Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Occultism. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Occultism. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Enero 25, 2013

ROBIN HOOD SYNDROME


Paunang salita
Hindi namin layunin na gibain ang paninindigan ng marami, ni ilagay man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus ay maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Hindi namin kailan man hinangad na husgahan ang sinoman, palibhasa'y ang mga salita ng Dios na isinatinig ng mga banal ang siyang humuhusga sa mga karumaldumal ng marami. Nawa'y maunawaan ng lahat na kami'y alingawngaw lamang ng mga katotohanang isinigaw at isinatitik nilang mga totoong banal na nabuhay sa malayo at malapit na kapanahunan.

Sa alamat ng mga Ingles ng Inglatiera ay may ipinakilalang magaling at mapagkawang-gawang lalake, na umano'y nagkakanlong at naninirahan sa Sherwood Forest ng Nottinghamshire. Ang taong iyon ayon sa kuwento ay tanyag sa pagiging isang mamamana at eskrimador. Nitong unang bahagi ng ika-19 na siglo ay kinilala siya bilang isang “tulisan na dumadambong sa mayayaman at ipinamamahagi sa mahihirap ang mga kinulimbat niyang yaman.” Ito’y sa tulong ng pinamumunuan niyang pangkat ng mga bandido, na sikat sa tawag na Merry Men. Ang pulutong na iyon ay inilalarawan na taglay sa kanilang katawan ang Lincoln green na kasuotan.

Siya ay walang iba, kundi si Robin Hood (Robyn Hode sa mga lumang manuskrito),  na malabis ang pakikidalamhati sa kaawa-awang kalagayan ng mga kapos palad niyang kababayan. Sukat upang siya’y itulak ng damdaming iyon sa isang gawain na kailan ma’y hindi sinang-ayunan ng matuwid. Palibhasa, mula sa sampu (10) ay paglabag iyon sa pangwalong (8) kautusan ng Dios na may kahigpitan Niyang ipinatutupad sa lahat ng tao sa kalupaan.

Huwebes, Disyembre 27, 2012

ANG LIMANG (5) AKLAT NI MOSES

Paunang salita

Hindi namin layunin na gibain ang paninindigan ng marami, ni ilagay man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus ay maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Hindi namin hinangad na husgahan ang sinoman, palibhasa'y ang mga salita ng Dios na isinatinig ng mga banal ang siyang humuhusga sa mga karumaldumal ng marami. Nawa'y maunawaan ng lahat na kami'y alingawngaw lamang ng mga katotohanang isinigaw at isinatitik nilang mga totoong banal na nabuhay sa malayo at malapit na kapanahunan.


Mula sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh or Miqra) na ipinagkatiwala ng kaisaisang Dios sa mga anak ni Israel ay masusumpungan ang mga dalisay na aral pangkabanalan. Lakip nito ang mga sagradong katuruang pangkaluluwa na naglalahad ng mga pamamaraan at ilang alituntunin sa ikapagtatamo ng kaligtasan. 

Ang Miqra (Tanakh) ay binubuo ng tatlong (3) dibisyon, ang Torah na Limang [5] Aklat ni Moses, Nevi'im (prophets), at Ketuvin (writings). Ayon na rin sa kasaysayang lakip ng Torah ay talaan iyan ng personal niyang karanasan sa pakikipag-ugnayang sa Espiritu ng Dios. 


Tampok sa mga nabanggit na aklat (Tanakh) ang masiglang pagpapakilala ng lumikha sa kalagayan ng kaisaisang Dios at Ama ng lahat ng kaluluwa. Gayon din ang tungkol sa pagsasabuhay ng kaniyang mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan. Ang lahat ng kaluluwa na sumasa katawan (tao) sa makatuwid ay may tungkulin na tumupad, o gumanap sa natatangi niyang kalooban na binabanggit dito. Madiin ang pagkawika na ang ganting-pala sa sinomang maluwalhating magtatagumpay na makaganap ay ang pagtatamo ng buhay na walang hanggan ng sariling niyang kaluluwa. Sa Limang (5) Aklat ni Moses ay iyan ang mga itinalagang pangunahing gampanin na nararapat isabuhay ng sinoman sa kalupaan.

May mga gawang ikabubuhay ng kaluluwa, at iyan ang pagtalima sa nabanggit na kalooban ng Dios. Maliwanag kung gayon, na ang pagsalungat sa mga iyan ay nangangahulugan ng pagkapahamak, o kamatayan ng kaluluwa ninoman. Hindi lamang sa mga aklat ni Moses na iyan binibigyang halaga at diin ang tungkol sa mga gawaing nabanggit, kundi pati na rin sa hindi kakaunting banal na kasulatan (Ketuvim), gayon din sa mga isinatitik na pahayag (Nevi'im) ng mga totoong banal (propeta) ng Dios.

Kaugnay nito, ang kaisaisang layuning ng mga nabanggit na kasulatang pangkabanalan ay ituro lamang sa mga tao ang husto at wastong pagtalima sa mga natatanging kalooban ng Dios (kautusan, palatuntunan, at kahatulan) Gayon nga lamang kapayak (kasimple) ang ninanais ng ating Ama sa langit na gawin ng kaniyang mga anak sa kalupaan. Sa pagsunod sa kalooban (kautusan) niya ay may ilang bagay lamang na nararapat iwaksi ang bawa’t isa. Iyan ang kasinungalingan, dilim ng kaisipan, galit at panibugho, kahinaan, katamaran, kamangmangan, na naglulunsad sa kanino mang kaluluwa sa tiyak at masaklap na kamatayan.

Sa hindi lubhang kalaunan ay lumabas ang di umano ay ika-6 hanggang ika-10 aklat ni Moises, subali’t ang maliwanag na inilahad ng mga di kilalang kasulatang iyan ay ang hayagang pagsalungat sa kalooban ng Dios na masiglang ipinakilala ng Limang (5) Aklat ni Moses.