Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Cristong Hari. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Cristong Hari. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Hulyo 4, 2013

ANG CRISTONG HARI AT ANG CORDERO



Jesus of Nazaret
Ang usapin na may ganap na kinalaman sa Cristong Hari at sa Cordero ay isang panoorin na kailan man ay hindi naging malinaw sa kaalaman at pang-unawa ng marami mula pa sa malayong kapanahunan. Hanggang sa henerasyon nating ito ay nananatili pa rin na iyan ay isang tanawin na nalalambungan ng isang lubhang maitim na kadiliman. Dahil ang ilan sa nakaraan ay ginamit ang pisikal nilang kapangyarihan sa sapilitang pagtuturo ng mga doktrinang pangrelihiyon (Evangelio ng di pagtutuli), na kailan man ay hindi sinang-ayunan ng mga sagradong katuruan (Evangelio ng kaharian) na ipinangaral ng mga tunay na banal ng Dios.

Dahil diyan ay nakakalungkot na isiping marami sa ngayon ang matibay na tinitindigan ang ilang aral pangrelihiyon na sumasalungat at hayagang naghihimagsik sa natatanging kalooban ng kaisaisang Dios, na may katapangang ipinangral ng mga propeta ng Tanakh. Gayon man, sa udyok ng katuwiran na inaaring lubos ng katotohanan ay tatanglawan namin ng hustong liwanag sa artikulong ito ang mga tanawing pangkabanalan, na kay laon ng ikinukubli ng mga tampalasan sa pusikit na kadiliman.

Lunes, Oktubre 1, 2012

MGA CRISTO AT CRISTIANO NG LUMANG TIPAN


Ang salitang Ingles na “Messianic" ay nagmula sa titulong “Messiah” na tumutukoy sa mga tagasunod nitong “Mashiyach (מָשִׁיחַ)” ng Israel. Sila ay sumasamba kay YHVH (YEHOVAH) bilang kaisaisang Dios at Ama ng lahat ng kaluluwa, at namamalagi sa Kaniyang salita - ang Torah.

Ang katagang "Notzrim" ay makabagong salitang Hebreo na siyang tawag sa mga tagasunod ng Cristo, nguni't ito'y hindi tumutukoy sa mga Mashiyach (pinahiran) ng Torah, kundi sa Mashiyach lamang na si Jesus ng Bagong Tipan. Ang Cristianismo na ipinakilala ni Pablo sa aklat na iyan ay naging bias, o may malabis na pagkiling sa iisang Cristo lamang na si Jesus.

Alam nyo ba na noon pa mang unang panahon - libong taon pa bago isilang ang panginoong Jesucristo ay masigla ng umiiral ang kalipunan ng mga Cristiano sa kalakhang Israel at sa mga karatig na bansa nito?