May madiing pahayag ang karamihan hinggil sa mga salita na nasusulat sa bibliya. Ang lahat anila ng nilalaman nito ay inspirado ng Espiritu Santo. Dahil diyan ay pinaniniwalaan ng marami, na ang buong nilalaman ng aklat na iyan ay lumalapat sa katotohanan at tinitindigan ng marami na pawang mga aral ng Dios. Iyan sa makatuwid anila ay tagapaglunsad ng sinoman sa dakilang larangan na tumutukoy ng ganap sa tunay na kabanalan.
Datapuwa't ang pananaw na iyan ay ayon lamang sa mga sali't saling sabi ng mga tao, na kailan man ay hindi napatotohanan ng nakakarami. Kahi man nandiyan ang presensiya ng banal na kasulatan (bibliya) ay iilan lamang ang matiyagang gumugol ng mahalaga nilang panahon, upang saliksikin sa aklat na iyan ang katotohanan hinggil sa makontrobersiyal na usaping ito.
Totoo nga kaya na katotohanan at pawang katotohanan lamang ang nasusulat sa bibliya, partikular ang tinatawag na bagong tipan nito. Palibhasa'y pinaniniwalaan na ang laman nito ay pawang mga salita ng Dios.
Kaugnay niyan ay simulan nating saliksikin ang kasulatan (bagong tipan) at ating patunayan bilang isang katanggaptanggap na halimbawa, kung ito bagang si Pablo ay totoo nga kaya na Apostol ng Cristo, o hindi. Talaga naman kasing nakakapagduda ang turo ng taong ito. Iyan ay dahil walang sinoman sa kasulatan na sa kaniya ay tumawag na "Apostol," kundi ang kaniyang sarili lamang.
Mula sa masusi at bahabahagdang pagsasaliksik sa nabanggit na kasulatan (bagong tipan) ay may nahayag na mga matitibay na katunayang biblikal, na tumanglaw ng maliwanag sa tunay na estado ni Pablo. Hindi sa pagiging tunay na Apostol, kundi sa kasuklamsuklam na kalagayan ng isang "huwad na Apostol."
Narito, at may mga natanglawan ng ilaw na pitong (7) napakatitibay na katunayang biblikal. Ang mga iyon ay naghahayag ng hindi mapapag-alinlangang katotohanan, na pagkakakilanlan sa isang tunay na Apostol ng Cristo. Dahil sa mga balidong kadahilanang iyan ay hindi na ngayon magiging mahirap tukuyin pa, kung sino ang tunay at kung sino ang huwad na Apostol ng Cristo.
PITONG (7) BALIDO NA KADAHILANAN SA PAGIGING HUWAD NA APOSTOL NI PABLO
1. Siya'y hindi kabilang sa labingdalawang (12) Apostol, ni naging karagdagan man sa nabanggit na bilang nila. Sapagka't sa Katuruang Cristo ay ganap na kahustuhan ang bilang na labingdalawa (12), upang gawing alagad ang lahat ng mga bansa. Ano mang bilang na madagdag sa kahustuhang iyan ay hindi na aariin pa ng katotohanan na sumasa Dios ng langit.
Alinsunod sa pangalan ay hinusto ng Cristo ang labingdalawang (12) Apostol, gaya ng napakaliwanag na nasusulat,
MATEO 10 :
2 Ang mga pangalan nga ng labingdalawag apostol ay ito: ang una’y si Simon, na tinatawag na PEDRO, at si ANDRES na kaniyang kapatid; si SANTIAGO na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si JUAN;
3 Si FELIPE, at si BARTOLOME; si TOMAS, at si MATEO na maniningil ng buwis; si SANTIAGO na anak ni alfeo at si TADEO;
4 Si SIMON na Cananeo, at si JUDAS ESCARIOTE, na siya ring sa kaniya ay nagkanulo.
Napakaliwanag ayon sa kahustuhan ng mga katunayang biblikal sa itaas, na hindi kukulangin at hindi lalabis sa labingdalawa (12) ang Apostol na itinalaga at ipinakilala nitong Espiritu ng Dios na nasa kabuoang pagkatao ni Jesus ng Nazaret. Sapat ang bilang na iyan, upang ang dakilang layunin ng kaisaisang Dios sa mabuting kapakanan ng sangkatauhan ay magkaroon ng eksakto at presisyong kaganapan. Walang anomang pangangailangan sa kabawasan, ni kahi man isa na karagdagan sa bilang. Nakikilala ang tunay na apostol ayon sa pangalan na nalalahad sa itaas.
