The Scrolls of Tanakh |
Ang Tanakh ay katawagan na ginagamit ng
Judaismo ukol sa batas kanonico (canon)
ng Bibliyang Hebreo (Hebrew Bible).
Kilala din ito sa taguring Masoretic Text, o Miqra.
May tatlong (3) pinagkaugaliang dibisyon ang kasulatang nabanggit. Ang Torah
(“Kautusan,” na kilala din sa tawag na Limang Aklat ni Moses),
ang Nevi’im
(“Mga Propeta”), at ang Ketuvim (“Katuruan”). Sa balumbon ng
mga kasulatang iyan ay ipinakilala ang kaisaisang
Dios at ang natatangi Niyang mga Kautusan, Palatuntunan, at Kahatulan. Diyan ay masigla at malugod
na ipinahayag ng mga hari at ng mga propeta ang katuruang Cristo (Messianic Teachings).
Sa kasulatan ding iyan ay mababasa na nilikha ng nagpakilalang Kaisaisang Dios
(Yohvah) ang dimensiyon ng Materiya at Dimensiyon ng Espiritu, at ang lahat ng mga nangaroon (Gen 1:1). Gayon din naman Niyang binigyang diin, na siya ang nagmamay-ari sa lahat ng kaluluwa ng sangkatauhan (Eze 18:4). Dahil sa
matibay na kadahilanang iyan - ang lahat ng tao sa buong kalupaan, o sa apat
(4) na direksiyon ng ating mundo ay may tungkulin na tumupad ng kaniyang
kalooban.
Ang natatanging katuruang pangkabanalan
na nilalaman ng Tanakh sa makatuwid
ay ganap na tinutukoy ang sangkatauhan. Ang lahat kung gayo’y nararapat mamuhay
sa kalupaan lakip sa kaniyang kalooban at kabuoan ang takot sa Dios. Ang ganap na
kaalaman at pagka-unawa sa mga kaayunan at kabawalan na nilalaman
nito ang tumatayong matibay na gabay ng mga tao. Sukat upang ang sinoman sa
kalupaan ay matutong harapin ang uri ng buhay na may ganap na pakikibahagi sa
nag-iisang larangan ng tunay na kabanalan.