Mula sa kabuoan ng tinatawag na bagong tipan ng bibliya ay kinukuha ng mga mangangaral ng salita ang kani-kanilang
patibayang aral. Iyan ay sa layuning mapatotohanan ang minamatuwid nilang
katuruang pangkabanalan.
Nakakapagtaka, na kahi man iisang aklat ang pinagkukunan ng mga katunayang pangkabanalan ay hindi kailan man nagkaroon ng pagkaka-isa ang marami sa kanila. Nagkani-kaniya sila ng ipinangaral na katuruang pangkabanalan na nagpapahayag ng di pagsang-ayon sa tinitindigang biblikal na aral ng bawa’t isa.
Nakakapagtaka, na kahi man iisang aklat ang pinagkukunan ng mga katunayang pangkabanalan ay hindi kailan man nagkaroon ng pagkaka-isa ang marami sa kanila. Nagkani-kaniya sila ng ipinangaral na katuruang pangkabanalan na nagpapahayag ng di pagsang-ayon sa tinitindigang biblikal na aral ng bawa’t isa.
Gayon ngang mula sa nag-iisang aklat
(bibliya) ay hindi na yata halos mabilang ang naitatag na samahang
pangrelihiyon na nagututuro ng iba’t ibang katuruang pangkabanalan. Dahil diyan,
mula noon at hanggang sa ngayon ay hindi kakaunting tao sa kalupaan ang
nakaranas ng malabis na pagkalito. Tanong nga ng iba,
“Sa
dinamidami ng mga relihiyon na gumagamit ng bibliya ay alin ba sa kanila ang
kasusumpungan ng katuruang pangkabanalan, na makapaglalahad sa sino man ng
katotohanan na sinasang-ayunan ng kaisaisang Dios ng langit.”
Tiyak na may maling unawa ang karamihan na
sukat ikatisod, at bunga niyan ay hindi sinasadyang makapagpahayag ng mga aral, na hindi umaayon sa katuwiran na
binibigyang diin ng banal na kasulatan. O kaya naman ay may malaking kakulangan
ang marami sa hinihinging masusing pagsasaliksik sa mga antigo at banal na kasulatan (Tanakh). Ano pa’t iyon
ay naging kadahilanan upang ganap na ikatisod ng hindi kakaunting tao sa
kalupaan.
May nag-iisa ngang dahilan, kung bakit
saan man at kailan man ay hindi kinasumpungan ng pagkaka-isa ang mga
mangangaral ng salita. Mula sa hindi matapostapos na tuligsaan at maaanghan ng
palitan ng mga pilipit na pahayag, ay gaya nila ang mga mababangis na pangil sa
parang, na sa araw at gabi ay nagsasakmalan sa isa’t isa.
Marami ang hindi nakaka-alam, na sa
kabuoan ng Bagong Tipan ng bibliya ay may dalawang (2) dako ng kamalayan, o
katuruan na nagpapahayag ng kanikaniyang matuwid. Iyan ang tampok na usapin sa artikulong ito na lalapatan namin ng kaukulang paglilinaw. Ano nga ba ang dalawang katuruan na nararapat maunawaan ng lahat sa bagong tipan ng bibliya?