Ang Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry ay isang misyon ng paghahanap ng katotohanan na itinatag upang ipahayag ang dalisay at orihinal na mga turo ni Cristo, batay lamang sa patotoo ng mga tunay na saksi at ng mga Kasulatang Hebreo. Tinatanggihan nito ang mga sumunod na pagbaluktot, at layuning ibalik ang mga kaluluwa sa liwanag ng kabanalan ng Dios sa pamamagitan ng pagsunod, pagsisisi, at Espiritu ng Dios na nanahan kay Jesus.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kautusan ng Dios. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kautusan ng Dios. Ipakita ang lahat ng mga post
Miyerkules, Hunyo 7, 2023
Martes, Enero 2, 2018
KAUTUSAN NG KATUBUSAN AT KALIGTASAN
Sa pagsisimula pa lamang ng pangwalong (8th) kabanata ng Roma ay binigyan na agad ng diin ni Pablo ang ilang bagay sa talata 1 at 2 na gaya ng nasusulat sa ibaba.
ROMA 8 :
1 Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.
2 Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.
Hinggil dito’y wala na di umanong hatol pa sa mga na kay Cristo. Sapagka’t ang kautusan ng espiritu na nasa kaniya’y pinalaya siya aniya sa kautusan ng Dios na ang laman ay kasalanan at kamatayan.

Sa himig ng pananalita sa mga talatang ito’y tiniyak niya sa mga taga Roma na itinuring na sa wala ang kanilang mga kasalanan. Kaya’t sila’y hindi na maaaring hatulan pa ng Dios, sa kadahilanang sila’y kalas na sa bigkis ng kautusan ng kasalanan at kamatayan.
Mga etiketa:
Katuruang Cristo,
Katuruang Pablo,
Kautusan ng Dios,
Sampung Utos ng Dios,
Tanakh
Sabado, Setyembre 23, 2017
Lunes, Mayo 1, 2017
HINDI NABAGO KAILAN MAN ANG KAUTUSAN
Mula sa sali't saling sabi, o nitong tradisyonal na doktrinang pangrelihiyon ay tahasang winiwika ng marami, na ang sampung (10) utos ng Dios ay binago na ni Jesus ng Nazaret. Bagay na naging bukang bibig ng karamihan, na tila baga isang may kahustohang paglalahad na lubos ang pagsang-ayon ng katotohanan na sumasa Dios.
Totoo nga kaya ang nakasanayan ng paglalahad na iyan ng marami? Na ang kautusan, kahi man ang mga iyon ay madiing winika ng kaisaisang Dios na nangatatatag magpakailankailan man ay nangyaring nabago at nahalinhan ng dalawang (2) utos na lamang?
Sa akdang ito ay lalapatan ang usaping iyan ng mga nagtutumibay na katunayang biblikal, na saan man at kailan man ay hindi maaaring itanggi, ni pasinungalingan man ng kahit sino sa kalupaan. Mula sa mga katunayang biblikal na iyan ay tatanglawan ang mga dako na kay laon ng nalalambungan ng sukdulang kadiliman. Sa gayo'y lalabas ang tanawin, na binibigyang diin ng katuwirang sumasa Dios. Na ang usaping may kinalaman sa pagbabago ng kautusan ay hindi kailan man sinang-ayunan ng katotohanan na masusumpungan sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh).

Binago ang Kautusan,
Everlasting Law,
Kautusan,
Kautusan ni Moses,
Kautusan ng Dios,
Kautusang Cristo,
Tanakh,
Torah
Lunes, Hunyo 3, 2013
KAUTUSAN NG DIOS IBINASURA NI LUCAS AT PABLO
Ang mga kautusan ayon sa hindi kakaunting balumbon ng mga banal ng kasulatan (Tanakh) ay mahigpit
na pinaiiral ng Ama nating nasa
langit. Bagay na una sa lahat ay karapatdapat pag-ukulan ng hustong pansin,
upang ang mga iyon ay matutunang sundin at masiglang isabuhay ng sinoman sa
kalupaan. Gayon ma’y pilit itong itinatakuwil at niwawalang kabuluhan ng marami
mula pa nang ito’y simulang isulat ng kaisaisang
Dios sa tapyas ng mga bato sa taluktok ng bundok Sinai.