2. Si Pablo ay walang tinanggap na HININGA, upang magtamo ng Espiritu Santo sa kaniyang kalooban at kabuoan.
Ang labingdalawang (12) apostol lamang ang tumanggap ng hininga mula sa sariling bibig ng Cristo, upang masiglang pamahayan at pagharian ng Espiritu Santo ang kanikanilang kabuoang pagkatao.
Juan 20 :
22 At nang masabi niya ito, SILA'Y HININGAHAN NIYA, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:
Ang bahaging ito ang pinaka matibay na maaaring pagbatayan, upang matukoy kung sinu-suno ang tunay na nilalapatan ng pamimitagang panawag na "Apostol." Ang sinoman sa madaling salita, na magpapahayag na siya ay isang "Apostol," na hindi tumanggap ng HININGA ng kabanalan, gaya ni Pablo ay isang sinungaling at magdaraya, at siya'y tunay na isang huwad na Apostol.
3. Evangelio ng di-pagtutuli (ibang evangelio) ang masamang balita na ipinangaral ni Pablo, at hindi ang evangelio ng kaharian (Katuruang Cristo).
Sa katotohanan ay iyan (katuruang Cristo) ang mabuting balita na ipinahayag ng Cristo sa buong sangbahayan ni Israel, at iniutos ng sarili niyang bibig sa labingdalawang (12) Apostol na ipangaral sa buong sanglibutan.

Na sinasabi,
Mateo 4 :
23 At nilibot ni Jesus ang buong GALILEA, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang EVANGELIO NG KAHARIAN, at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao.
Mateo 9 :
35 At nililibot ni Jesus ang lahat ng mga BAYAN at mga SIYUDAD, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang EVANGELIO NG KAHARIAN, at pinagagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaring karamdaman.
Ang evangelio ng kaharian (Katuruang Cristo) ay napakaliwanag na ipangangaral sa buong sanglibutan. Na ang ibig sabihin ay sa lahat din naman ng mga Gentil. Maliwanag kung gayon na ang evangelio ng kaharian ay hindi lamang ipangangaral sa mga Judio, kundi pati na rin sa buong kalahian ng mga Gentil ng sangkalupaan.
Hinggil diyan ay madiing winika ng sariling bibig ng Cristo,
Mateo 24 :
14 At IPANGANGARAL ANG EVANGELIONG ITO NG KAHARIAN SA BUONG SANGLIBUTAN sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.
Kung gayon ay kasinungalingan na naman ang turo ni Pablo, na ang Evangelio ng kaharian (evangelio ng pagtutuli) ay sa mga Judio lamang ipangangaral, at ang imbento niyang evangelio ng di-pagtutuli ang siyang katuruan na ukol sa mga Gentil.
Yamang evangelio ng di-pagtutuli ang itinuro niya sa marami ay hindi nga siya tunay na Apostol ng Cristo. Sapagka't napakaliwanag na ang tinanggap na utos ng labingdalawang (12) Apostol mula sa sariling bibig ng Cristo, na ituturo nila sa sanglibutan na aral pangkabanalan ay walang iba, kundi ang evangelio ng kaharian (Katuruang Cristo) lamang.
Sa bahagi ngang ito ay maliwanag na ang huwad na Apostol ay makikilala sa pamamagitan ng kakaiba niyang turo na laban sa Evangelio ng kaharian (Katuruang Cristo). Ang ibang evangelio gaya nitong evangelio ng di-pagtutuli, saan man at kailan man ay hindi ibinibilang na katotohanan ng Ama nating nasa langit.
4. Si Pablo ay bumautismo sa isang pangalan (Jesus) lamang, imbis na sa tatlong pangalan (Ama, Anak, at Espiritu Santo).
Napakaliwanag ang utos na iyan na ibabautismo ng mga tunay na Apostol sa lahat ng mga bansa.
