Maraming bagay ang
hindi maunawaan ng sangkatauhan sa mga nilalaman ng bibliya. Kahi man silang
tinatawag na mga pastor, mga pari, at mga nagpapakilalang tagapangaral ng
salita ay nagsisunod at nagsi-ayon na lamang sa sina-unang tradisyong
pangrelihiyon.
Dahil diyan ay nabuo
ang hindi kakaunting doktrinang pangrelihiyon na naging dahilan, upang patuloy
na lumayo sa katotohanan ng Dios ang lubhang malaking bilang ng mga tao sa
kalupaan.
Sa akdang ito ay
bibigyan ng husto at kaukulang unawa ang ilang bagay na hanggang sa ngayon ay
isa pa ring madilim na dako na lumalambong sa katotohanan na hindi napapag-usapan man lang.
Palibhasa’y nakakahon na sa isang hidwa na tradisyong pangrelihiyon ang marami. Dahil
diyan ay sunod-agos na lamang ang mga tao sa kung ano ang nakagisnang sali’t
saling sabi. Ito'y tila ba naging domino effect, na sa pagkabuwal ng una sa
kaniyang katabi ay tutumba ang lahat ng sunodsunod hanggang sa hulihang
nakatayong pitsa.