Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Anak ng pagsuway. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Anak ng pagsuway. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Hulyo 5, 2014

AKO AT ANG AMA AY IISA

JUAN 10 :
24  Nilibot nga siya ng mga Judio, at sa kaniya'y sinabi, Hanggang kailan mo pa baga pagaalinlanganin kami? Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mong maliwanag sa amin.

Sa panahon ngang iyon ni Jesucristo ay hindi naging maliwanag sa mga Judio na nakapalibot sa kaniya, kung siya nga ba ang Cristo (Mesias), o hindi. Ito'y dahil sa kawalan nila ng pagnanampalataya sa mga salita (evangelio ng kaharian) na isinatinig ng sarili niyang bibig. Palibhasa'y hindi nila napapag-unawa na ang Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kabuoan ni Jesus ang siyang nagsasalita gamit lamang ang kaniyang bibig.

Bagaman sa panahon nating ito ay lubhang marami ang kumikilala kay Jesus bilang Cristo ay gayon namang halos lahat sa kanila ay hindi nauunawaan ang totoong kahulugan ng salitang iyan. Sa gayo'y matuwid sa sinoman na mabigyan ng kaukulang paglilinaw sa kaniyang isipan ang salita na tumutukoy sa gawaing may kinalaman sa Cristo. Ito'y upang mapag-unawa ang katotohanan hinggil sa likas na kalagayan ni Jesus, at malinawan ang maraming bagay na nalingid sa kaalaman ng marami noon pa mang una. 

Ano nga ba ang ilang nakukubling kaalaman hinggil sa kaniya, na hanggang sa ngayon ay hindi pa nababatid at nauunawaang lubos ng marami?  

Huwebes, Enero 2, 2014

MAYROON AKONG IBANG MGA TUPA, NA HINDI SA KULUNGANG ITO.


Sa isang artikulo nitong "Rayos ng Liwanag" hinggil sa simbulo ng mga tupa at kambing ay pinatotohanan ng mga salita na ipinangaral ng sariling bibig ni Jesus ang ilang pangungusap na sumusunod, 

"Sa kalupaan ay mayroong mga tao na dumadako sa larangan ng totoong kabanalan. Masigla at masayang isinasabuhay nila ang mga kautusan, na siyang kalooban ng kaisaisang Dios na ninanais Niyang sundin ng lahat. Anak ng pagsunod (son of obedience) ang matuwid na tawag, o taguri sa sinomang lumalapat sa banal na kalagayang iyan. Ang simbolismo na iniangkop ng Dios sa sinoman na gaya ng katayuang nabanggit ay “Tupa,” na kung lilinawin ay ang sinoman na tagasunod, tagapagtaguyod, at tagapagtanggol ng mga salita ng Dios (kautusan).

Hinggil nga sa simbolismo na tumutukoy sa mga tupa ng pastulan ay maliwanag na sinabi ng Ama nating nasa langit,


EZE 34 :
31 At kayong mga tupa ko, na mga TUPA SA AKING PASTULAN ay mga TAO, at ako’y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.
(And ye my flock, the flock of my pasture, are men, and I am your God, saith the Lord God.)


Gayon din naman sa kalupaan ay marami ang nasasadlak sa kasuklamsuklam na kapangahasan at katampalasanan. Ikinatutuwa nila ang pagpilipit sa mga salita ng Dios. Ang utos Niya’y hindi nila kinikilala at sinasadya nilang gawin ang kabaligtaran ng mga iyon. Hindi nila ginagawa ang kaisaisang paraan (kautusan) ng pagpapakabanal na ibinaba ng Dios sa lupa upang sundin at isabuhay ng lahat. Bagkus ay ang sariling likhang daan ng kahangalan ang binibigyan nila ang higit na timbang. Dahil diyan ay nalalabag ang mga utos ng Dios at nagiging makasalanan ang marami sa paningin ng Ama nating nasa langit.