Gaya ng napakaliwanag na nasusulat,
Mateo 28 :
19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at GAWIN NINYONG MGA ALAGAD ANG LAHAT NG MGA BANSA, na sila'y inyong BAUTISMUHAN sa PANGALAN NG AMA at ng ANAK at ng ESPIRITU SANTO:
Napakaliwanag na ang utos na nagmula sa sariling bibig ng Cristo ay gawin ng labingdalawang (12) apostol ang lahat ng mga bansa na mga alagad nila ayon sa Katuruang Cristo, hindi upang sila'y maging mga apostol din ng Cristo.
Makikilala ang huwad na Apostol, kung siya'y bumabautismo sa isang pangalan lamang. Ang mga tunay na Apostol ay nalalaman ang pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. At dahil diyan ay naitatatak sa noo ng bawa't binabautismuhan nila ang tatlong (3) pangalan, na siyang natatanging tanda na pagkakakilanlan sa mga nabibilang na tupa sa kawan ng Dios nitong sanglibutan.
5. Wala siyang narinig na aral pangkabanalan (Katuruang Cristo) mula sa bibig ng Cristo, maging sa labingdalawang (12) apostol man.
Sapagka't ayon na rin sa sarili niyang salita ay inihayag niya ang kawalan niya ng aral na tumutukoy sa Katuruang Cristo.
Sapagka't ayon na rin sa sarili niyang salita ay inihayag niya ang kawalan niya ng aral na tumutukoy sa Katuruang Cristo.
Gaya ng napakaliwanag niyang wika, na sinasabi,
Gal 2 :
6 Datapuwa't ang mga wari'y may dangal ng kaunti (maging anoman sila, ay walang anoman sa akin: ang Dios ay hindi tumatanggap ng anyo ninoman) SILANG MAY DANGAL, SINASABI KO, AY HINDI NAGBAHAGI SA AKIN NG ANOMAN.
Paano nga naging Apostol ng Cristo ang sinoman, na hindi kailan man nakarinig ng tinig na iniluwal ng sariling bibig ng Cristo, ni nakarinig man ng katuruang Cristo na ipinangaral ng mga tunay na Apostol. Gaya nga lamang siya ng isang hangal at hibang na nag-iilusyon gamit ang mapaglaro niyang isipan.
6. Walang sinoman sa mga tunay na Apostol ng Cristo ang nagpatunay na si Pablo ay isa ring Apostol na gaya nila.
Ulit-ulitin man nating basahin ang bibliya ay walang anomang mababasa, na ang mga tunay na Apostol ay inari si Pablo bilang isa na karagdagan sa bilang nila na labingdalawa (12). Gayon din na minsan man ay hindi nila pinatotohanan at kinilala, na siya'y nakapantay nila sa nakamit nilang awtoridad mula sa Espiritu ng Dios na nasa kalooban ni Jesus ng Nazaret.
7. Ang tunay na Apostol ng Cristo ay tanyag sa pagkakaroon ng matuwid at makatotohanang mga pananalita na sinasang-ayunang lubos ng katuwiran na sumasa Dios ng langit.
Palibhasa'y masigla na namamahay at naghahari sa kabuoan nilang pagkatao ang Espiritu Santo. Taliwas diyan ay walang alinlangan na napatunayan mula sa sariling bibig ni Pablo, na siya ay isang sinungaling, magdaraya, tuso, mamamatay tao, at mapagbalatkayo.
Saan man at kailan man ay hindi tinawag na Apostol ng kabanalan ang sinoman na taglay ang ganyang mga kasuklamsuklam sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit.
TATLONG BALIDONG BIBLIKAL NA KAPARAANAN, UPANG LUMUKOB SA SINOMAN ANG ESPIRITU NG DIOS
Napakahalaga na maunawaan ng lahat, na ang pamumusesyon, o paglukob ng Espiritu Santo sa mga tunay na banal, ayon sa Katuruang Cristo ay batay lamang sa tatlong (3) kaparaanan. Iyan ay sa pamamagitan ng mga sumusunod.
1. Pagbubuhos ng langis sa ulo, (1Sam 16:13)
3. Hininga ng mga banal (Juan 20:22)
Iyan lamang ang tatlong (3) rituwal pangkabanalan na sinasang-ayunang lubos at inaaring katotohanan ng Katuruang Cristo. Ang paglukob nitong Espiritu ng Dios ay sa tatlong (3) kaparaanan lamang na iyan nagkakaroon ng lubos na kaganapan sa sinomang banal ng Dios. Maliban diyan, gaya ng tatlong (3) kakatuwa at kakaibang kaparaanan na nasa ibaba ay hindi na sinasang-ayunan ng katuwiran na sumasa Dios ng langit.
