Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Huwad na Cristiano. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Huwad na Cristiano. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Mayo 3, 2013

KAILANGANG PAG-ARALAN ANG BIBLIYA


Mahalagang Paalala:

Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang tunay na banal ng Dios

Kailan ma'y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindigan na doktrinang pangrelihiyon ng sinoman.

Gayon din namang nais naming liwanagin lamang na wala kaming anomang laban, ni paghihimagsik man sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus. Bukod pa doon ay wala na kaming iba pang ninanais na mangyari pa.

Kung siya man ang tila sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral ay may hayagang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal

Ang akdang ito ay napakaliwanag na hindi kailan man dumako sa mapanirang panghuhusga ng kapuwa, kundi sa layong tanglawan lamang sa isipan at pang-unawa ng lahat ang hindi kakaunting bagay ng Dios na malaon ng pinipilipit at niwawalang kabuluhan ng marami.

Dahil diyan ay lubha ngang mahalaga sa sinoman na masusing siyasatin at pag-aralan ang nilalaman ng bibliya.

Batid nyo ba na sa Biblia ay nasusulat ang pinaghalong salita ng Dios at sariling pakiwari ng tao? Sa paglalahok ng dalawang iyan ay lubhang marami ang nailigaw sa katotohanan. Sapagka't nauuwi sa wala ang salita ng Dios, nang dahil sa minamatuwid na hidwang paniniwala ng ilang nagsulat ng Bagong Tipan. Dahil sa anomalyang iyan ay dapat mag-aral ng Biblia (Tanakh), upang matutunan natin kung papaano mapapaghiwalay ang sariling palapalagay ng tao na nagpapawalang kabuluhan sa mga salita ng Dios.

Pangalawa'y dapat maliwanagan ng lahat, na sa bagong tipan ay masusumpungan ang mga daya ng kasinungalingan na idinagdag at ibinawas sa mga teksto ng Lumang Tipan. 


Ang mga iyan ay napatunayang ginawang patibayang aral ni Pablo sa lahat niyang mga sulat. Gayon din ang walang pakundangang pagsasalarawan ng gayong karumaldumal sa sulat na pinamagatang, "SA MGA HEBREO."

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan natin ang tumpak at batay sa katibayan biblikal na pag-aaral ng bibliya (precise and evidence-based bible study).

Nang sa gayo'y makatiyak tayo na ang mga ginagamit nating patibayang aral ay walang halong mapanlinlang na kasinungalingan ng ilang karakter ng Bagong Tipan. 

Kaugnay nito ay hindi katotohanan na ang lahat ng nagsulat sa Bibliya ay inspirado ng Espiritu Santo, kundi ang ilan sa kanila'y inspirado ng diyablo. Sapagka't taglay ng kanilang salita ang kasuklamsuklam na kasinungalingan na lumalayon sa karumaldumal na pandaraya. 

Akala tuloy ng marami ay katotohanan ang mga katunayang biblikal na kanilang ipinakikipaglaban - yun pala'y pinaglubidlubid lamang na kasinungalingan, na ang layunin ay pilipitin ang katotohanan at kaladkarin sa tiyak na kapahamakan ang kaluluwa ng kanilang kapuwa. 

Lunes, Oktubre 1, 2012

MGA CRISTO AT CRISTIANO NG LUMANG TIPAN


Ang salitang Ingles na “Messianic" ay nagmula sa titulong “Messiah” na tumutukoy sa mga tagasunod nitong “Mashiyach (מָשִׁיחַ)” ng Israel. Sila ay sumasamba kay YHVH (YEHOVAH) bilang kaisaisang Dios at Ama ng lahat ng kaluluwa, at namamalagi sa Kaniyang salita - ang Torah.

Ang katagang "Notzrim" ay makabagong salitang Hebreo na siyang tawag sa mga tagasunod ng Cristo, nguni't ito'y hindi tumutukoy sa mga Mashiyach (pinahiran) ng Torah, kundi sa Mashiyach lamang na si Jesus ng Bagong Tipan. Ang Cristianismo na ipinakilala ni Pablo sa aklat na iyan ay naging bias, o may malabis na pagkiling sa iisang Cristo lamang na si Jesus.

Alam nyo ba na noon pa mang unang panahon - libong taon pa bago isilang ang panginoong Jesucristo ay masigla ng umiiral ang kalipunan ng mga Cristiano sa kalakhang Israel at sa mga karatig na bansa nito?

Linggo, Setyembre 2, 2012

CRISTIANO NG DIOS


Jesus preaching the Gospel of the Kingdom
Ang usapin bang tumutukoy dito ay kailangan pang pag-aksayahan ng ating panahon, gayong talastas ng marami na ang katawagang Cristiano ay inaari ng hindi kakaunting samahang pangrelihiyon sa apat (4) na direksiyon ng ating mundo. Gayon pa man ay ilan kaya sa lubhang karamihan ang nakaka-unawa sa tunay na kahulugan ng salitang iyon, at gaano karami ang bilang ng mga may ganap na pagkabatid sa tunay na aral at katuruang nilalaman ng Cristianismo?

Mashiyach sa wikang Hebreo ang katagang Cristo. Christ o Messiah sa Ingles, Christus sa Italya, Khristos sa Griego, at Cristo sa ating wika. Ang nag-iisang ibig sabihin nito ay “pinahiran,” at katagang nagpapahayag ng banal na kalagayang lubos na kinikilala ng Dios. Mabibigyang diin na ito’y isang katawagan na naglalahad ng pagiging masunurin ng isang tao sa mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan ng kaisaisa nating Ama na nasa langit.

Ang sinoman sa makatuwid na masigla at bukal sa puso na nagsasabuhay ng kabanalan na masusumpungan sa isang itinuturing na Cristo ay maaaring matawag na isang Cristiano. Ginagawa niya ang mga bagay na isinasabuhay ng nagtataglay ng gayong natatanging sagradong kalagayan. Ang pagkilala sa estado niyang iyan ay naaayon sa mga katunayan na binibigyang diin ng sina-unang (Masoteric Texts) balumbon ng mga banal na kasulatan.