Miyerkules, Disyembre 16, 2015

BETLEHEM (Kailan ipinanganak si Jesus)

Virgo 'The Virgin'
Ang mga Meteorologio hindi kalayuan sa Betlehem (31.7031N 35.1956E) ay nagtala ng eksaktong temperatura sa lugarin ng Hebron (timog bulubundukin ng Juda). Ang talaang iyon ay naglahad, na sa loob ng tatlong (3) buwan - ang kaganapan ng pagyeyelo (frost) ay ayon sa sumusunod: Disyembre 2.8 degrees; Enero - 1.6 degrees; at sa Pebrero - 0.1 degrees centigrade. Naghahatid din ang panahong iyan ng madalas at malalakas na buhos ng ulan, humigit-kumulang 6 inches sa buwan ng Disyemnbre, at kung Enero ay halos aabot sa 8 inches. 

Ayon pa rin sa kasalukuyang  kaalaman – ang klima (climate) sa kalakhang Palestino ay hindi kailan man kinakitaan ng dramatikong pagbabago-bago sa loob ng lumipas na 2,000 taon. Bilang batayan nito ay maaaring konsultahin ang alin mang makabagong obserbasyong meteorologio ng nabanggit na rehiyon.

Ang katotohanang iyan ay nagpapakita, na ang Betlehem tuwing darating sa kapanahunang nabanggit ay nasa kalagayan ng mahigpit na panahon ng taglamig. Dahilan upang ang mga kawan ng hayop at mga tagapag-alaga (pastor) nito ay magsipagkanlong at manatili pansamantala sa kani-kanilang kuwadra (kulungan) at tahanan.

       31.7031N 35.1956E
Sa umiiral na matandang kaugalian ay karaniwang inilalabas ng mga pastor ang kanilang kawan sa buwan ng Marso (tag-sibul) at sila ay nananatili sa luntiang pastulan hanggang sa simula ng Nobyembre.  Ibig sabihin nito ay halos walong (8) buwan ang tuloytuloy na panahong ginugugol ng mga kawan sa iba’t ibang pastulan, bago magsibalik na muli sa kani-kanilang kuwadra (kulungan) - bilang pag-iwas sa parating na tagyelo o taglamig.

Hindi mahirap unawain, na ang rehiyong iyon ng Palestino, kabilang ang Betlehem ay binubuo ng apat na yugto ng panahon kada taon. Ang tag-init (summer), taglagas (fall), tagyelo, o taglamig (winter), at taglusaw o tagsibul (spring).

Sa nananaganang kaugaliang (tradisyon) pangrelihiyon sa kasalukuyan ay tagyelo, o taglamig (winter) ang sumisimbulo at kumakatawan sa selebrasyon ng Pasko (Christmas). Tuwing ika-25 ng Disyembre ay madamdaming ginugunita at masiglang ipinagdiriwang ng mga Cristiano ng Katolikong Romano ang pinaniniwalaan nilang kapanganakan, o kaarawan ng Cristong si Jesus. Ang taunang pagdiriwang na iyan ay nakasanayan na ng lubhang maraming tao sa kalupaan. Ito’y isang okasyong mundial na tila nagpapahayag ng dalisay at banal na kaganapan sa buhay ng Mesias (Masyak).


Totoo nga kaya, o gaano katotoo na ika-25 ng Disyembre ang petsa ng kapanganakan ng panginoong si Jesus. Sa ikalilinaw ng usaping ito, marahil ay kailangan munang sulyapan ang papel na ginampanan ni Zacarias at Elizabeth na siyang naging ama at ina nitong si Juan Bautista. Balikan nga muna natin ang kasaysayan (history) na may katiyakang makapagbibigay ng kaukulang presisyong sagot sa ilang katanungan na nabanggit sa itaas..

Ang kapanganakan ni Juan 

Ayon sa sulat ni Lucas, sa kapanahunan ni Herodes (74-4 B.C.E) na hari ng Judea ay may isang saserdote na ang ngalan ay Zacarias, at siya ay nabibilang sa pulutong (course or order) na pinagunguluhan ni Abias (Abijah).

May dalawampu at apat (24) na pulutong ng mga pari (saserdote) na nangangasiwa ng mga paglilingkod sa Templo ng Jerusalem. Ang  bawa’t pulutong (course) ay tinatawag sa pangalan ng kung sino ang namumuno sa kanila. Gaya ni Abias (Abijah) na siyang pangulo ng ika-walong (8th) pulutong na kung saan ay kinabibilangan ng saserdoteng si Zacarias (1 Chro 24:10).