1. Ang espiritu ng pentekost (Gawa 2:1-4),
2. Ang espiritu ng pagpapatong ng kamay ni Ananias (Gawa 9:17) sa aklat ng mga Gawa (Acts of the Apostles).
3. Gayon din ang kakatuwang kaparaanan (trance) ng mga espiritista na nagsisitawag sa kaluluwa ng mga patay na pinaniniwalaan nilang kumakatawan sa Espiritu Santo.
Ang mga iyan ay hindi kailan man sinang-ayunan ng Katuruang Cristo bilang isang balido na katotohanan. Kundi ang bilang 1 at 2 ay nahayag ng napakaliwanag na iyon ay mga sali't saling sabi, o tsismis lamang na nakalap ni Lucas.
Ang pangatlong (3) bilang, mula pa lamang sa mga panahong sinakop ng banal na Tanakh (OT) ng Dios ay ayon lamang sa malademonyong rituwal na isinasabuhay ng malaking kalipunan ng mga kasuklamsuklam na Gentil (pagano). Kung kaya nga ang pagtawag o pagsangguni sa kaluluwa ng mga patay ay mahigpit na ibinabawal ng kaisaisang Dios ng langit (Deut 18:10-12).
Sa gayo'y pawang mga nilubidlubid na kasinungalingan lamang iyon ng mga tao na umano ay nakapanayam daw nitong si Lucas (Luc 1:1-3).
Na sinasabi,
LUCAS 1 :
2 Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga SAKSING NANGAKAKITA at mga MINISTRO NG SALITA.
3 Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo;
Si Lucas ay hindi kailan man nakita, ni nakausap man ang Cristo ng Nazaret na si Jesus. Siya'y nakilala lamang bilang isa sa mga disipulo ni Pablo. Siya'y nagsulat batay sa mga sali't saling sabi ng mga tao na inakala niyang may nalalaman sa buhay ng Cristo (evangelio ni Lucas).
Sa aklat ng mga Gawa ay hindi kailan man nabanggit ang pangalan ni Lucas. Gayon din, na nang si Pablo ay patungong Damasco ay hindi sinabi, ni ipinahiwatig man niya na si Lucas ay kasama niya sa paglalakbay niyang iyon.
Napakaliwanag kung gayon, na ang pinagbatayan lamang ng kaniyang sulat (Gawa) pagdating sa buhay ni Pablo ay ang personal na testimoniya lamang ng taong iyon, o kaya naman ay ayon sa sali't saling sabi lamang ng mga tao. Iyan ay dahil si Lucas ay disipulo nito at sa gayo'y sumulat siya ng ayon lamang sa lahat ng sa kaniya ay isinalaysay ni Pablo at ng mga tao na kaniyang napagtanungan.
Gaya ng napakaliwanag na salaysay mismo ng sariling bibig ni Pablo, na sinasabi,
Ang isang tao na tulad nitong si Pablo na kilala at tanyag sa pagiging sinungaling, tuso, magdaraya, at mapagbalatkayo ay tunay nga na kasamaan ang tumitira sa kaniyang kalooban at kabuoang pagkatao. Ang kabutihan sa makatuwid ay hindi mamamahay sa ganitong uri ng tao. Gayon man, maliban na itakuwil at talikuran niya ang mga nabanggit na kasamaang iyan ay patuloy pa rin siyang paghaharian ng kasamaan sa kaniyang kabuoan.
Madiin niyang winika na "siya ay nasa ilalim ng kautusan ni Cristo." Kaugnay niyan ay mayroong higit sa isang daan (100) na utos ang namutawi mula sa sariling bibig ng Cristo. Mga utos na matuwid sundin ng sinomang nagnanais na makapanatili at makapagtagumpay sa dakilang larangan na tumutukoy sa tunay na kabanalan. Hinggil diyan ay hindi mahirap unawain batay sa kasuklamsuklam na kalagayan na nilapatan ng kaniyang pagkatao, na siya ay nagsisinungaling lamang. Sapagka't gaya ng isang mortal na kaaway ay kinasumpungan ang taong iyan ng masugid na paghihimagsik sa Kautusang Cristo, at lalo na sa Katuruang Cristo.