Sa paglipas ng lubhang malayong
kapanahunan ay hindi kailan man naging makatuwiran ang mga nabanggit na kautusan sa unawa ng marami. Bagkus ay
natutunan nilang tangkilikin ng buong puso ang mga di-makatotohanang likhang doktrinang pangrelihiyon ng tao,
na malabis ang paghihimagsik sa buong katuwiran
ng Dios. Dahilan upang sila’y maging matutol at malabagin sa Kaniyang kalooban. Sila’y tila bulag na
nagsiyapos sa kahangalan at mga nilubidlubid na kabulaanan ng mga taong ang
tanging layunin ay kaladkarin sa tiyak na kapahamakan ang kaawa-awang kaluluwa ng kanilang kapuwa.
Lalo na ngang sa marami ay nagtumibay
ang gayong kasuklamsuklam na kaugalian, nang ituro ni Saulo ng Tarsus (Pablo) na ang kautusan
ng Ama ay inutil sa layuning maghatid ng kaluluwa sa kaluwalhatian ng langit. Ano pa’t sa kakulangan ng higit
na nakakarami ng hustong kamalayan sa larangan ng tunay na kabanalan – ang
kahinaan nilang iyon ay sinamantala ng taong nabanggit at ang lubhang marami ay
napaniwala niya sa mga likhang taong
doktrinang pangrelihiyon (evangelio ng di pagtutuli) at pinilipit na aral
pangkabanalan.
Mga etiketa:
Aral ni Jesus,
Aral ng Cristo,
Katuwiran ng Dios,
Kautusan,
Kautusan ng Dios,
Lucas,
Pablo
Biyernes, Mayo 3, 2013
KAILANGANG PAG-ARALAN ANG BIBLIYA
Mahalagang Paalala:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang tunay na banal ng Dios
Kailan ma'y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindigan na doktrinang pangrelihiyon ng sinoman.
Gayon din namang nais naming liwanagin lamang na wala kaming anomang laban, ni paghihimagsik man sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus. Bukod pa doon ay wala na kaming iba pang ninanais na mangyari pa.
Kung siya man ang tila sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral ay may hayagang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal
Ang akdang ito ay napakaliwanag na hindi kailan man dumako sa mapanirang panghuhusga ng kapuwa, kundi sa layong tanglawan lamang sa isipan at pang-unawa ng lahat ang hindi kakaunting bagay ng Dios na malaon ng pinipilipit at niwawalang kabuluhan ng marami.
Dahil diyan ay lubha ngang mahalaga sa sinoman na masusing siyasatin at pag-aralan ang nilalaman ng bibliya.
Batid nyo ba na sa Biblia ay nasusulat ang pinaghalong salita ng Dios at sariling pakiwari ng tao? Sa paglalahok ng dalawang iyan ay lubhang marami ang nailigaw sa katotohanan. Sapagka't nauuwi sa wala ang salita ng Dios, nang dahil sa minamatuwid na hidwang paniniwala ng ilang nagsulat ng Bagong Tipan. Dahil sa anomalyang iyan ay dapat mag-aral ng Biblia (Tanakh), upang matutunan natin kung papaano mapapaghiwalay ang sariling palapalagay ng tao na nagpapawalang kabuluhan sa mga salita ng Dios.

Pangalawa'y dapat maliwanagan ng lahat, na sa bagong tipan ay masusumpungan ang mga daya ng kasinungalingan na idinagdag at ibinawas sa mga teksto ng Lumang Tipan.
Ang mga iyan ay napatunayang ginawang patibayang aral ni Pablo sa lahat niyang mga sulat. Gayon din ang walang pakundangang pagsasalarawan ng gayong karumaldumal sa sulat na pinamagatang, "SA MGA HEBREO."
Ito ang
pangunahing dahilan kung bakit kailangan natin ang tumpak at batay sa katibayan biblikal na pag-aaral ng bibliya (precise and evidence-based bible study).
Nang sa gayo'y makatiyak tayo na ang mga ginagamit nating patibayang aral ay walang halong mapanlinlang na kasinungalingan ng ilang karakter ng Bagong Tipan.
