Hindi namin layuning gibain ang paninindigan ng
marami, ni ilagay man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus ay
upang maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga katuwirang
sumasa Dios. Hindi namin hinangad na husgahan ang sinoman, palibhasa'y ang mga
salita ng Dios na isinatinig ng mga tunay na banal ang siyang humuhusga sa mga
karumaldumal ng marami. Nawa'y maunawaan ng lahat na kami'y alingawngaw lamang
ng mga katotohanang isinigaw at isinatitik nilang mga totoong banal na nabuhay
sa malayo at malapit na kapanahunan.
Higit sa isang daang (100) taon na ang
nakakalipas. Sa tinagaltagal nga ng pag-iral nitong kapatiran ng mga
espiritista sa buong kapuluan, ay totoong walang anomang nabuong kaparaanan, sa
pagkilala ng tunay at huwad na kasangkapan (talaytayan) ng espiritu.
Palibhasa’y naging husto ang paniniwala ng mga kasapi natin, na ang nagaganap
sa kanilang harapan ay isang makatotohanang interbensiyon ng espiritu. Iyan ay
dahil sa simula pa lamang ay ikinakamada na nitong sistema ng kapatirang
espiritista, o kaugaliang espiritista ang laman ng kanilang isipan, na ang
nasasaksihan nila umanong paraan ng pagsanib ng espiritu ay katotohanan.
Gaya ng isang doktrinang pangrelihiyon na itinatali ang kaisipan at damdamin ng sinoman sa matibay na hidwang paniniwala. Sa gayo’y naisasara ang isipan at damdamin, upang huwag ng bigyang puwang pa ang katuwiran ng ibang kaalaman. Sapagka’t ang nai-ukit sa kanilang isipan ng partikular na doktrinang pangrelihiyon, gaano man iyon kapilipit, para sa kanila ay iyon na nga ang katotohanan.
Gaya ng isang doktrinang pangrelihiyon na itinatali ang kaisipan at damdamin ng sinoman sa matibay na hidwang paniniwala. Sa gayo’y naisasara ang isipan at damdamin, upang huwag ng bigyang puwang pa ang katuwiran ng ibang kaalaman. Sapagka’t ang nai-ukit sa kanilang isipan ng partikular na doktrinang pangrelihiyon, gaano man iyon kapilipit, para sa kanila ay iyon na nga ang katotohanan.
Nagsisimula mismo ang pagsusuri sa kinikilalang kasangkapan. Iyan
ay upang malaman, kung siya baga’y totoong binababaan ng espiritu, at sa
pamamgitan ba niya bilang isang talaytayan ay naisasatinig ang sagradong aral. Ano pa’t sa kawalan ng
sistemang pagkilala sa kanila ay lumaganap na parang malaking sunog ng apoy ang
pamamayagpag ng mga huwad na medium ng kapatiran sa buong kapuluan at sa
ibayong dagat. Kaugalian na itinuring nila (medium) na gawaing sinasang-ayunan ng Dios. Ang mali mula sa paulit-ulit na pagsasabuhay, kung lumaon ay nagiging isang kaugalian na sa buong akala ng marami ay gawaing sinasang-ayunan ng katotohanan na suma sa Dios.
Kung iyong tititigan sila ay tila ba
tunay na may nakalukob na espiritung banal sa kanilang kalooban at kabuoan, yun pala naman ay wala, at sa pagkukunwari na
gaya ng isang may nakaluklok na espiritu ay napapaniwala nila ang kaawa-awa nating mga kapatid, na sila sa partikular na sandaling iyon ng gawain
ay may panauhing banal na espiritu sa kabuoan ng kanilang katawan.