Ref:
https://kamalayangyohvshva.blogspot.com/2015/09/mga-utos-ng-cristo-kautusang-cristo.html
https://kamalayangyohvshva.blogspot.com/2017/03/tanungin-natin-si-pablo.html
KONKLUSYON
Ayon sa mga katunayang biblikal na aming inilahad sa buong artikulo na ito. Ang aklat ng mga Gawa na umano'y isulat ni Lucas ay hindi karapatdapat na paniwalaan bilang isang lehitimong behikulo ng katotohanan. Iyan ay dahil sa ang tao na nagsalaysay ng kuwento na kaniyang isinulat ay tanyag sa pagiging bihasa sa pagsisinungaling, sa pagiging tuso, at sa pagbabalatkayo.
Gaya din naman na ang labing-apat (14) na sulat ni Pablo, kabilang ang "Sa mga Hebreo" ay punongpuno ng mga aral na may malabis na paghihimagksik sa mga aral pangkabanalan (Katuruang Cristo) na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo.
Kailan nga ba naging isang alagad ang sinoman, na laban na lahat sa katuwiran ng kaniyang panginoon ang itinuturo niya sa marami? Na ang utos niya ang dapat masunod at hindi ang utos ng sinasabi niyang panginoon. Sa gayon ay hindi nga siya alagad, kundi isang mahigpit na kaaway ng sinasabi niyang panginoon.
Labingdalawa (12) lamang ang Apostol na inutusan na gawing alagad ang lahat ng mga bansa ayon sa Katuruang Cristo at hindi kailan man lumagpas sa orihinal nitong bilang (12).
Si Pablo kailan man ay hindi lumapat sa banal na kalagayan ng isa sa mga Apostol ng Cristo. Walang alinlangan na napatunayang siya'y hindi gayon, kundi isang mortal na kaaway ng dakila at sagradong aral pangkabanalan (katuruang Cristo), na lantarang ipinangaral ng sariling bibig nitong si Jesus ng Nazaret sa nasasakupan ng natatangi niyang kapanahunan.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Suma bawa't isa ang walang patid na biyaya, na idinidilig ng Ama nating nasa langit sa munting bahaging ito ng dimensiyong materiya. Masigla at may galak sa puso nating tanggapin at isabuhay ang katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungan, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Ang pitong (7) balidong kadahilanang nabanggit sa pagiging huwad na Apostol ng taong iyan ay maliwanag na tanda ng isang emisaryo ng diyablo, na ang kinawiwilihang pagkanlungan ay ang tila walang katapusan na kalawakan ng sukdulang kadiliman (Juan 8:44).
TATLONG BALIDONG BIBLIKAL NA KAPARAANAN, UPANG LUMUKOB SA SINOMAN ANG ESPIRITU NG DIOS
Napakahalaga na maunawaan ng lahat, na ang pamumusesyon, o paglukob ng Espiritu Santo sa mga tunay na banal, ayon sa Katuruang Cristo ay batay lamang sa tatlong (3) kaparaanan. Iyan ay sa pamamagitan ng mga sumusunod.
1. Pagbubuhos ng langis sa ulo, (1Sam 16:13)
2. Paglubog sa ilog ng Jordan, at ang (Mat 3:16)
3. Hininga ng mga banal (Juan 20:22)
Iyan lamang ang tatlong (3) rituwal pangkabanalan na sinasang-ayunang lubos at inaaring katotohanan ng Katuruang Cristo. Ang paglukob nitong Espiritu ng Dios ay sa tatlong (3) kaparaanan lamang na iyan nagkakaroon ng lubos na kaganapan sa sinomang banal ng Dios. Maliban diyan, gaya ng tatlong (3) kakatuwa at kakaibang kaparaanan na nasa ibaba ay hindi na sinasang-ayunan ng katuwiran na sumasa Dios ng langit.
1. Ang espiritu ng pentekost (Gawa 2:1-4),
2. Ang espiritu ng pagpapatong ng kamay ni Ananias (Gawa 9:17) sa aklat ng mga Gawa (Acts of the Apostles).
3. Gayon din ang kakatuwang kaparaanan (trance) ng mga espiritista na nagsisitawag sa kaluluwa ng mga patay na pinaniniwalaan nilang kumakatawan sa Espiritu Santo.
