Paunang salita
Sa alamat ng mga Ingles ng Inglatiera ay may ipinakilalang magaling at mapagkawang-gawang lalake, na umano'y nagkakanlong at naninirahan sa Sherwood Forest ng Nottinghamshire. Ang taong iyon ayon sa kuwento ay tanyag sa pagiging isang mamamana at eskrimador. Nitong unang bahagi ng ika-19 na siglo ay kinilala siya bilang isang “tulisan na dumadambong sa mayayaman at ipinamamahagi sa mahihirap ang mga kinulimbat niyang yaman.” Ito’y sa tulong ng pinamumunuan niyang pangkat ng mga bandido, na sikat sa tawag na Merry Men. Ang pulutong na iyon ay inilalarawan na taglay sa kanilang katawan ang Lincoln green na kasuotan.
Hindi namin layunin na gibain ang paninindigan ng marami, ni ilagay man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus ay maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Hindi namin kailan man hinangad na husgahan ang sinoman, palibhasa'y ang mga salita ng Dios na isinatinig ng mga banal ang siyang humuhusga sa mga karumaldumal ng marami. Nawa'y maunawaan ng lahat na kami'y alingawngaw lamang ng mga katotohanang isinigaw at isinatitik nilang mga totoong banal na nabuhay sa malayo at malapit na kapanahunan.
Sa alamat ng mga Ingles ng Inglatiera ay may ipinakilalang magaling at mapagkawang-gawang lalake, na umano'y nagkakanlong at naninirahan sa Sherwood Forest ng Nottinghamshire. Ang taong iyon ayon sa kuwento ay tanyag sa pagiging isang mamamana at eskrimador. Nitong unang bahagi ng ika-19 na siglo ay kinilala siya bilang isang “tulisan na dumadambong sa mayayaman at ipinamamahagi sa mahihirap ang mga kinulimbat niyang yaman.” Ito’y sa tulong ng pinamumunuan niyang pangkat ng mga bandido, na sikat sa tawag na Merry Men. Ang pulutong na iyon ay inilalarawan na taglay sa kanilang katawan ang Lincoln green na kasuotan.
Siya ay walang iba, kundi si Robin Hood (Robyn Hode sa mga lumang manuskrito), na malabis ang pakikidalamhati sa kaawa-awang kalagayan ng mga kapos palad niyang kababayan. Sukat upang siya’y itulak ng damdaming iyon sa isang gawain na kailan ma’y hindi sinang-ayunan ng matuwid. Palibhasa, mula sa sampu (10) ay paglabag iyon sa pangwalong (8) kautusan ng Dios na may kahigpitan Niyang ipinatutupad sa lahat ng tao sa kalupaan.