Kaugnay nito ay hindi katotohanan na ang lahat ng nagsulat sa Bibliya ay inspirado ng Espiritu Santo, kundi ang ilan sa kanila'y inspirado ng diyablo. Sapagka't taglay ng kanilang salita ang kasuklamsuklam na kasinungalingan na lumalayon sa karumaldumal na pandaraya.
Akala tuloy ng marami ay katotohanan ang mga katunayang biblikal na kanilang ipinakikipaglaban - yun pala'y pinaglubidlubid lamang na kasinungalingan, na ang layunin ay pilipitin ang katotohanan at kaladkarin sa tiyak na kapahamakan ang kaluluwa ng kanilang kapuwa.

Sabado, Abril 27, 2013
WALA NA BANG KABULUHAN ANG LUMANG TIPAN?
Matuwid na layunin naming
ilahad lamang sa mga kinauukulan ang mga salita (evangelio ng kaharian) na
ipinangaral ng sariling bibig ni Jesus. Mga katiwatiwalang katunayang biblikal
lamang ang tangi naming pinagbatayan sa pagbabalangkas at pagbuo ng akdang ito.
Hindi namin kailan man hinangad, o ninais man na atakihin, ni husgahan man ang
alin mang doktrinang pangrelihiyon na tinitindigang matibay ng sinoman. Anomang
komento mula sa amin na mababasa sa artikulong ito ay may lubhang matibay at
kongkretong batayan. Dahil diyan ay maliwanag na ang aral pangkabanalan na
ipinangaral ng Cristo (Mashiach) ang siyang humuhusga sa pilipit na pagka-unawa
ng marami sa salitang “ matuwid, at katotohanan.” Hindi namin kailan
man hingangad na husgahan, ni ilagay man sa kahiyahiya at abang kalagayan ang aming
kapuwa. Kundi sa pagnanais na maghayag lamang ng mga sagradong aralin na sinasang-ayunang
lubos ng katuruang Cristo (Messianic teachings).
Sa larangan ng Cristianismo ni Pablo ay nalalahad ang doktrinang pangrelihiyon (evangelio
ng di pagtutuli) na umano’y nagpapawalang kabuluhan sa mga katuruan na
ipinangaral ng mga propeta (mashiyach)
nitong lumang tipan ng Bibliya (Tanakh). Partikular sa mga iyon ay ang sampung (10) kautusan na tinanggap ni Moses sa taluktok ng bundok Sinai. Sa
kinalap naman na iba’t ibang istoriya nitong si Lucas (Luk 1:1-3) ay sinasasabi na ang pag-iral ng kautusan at ng mga propeta ng sangbahayan
ni Israel ay nanatili hanggang kay Juan
Bautista lamang.
Linggo, Marso 31, 2013
PAGBUHAY SA MGA PATAY
Mula sa balumbon ng mga banal na
kasulatan ng mga anak ni Israel ay
may ilang pangyayari, na ang isang propeta,
o alagad ng tunay na kabanalan ay bumuhay ng patay. Gayon ma’y kailangan
nating maunawaang mabuti, na ang Espiritu
ng Dios ay namamahay at naghahari sa Kaniyang mga sisidlang hirang. Kung tawagin sila’y mga banal at karamihan sa kanila ay mga pinahiran (anointed), gaya ng mga propeta ng limang (5) aklat ni Moses.
Maituturing na isang napakalaking
pagkakamali, na sabihing ang isang propeta
tulad halimbawa ni Elija at Elisha ay bumuhay ng mga patay.
Sapagka’t mariing isinaysay ng mga nabanggit na aklat, na sila’y mga lingkod ng Dios lamang. Kaya isang
katotohanan na mahalagang maunawaan ng lahat na sila bilang mga sisidlang hirang ay kasangkapan lamang
ng banal na Espiritu. Dahil doo’y
napakaliwanag na ang siyang bumubuhay ng litreral na patay ay hindi ang mga propeta, kundi ang Espiritu ng Dios na sa kabuoan nila ay masiglang namamahay at
makapangharihang naghahari.
Gaya halimbawa ng isang kopa (cup) na ang natatanging layunin ay
maging sisidlan ng inumin. Kung ito’y lalagyan ng tubig ay tiyak na mapapatid
ang nararamdamang uhaw ng sinoman na iinom ng laman nito. Maliwanag kung gayon na tubig ang bumabasa sa natutuyong
lalamunan at pumapawi ng uhaw. Samantalang ang kopa ay kinasangkapan lamang upang ang tubig ay maihatid ng kamay
sa bibig upang pawiin ang uhaw ninoman.
Biyernes, Pebrero 22, 2013
ANG BABALA (Kapahamakan ng kaluluwa)
Sa kasalukuyang
panahon ay higit ng naging maingat ang karamihan sa pangsarili nilang kapakanan. Una-una
ay sa kalusugan, kabuhayang pang materiyal at Ispirituwal, relasyong
pampamilya, pagmamalasakit sa kapuwa at
marami pang iba. Sa usaping ito ay tatalakayin natin ang ilang tanawin na may
kinalaman sa pagmamalasakit sa kapuwa. Dahil maituturing na kabutihan ang
gawaing, pagbibigay halaga sa kapakanan ng mga tao, hindi nga lamang sa kanila na malalapit
sa ating puso at damdamin.
Tungkol sa usapin ng kapakanan at proteksiyon ay likas sa lahat na unahin ang kanikaniyang sarili sa mga
gawain na nabanggit sa itaas. Gayon man ay isa pa ring kalugodlugod na gawaing
pangkabanalan na paalalahanan ang ating kapuwa, kung sa tingin natin ay
nalilihis ang kanilang sarili sa umiiral na batas at palatuntunan tungo sa
matuwid na landas ng buhay.
Dahil dito ay
hindi naging tamad at makupad ang marami para bigyang katuparan ang kahalagahan ng bagay na ito. Sa mga pabalat
(label) ng pangunahing bilihin ay makikita ang mga paalala at babala na
nagsasabing makasasama ang mga produktong iyon sa kalusugan ng mga tao, at
nagdudulot ng pagkakasakit at sa dulo ay kamatayan.
Mga etiketa:
Commandment of God,
Divination,
Fortune-telling,
Kautusan ng Dios,
Magic,
Mediumship,
Necromancy,
Occult,
Omen,
Orasyon,
Psychism,
Sorcery,
Talisman
Linggo, Pebrero 17, 2013
MGA TUNAY NA LINGKOD NG DIOS
Mula sa lubhang malayong kapanahunan hanggang sa kasalukuyang henerasyon na ating kinabibilangan, ay laganap ang mga tao na
nagsasabing sila’y kasama sa munting kalipunan ng mga tunay na lingkod ng Dios. Gayon ma’y malabis ang pag-aangkin
ng bawa’t isa sa banal na kalagayang iyon. Dahil diyan ay hindi nila maiwasang maging gaya ng mga mababangis na hayop sa ilang, na sa araw at gabi ay nagsasakmalan sa isa’t
isa. Yan ay tanda na tila hindi nila nauunawaan ang totoong kahulugan ng kalagayang malabis nilang inaangkin, pinag-aagawan, at pinag-aawayan sa lahat ng
oras.
Ano nga ba ang malinaw na kahulugan ng
mga salitang, “Lingkod ng Dios?”
Ang ibig sabihin ng katagang, “Lingkod” ay utusan, o maninilbihan,
at sa higit na malinaw na pananaw ay “tagasunod.”
Kung lalapatan ng husto at angkop na paliwanag ay isang indibiduwal o kalipunan iyan na nakatalagang
tumanggap at tumupad ng utos. Yan lamang ang kaisaisang layunin at tungkulin
ng isang "lingkod."
Sa mundong ito ay isang nilalang, tao
man o hayop na tagapaglingkod sa kaniyang panginoon ang tinutumbok na kahulugan
niyan. Kung umiiral ang tagapaglingkod ay maliwanag din namang
kaagapay niya ang kaniyang amo o panginoon na isang taga-utos. Sa mundo kung
gayon ay dalawa ang kategoriya ng tao – ang una ay ang nag-uutos, at ang
pangalawa ay ang inuutusan. Dahil nga diyan ay masiglang umiinog ang mundo ng
bawa’t tao sa kalupaang ito, at sapat upang maunawaan ng bawa’t isa ang
ginagampanang layunin sa kani-kaniyang itinataguyod na buhay.
Huwebes, Disyembre 27, 2012
ANG LIMANG (5) AKLAT NI MOSES
Paunang salita
Hindi namin layunin na gibain ang paninindigan ng marami, ni ilagay man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus ay maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Hindi namin hinangad na husgahan ang sinoman, palibhasa'y ang mga salita ng Dios na isinatinig ng mga banal ang siyang humuhusga sa mga karumaldumal ng marami. Nawa'y maunawaan ng lahat na kami'y alingawngaw lamang ng mga katotohanang isinigaw at isinatitik nilang mga totoong banal na nabuhay sa malayo at malapit na kapanahunan.
Mula sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh or Miqra) na ipinagkatiwala ng kaisaisang Dios sa mga anak ni Israel ay masusumpungan ang mga dalisay na aral pangkabanalan. Lakip nito ang mga sagradong katuruang pangkaluluwa na naglalahad ng mga pamamaraan at ilang alituntunin sa ikapagtatamo ng kaligtasan.
Ang Miqra (Tanakh) ay binubuo ng tatlong (3) dibisyon, ang Torah na Limang [5] Aklat ni Moses, Nevi'im (prophets), at Ketuvin (writings). Ayon na rin sa kasaysayang lakip ng Torah ay talaan iyan ng personal niyang karanasan sa pakikipag-ugnayang sa Espiritu ng Dios.
Tampok sa mga nabanggit na aklat (Tanakh) ang masiglang pagpapakilala ng lumikha sa kalagayan ng kaisaisang Dios at Ama ng lahat ng kaluluwa. Gayon din ang tungkol sa pagsasabuhay ng kaniyang mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan. Ang lahat ng kaluluwa na sumasa katawan (tao) sa makatuwid ay may tungkulin na tumupad, o gumanap sa natatangi niyang kalooban na binabanggit dito. Madiin ang pagkawika na ang ganting-pala sa sinomang maluwalhating magtatagumpay na makaganap ay ang pagtatamo ng buhay na walang hanggan ng sariling niyang kaluluwa. Sa Limang (5) Aklat ni Moses ay iyan ang mga itinalagang pangunahing gampanin na nararapat isabuhay ng sinoman sa kalupaan.
May mga gawang ikabubuhay ng kaluluwa, at iyan ang pagtalima sa nabanggit na kalooban ng Dios. Maliwanag kung gayon, na ang pagsalungat sa mga iyan ay nangangahulugan ng pagkapahamak, o kamatayan ng kaluluwa ninoman. Hindi lamang sa mga aklat ni Moses na iyan binibigyang halaga at diin ang tungkol sa mga gawaing nabanggit, kundi pati na rin sa hindi kakaunting banal na kasulatan (Ketuvim), gayon din sa mga isinatitik na pahayag (Nevi'im) ng mga totoong banal (propeta) ng Dios.
Kaugnay nito, ang kaisaisang layuning ng mga nabanggit na kasulatang pangkabanalan ay ituro lamang sa mga tao ang husto at wastong pagtalima sa mga natatanging kalooban ng Dios (kautusan, palatuntunan, at kahatulan) Gayon nga lamang kapayak (kasimple) ang ninanais ng ating Ama sa langit na gawin ng kaniyang mga anak sa kalupaan. Sa pagsunod sa kalooban (kautusan) niya ay may ilang bagay lamang na nararapat iwaksi ang bawa’t isa. Iyan ang kasinungalingan, dilim ng kaisipan, galit at panibugho, kahinaan, katamaran, kamangmangan, na naglulunsad sa kanino mang kaluluwa sa tiyak at masaklap na kamatayan.
Sa hindi lubhang kalaunan ay lumabas ang di umano ay ika-6 hanggang ika-10 aklat ni Moises, subali’t ang maliwanag na inilahad ng mga di kilalang kasulatang iyan ay ang hayagang pagsalungat sa kalooban ng Dios na masiglang ipinakilala ng Limang (5) Aklat ni Moses.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)