Ang mga iyan ay hindi kailan man sinang-ayunan ng Katuruang Cristo bilang isang balido na katotohanan. Kundi ang bilang 1 at 2 ay nahayag ng napakaliwanag na iyon ay mga sali't saling sabi, o tsismis lamang na nakalap ni Lucas.
Ang pangatlong (3) bilang, mula pa lamang sa mga panahong sinakop ng banal na Tanakh (OT) ng Dios ay ayon lamang sa malademonyong rituwal na isinasabuhay ng malaking kalipunan ng mga kasuklamsuklam na Gentil (pagano). Kung kaya nga ang pagtawag o pagsangguni sa kaluluwa ng mga patay ay mahigpit na ibinabawal ng kaisaisang Dios ng langit (Deut 18:10-12).
Sa gayo'y pawang mga nilubidlubid na kasinungalingan lamang iyon ng mga tao na umano ay nakapanayam daw nitong si Lucas (Luc 1:1-3).
Na sinasabi,
LUCAS 1 :
1 Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin,
2 Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga SAKSING NANGAKAKITA at mga MINISTRO NG SALITA.
3 Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo;
Si Lucas ay hindi kailan man nakita, ni nakausap man ang Cristo ng Nazaret na si Jesus. Siya'y nakilala lamang bilang isa sa mga disipulo ni Pablo. Siya'y nagsulat batay sa mga sali't saling sabi ng mga tao na inakala niyang may nalalaman sa buhay ng Cristo (evangelio ni Lucas).
Sa aklat ng mga Gawa ay hindi kailan man nabanggit ang pangalan ni Lucas. Gayon din, na nang si Pablo ay patungong Damasco ay hindi sinabi, ni ipinahiwatig man niya na si Lucas ay kasama niya sa paglalakbay niyang iyon.
Napakaliwanag kung gayon, na ang pinagbatayan lamang ng kaniyang sulat (Gawa) pagdating sa buhay ni Pablo ay ang personal na testimoniya lamang ng taong iyon, o kaya naman ay ayon sa sali't saling sabi lamang ng mga tao. Iyan ay dahil si Lucas ay disipulo nito at sa gayo'y sumulat siya ng ayon lamang sa lahat ng sa kaniya ay isinalaysay ni Pablo at ng mga tao na kaniyang napagtanungan.
Mula sa kadahilanang iyan ay nagkaroon ng napakalaking tanong ang lahat, kung nararapat bang paniwalaan ang kaniyang sulat o hindi. Sapagka't napatunayan mula sa sariling bibig mismo nitong si Pablo, ang tinataglay niyang kasinungalingan, kadayaan, pagkatuso, at pagkukunwari, o pagbabaltkayo.
Gaya ng napakaliwanag na salaysay mismo ng sariling bibig ni Pablo, na sinasabi,
1. SI PABLO AY LIKO AT SINUNGALING
ROMA 3 :
5 Datapuwa’t kung ang ating KALIKUAN ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios, ano ang ating sasabihin? Liko baga ang Dios na dumadalaw na may poot? (nagsasalita ako ayon sa pagkatao.)
7 Datapuwa’t kung ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng aking KASINUNGALINGAN ay sumagana sa ikaluluwalhati niya, bakit pa naman ako’y hinahatulang tulad sa isang makasalanan?
2. SI PABLO AY TUSO AT MADAYA
2 COR 12 :
16 Datapuwa’t magkagayon man, ako’y hindi naging pasan sa inyo: kundi dahil sa PAGKATUSO ko, kayo’y hinuli ko sa DAYA.
Lumalamang sa katotohanan kung gayon, na ang mga pangyayari na naisulat ni Lucas sa aklat ng mga Gawa ay hindi lumalapat sa aktuwalidad, kundi ayon lamang sa mga pinagtagnitagning kasinungalingan.
3. WALANG TUMITIRANG MABUTI SA KALOOBAN NI PABLO
ROMA 7 :
18 Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay HINDI TUMITIRA ANG ANOMANG BAGAY NA MABUTI: sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang PAGGAWA NG MABUTI AY WALA.
4. SI PABLO AY MAPAGBALATKAYO
1 COR 9 :
20 At sa mga Judio, AKO’Y NAGAARING TULAD SA JUDIO, upang mahikayat ko ang mga Judio, sa mga nasa ilalim ng kautusan ay GAYA NG NASA ILALIM NG KAUTUSAN, bagama’t wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang nasa ilalim ng kautusan.
21 Sa mga walang kautusan, ay TULAD SA WALANG KAUTUSAN, bagama’t hindi ako walang kautusan sa Dios, kundi nasa ilalim ng kautusan ni Cristo, upang mahikayat ko ang mga walang kautusan. (Gal 2:7-9, Roma 11:13, Roma 15:16)
Ang isang tao na tulad nitong si Pablo na kilala at tanyag sa pagiging sinungaling, tuso, magdaraya, at mapagbalatkayo ay tunay nga na kasamaan ang tumitira sa kaniyang kalooban at kabuoang pagkatao. Ang kabutihan sa makatuwid ay hindi mamamahay sa ganitong uri ng tao. Gayon man, maliban na itakuwil at talikuran niya ang mga nabanggit na kasamaang iyan ay patuloy pa rin siyang paghaharian ng kasamaan sa kaniyang kabuoan.
Madiin niyang winika na "siya ay nasa ilalim ng kautusan ni Cristo." Kaugnay niyan ay mayroong higit sa isang daan (100) na utos ang namutawi mula sa sariling bibig ng Cristo. Mga utos na matuwid sundin ng sinomang nagnanais na makapanatili at makapagtagumpay sa dakilang larangan na tumutukoy sa tunay na kabanalan. Hinggil diyan ay hindi mahirap unawain batay sa kasuklamsuklam na kalagayan na nilapatan ng kaniyang pagkatao, na siya ay nagsisinungaling lamang. Sapagka't gaya ng isang mortal na kaaway ay kinasumpungan ang taong iyan ng masugid na paghihimagsik sa Kautusang Cristo, at lalo na sa Katuruang Cristo.
Ref:
https://kamalayangyohvshva.blogspot.com/2015/09/mga-utos-ng-cristo-kautusang-cristo.html
https://kamalayangyohvshva.blogspot.com/2017/03/tanungin-natin-si-pablo.html
KONKLUSYON
Ayon sa mga katunayang biblikal na aming inilahad sa buong artikulo na ito. Ang aklat ng mga Gawa na umano'y isulat ni Lucas ay hindi karapatdapat na paniwalaan bilang isang lehitimong behikulo ng katotohanan. Iyan ay dahil sa ang tao na nagsalaysay ng kuwento na kaniyang isinulat ay tanyag sa pagiging bihasa sa pagsisinungaling, sa pagiging tuso, at sa pagbabalatkayo.
Gaya din naman na ang labing-apat (14) na sulat ni Pablo, kabilang ang "Sa mga Hebreo" ay punongpuno ng mga aral na may malabis na paghihimagksik sa mga aral pangkabanalan (Katuruang Cristo) na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo.
Kailan nga ba naging isang alagad ang sinoman, na laban na lahat sa katuwiran ng kaniyang panginoon ang itinuturo niya sa marami? Na ang utos niya ang dapat masunod at hindi ang utos ng sinasabi niyang panginoon. Sa gayon ay hindi nga siya alagad, kundi isang mahigpit na kaaway ng sinasabi niyang panginoon.
Labingdalawa (12) lamang ang Apostol na inutusan na gawing alagad ang lahat ng mga bansa ayon sa Katuruang Cristo at hindi kailan man lumagpas sa orihinal nitong bilang (12).
Si Pablo kailan man ay hindi lumapat sa banal na kalagayan ng isa sa mga Apostol ng Cristo. Walang alinlangan na napatunayang siya'y hindi gayon, kundi isang mortal na kaaway ng dakila at sagradong aral pangkabanalan (katuruang Cristo), na lantarang ipinangaral ng sariling bibig nitong si Jesus ng Nazaret sa nasasakupan ng natatangi niyang kapanahunan.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Suma bawa't isa ang walang patid na biyaya, na idinidilig ng Ama nating nasa langit sa munting bahaging ito ng dimensiyong materiya. Masigla at may galak sa puso nating tanggapin at isabuhay ang katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungan, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento