False Prophet |
Mula sa lubhang malayong kapanahunan
hanggang sa kasalukuyan nating henerasyon ay hindi pinagsawaan, ni nakaligtaan
man ng Dios na magpadala ng Kaniyang mga lingkod na Propeta sa apat (4) na direksiyon ng
ating mundo. Iyan ay sa kadahilanang patuloy din naman ang mga huwad na mangangaral sa pagtuturo ng mga
doktrinang pangrelihiyon na malabis ang pagsalungat sa katuwiran ng kaisaisang Dios ng Tanakh.
Ang higit sa lahat na nararapat malaman
at maunawaan ng sangkatauhan ay hindi kailan man lumipas, o nagwakas man ang salita ng Dios na nangagsilabas mula sa
bibig ng mga tunay na propeta ng Tanakh. Gayon man, ang itinuturo ng mga bulaang
mangangaral ay ang di-pagpapahalaga sa mga kautusan ng Ama nating
nasa langit. Iyan anila’y hinalinhan na ng pananampalataya kay Jesucristo, na di umano ay siyang
mandato ng panahong Cristiano (Christian
Era). Datapuwa’t ang katotohanan hinggil sa usaping ito ay nananatili at
patuloy na umiiral ang kautusan ng kaisaisang Dios sa pinakamalakas nitong
bugso.
Gaya nga ng nasusulat ay madiing winika
ng bibig nila haring David at propeta Isaias ang mga sumusunod,