ni Moses.”
Kaya naman, batay sa Torah
(limang [5] aklat ni Moses) ay
inilahad lamang ni Jesus ang matuwid niyang sagot mula sa
taong nagtanong na mababasa sa Mat 22:36.
Katuwirang sumasa Dios kung gayon, na sabihing walang binagong
anuman si Jesus sa Torah ni Moses. Saan man at kailan man sa
makatuwid ay hindi nabago ang isa man sa sampung (10) utos na tinanggap
niya sa taluktok ng bundok Sinai.
Sapagka't hinggil sa usaping iyan ay madiing winika ng kaisaisang Dios ng langit mula sa bibig ng kaniyang mga banal na talaytayan ng Tanakh ang mga sumusunod na pahayag,
Sapagka't hinggil sa usaping iyan ay madiing winika ng kaisaisang Dios ng langit mula sa bibig ng kaniyang mga banal na talaytayan ng Tanakh ang mga sumusunod na pahayag,
MAL 3 :
6
Sapagka’t AKO, ANG PANGINOON AY HINDI
NABABAGO, kaya’t kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob (Israel ), ay
hindi nangauubos.
AWIT 89:
34 Ang tipan ko’y hindi ko
sisirain. Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
ISA
34 :
16 Inyong saliksikin sa AKLAT NG PANGINOON, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay HINDI MAGKUKULANG, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka’t INIUTOS NG AKING BIBIG, pinisan sila ng kaniyang Espiritu.

DEUT 12 :
32 Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong ISASAGAWA: HUWAG MONG DADAGDAGAN, NI BABAWASAN.
32 Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong ISASAGAWA: HUWAG MONG DADAGDAGAN, NI BABAWASAN.
AWIT 111:
7 Ang mga gawa ng kaniyang mga
kamay ay KATOTOHANAN at KAHATULAN. Lahat niyang mga tuntunin (kautusan) ay tunay.
8 NANGATATATAG
MAGPAKAILAN KAILAN MAN. Mga yari sa KATOTOHANAN at KATUWIRAN.
ISA 40 :
8 Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay
nalalanta: nguni’t ANG SALITA NG ATING DIOS AY
MAMAMALAGI MAGPAKAILAN MAN.
SANT 1 :
17 Ang bawa’t mabuting kaloob at ang bawa’t sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa AMA NG MGA ILAW, na WALANG PAGBABAGO, NI KAHIT ANINO MAN NG PAGIIBA.
Ang katuwirang iyan, pilipitin man ng mga kalaban ng Cristo ay patuloy pa ring magiging
matuwid at nagtutumibay na saligan ng dakilang katotohanan, palibhasa’y maigting na katuwiran ng
kaisaisang Dios ng langit.
Ang kautusan, saan man at kailan man din ay hindi lumipas, ni kinakitaan man ng munting bahid ng anomang pagbabago. Sapagka't ito'y matatag na umiiral sa pinaka-epektibo nitong layunin, na gaya ng napakaliwanag na pagpapatibay mismo ng sariling bibig ng Cristo,
Gaya ng napakalinaw na nasusulat,
Ang kautusan sa gayo'y nagtutumibay sa katotohanang,
1. HINDI NABABAGO. (Mal 3:6, Awit 89:34)
2. WALANG PAGBABAGO, NI KAHIT ANINO MAN NG PAGIIBA. (Sant 1:17)
3. HINDI MAGKUKULANG, NI MADAGDAGAN MAN (Isa 34:16)
4. MAMAMALAGI MAGPAKAILAN MAN. (Isa 40:8)
5. NANGATATATAG MAGPAKAILAN KAILAN MAN. (Awit 111:7-8)
Napakaliwanag ang natatanging katotohanan na siyang sinalita ng kaisaisang Dios ng langit. Ang kautusan kung gayon ay hindi nababago, at kung anong anyo nito sa kaluwalhatian ng langit ay hindi maiiba kahi man ito'y ibaba ng Dios sa dimensiyon ng materiya. Hindi magkukulang, at sa gayo'y hindi rin naman madadagdagan. Namamalagi na magpasa walang hanggan, na kung lilinawin ay masigla at makapangyarihang umiiral sa pinakamatatag na sagradong kalagayan sa lahat ng kapanahunan.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Kamtin ng bawa't isa ang patuloy na pagkakaloob sa atin ng mga biyaya na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Para sa inyong pakikibahagi at suporta sa sagradong gawaing ito. Click here

MATEO 19 :
17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo
itinatanong sa akin ang tungkol sa MABUTI?
May isa, na siyang MABUTI: datapuwa’t
kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA
UTOS.
JUAN 12:
50 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
Ang kautusan ay katotohanan ngang ganap at husto ang kakayahan na maghatid ng sinomang kaluluwa sa kabuhayang walang hanggan. Dahil diyan, ang kaisaisang Dios ng langit ay walang anomang nakikitang balidong sintido, ni kadahilanan man, upang iyon ay halinhan Niya ng bago. Pumailanglang na ang salita sa kalawakan ng dimensiyong Espiritu at ng dimensiyong materiya, at gaya ng tubig na nabuhos sa lupa ay hindi na maaari pang muli ay ibalik sa pinanggalingang sisidlan nito.JUAN 12:
50 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
Ang kautusan sa gayo'y nagtutumibay sa katotohanang,
1. HINDI NABABAGO. (Mal 3:6, Awit 89:34)
2. WALANG PAGBABAGO, NI KAHIT ANINO MAN NG PAGIIBA. (Sant 1:17)
3. HINDI MAGKUKULANG, NI MADAGDAGAN MAN (Isa 34:16)
4. MAMAMALAGI MAGPAKAILAN MAN. (Isa 40:8)
5. NANGATATATAG MAGPAKAILAN KAILAN MAN. (Awit 111:7-8)
Napakaliwanag ang natatanging katotohanan na siyang sinalita ng kaisaisang Dios ng langit. Ang kautusan kung gayon ay hindi nababago, at kung anong anyo nito sa kaluwalhatian ng langit ay hindi maiiba kahi man ito'y ibaba ng Dios sa dimensiyon ng materiya. Hindi magkukulang, at sa gayo'y hindi rin naman madadagdagan. Namamalagi na magpasa walang hanggan, na kung lilinawin ay masigla at makapangyarihang umiiral sa pinakamatatag na sagradong kalagayan sa lahat ng kapanahunan.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Kamtin ng bawa't isa ang patuloy na pagkakaloob sa atin ng mga biyaya na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Para sa inyong pakikibahagi at suporta sa sagradong gawaing ito. Click here
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento