Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sampung Utos ng Dios. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sampung Utos ng Dios. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Enero 2, 2018

KAUTUSAN NG KATUBUSAN AT KALIGTASAN

Sa pagsisimula pa lamang ng pangwalong (8th) kabanata ng Roma ay binigyan na agad ng diin ni Pablo ang ilang bagay sa talata 1 at 2 na gaya ng nasusulat sa ibaba. 

ROMA 8 :
1  Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. 

Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. 

Hinggil dito’y wala na di umanong hatol pa sa mga na kay Cristo. Sapagka’t ang kautusan ng espiritu na nasa kaniya’y pinalaya siya aniya sa kautusan ng Dios na ang laman ay kasalanan at kamatayan.

Sa himig ng pananalita sa mga talatang ito’y tiniyak niya sa mga taga Roma na itinuring na sa wala ang kanilang mga kasalanan. Kaya’t sila’y hindi na maaaring hatulan pa ng Dios, sa kadahilanang sila’y kalas na sa bigkis ng kautusan ng kasalanan at kamatayan