Ang mga sina-unang pulutong ay inatasan ni Samuel at David, at ni Ezra sa kalaunan – na maglingkod sa templo ng buong isang linggo (one week) sa dalawang (2) magkahiwalay na panahon (cycle) bawa’t taon. Iyan ang sa simula ng NISSAN 1 hanggang sa matapos ang dalawampu’t apat (24) na Sabbath. Uulit na muli ang gayong kabanal na kalakaran sa simula ng TISHRI 1 hanggang sa mahusto ang pangangasiwa ng dalawampu’t apat na pulutong sa dalawampu’t apat na Sabbath. Ang dalawang (2) cycle na iyon taun-tao ay ginagampanan ng nabanggit na pulutong ng mga Saserdote ng Templo.

Ang unang hanay ng mga saserdote ay uumpisahan ang kanilang pangangasiwa sa templo sa katanghalian (noon) ng Sabbath (Saturday) at sila ay hahalinhan ng kasunod na pulutong sa susunod na katangahalian (noon) din ng Sabbath (Sabado). Ang nabanggit na pangangasiwa sa templo ay inuumpisahan nitong unang pulutong ng mga saserdote sa Sabbath bago ang unang araw ng NISAN (Nisan 1) – na siyang unang buwan ng taong eklesiyastiko (ecclesiastical year).

Note: Ang 
Nisan ay 30 araw na buwan ng tagsibul. Iyan ay karaniwang natataon sa Marso-Abril ng Gregorian calendar. (Nisan is a spring month of 30 days. Nisan usually falls in March-April on the Gregorian calendar.)

Itinataya na sa taong 4 B.C.E ang panahon na kumakatawan sa nabanggit na pangangasiwa sa temple ng dalawampu’t apat (24) na pulutong, na kung saa’y kinabibilangan nitong si Zacarias. Mula unang (1) pulutong ng mga Saserdote (March 31 [Nisan 1]) hanggang sa ika-walo (8) ay pumatak ng Mayo 19 hanggang Mayo 26 ang mga araw na ipanangasiwa nila sa Templo. Sa pagtatapos ng mga araw na iyan ay diyan sinabi ni Lucas na si Zacarias, 

"habang nagsusunog ng kamangyan sa loob ng Templo ay pinagpakitaan ng Anghel at ipinabatid sa kaniya na ang asawa niyang si Elisabeth ay magdadalang tao at manganganak ng isang lalalake, na tatawaging Juan (Luc 1-9-13). Tila siya’y nag-alinlangan sa balitang hatid ng anghel, sapagka’t silang mag-asawa ay lubhang matanda na. Dahil dito ay pansamantala siyang ginawang pipi ng anghel, at paglabas niya ng Templo (Luc 1-18-22)" sa gayong kalagayan ay kaagad siyang pinalitan sa kaniyang tungkulin (Lev21:16-23) bilang Saserdote ng pulutong ni Abidias." 

Nangangahulugan iyon ng pagtatapos ng banal niyang gampanin sa panahon ng tagsibul (spring) at siya ay walang alinlangan na nagbalik sa kaniyang asawa. 

Lumalabas na si Elisabeth ay nagdalang-tao sa nasasakupan ng 
Sivan (Mayo 26 hanggang Hunyo 1). Ang siyam (9) na buwan at sampung (10) araw ng normal na pagbubuntis, katumbas ng 280 araw ay hindi lumalayo sa Marso 10, 3 B.C.E. ang pinaniniwalaang kapanganakan (nativity) ni Juan Bautista (Luc 1:23).

Ang katotohanan na dapat unawain ng marami hinggil sa usaping ito ay hindi kailan man naging Tishri (Setyembre) ang panahong ipinaglingkod ni Zacarias sa Templo. Hindi iyon ang buwan na tinutukoy ni Lucas sa kaniyang sulat, kundi ang Sivan (May-June) na pangatlong (3rd) buwan ng eklesiyastikong taon (ecclestiastical year) ng kalendaryong Hebreo (Hebrew calendar). Ayon sa kasaysayan ay sa panahong iyan naganap ang paglilingkod sa Templo ng pangwalong (8) pulutong (course) ng mga saserdote na kinabibilangan ni Zacarias.

Ngayon nga’y hindi na magiging mahirap na malaman ang kapanganakan ni Jesus. Sapagka’t ang wika ni Lucas (Luke 1:26, 36) ay naglihi itong si Maria sa ika-6 na buwan ng pagbubuntis ni Elisabeth. At yamang itinatayang naipanganak si Juan ng ika-10 ng Marso, 3 B.C.E., sa anim (6) na buwan na pagitan ng dalawa ay lalabas ng maliwanag na si Jesus ay isinilang sa buwan ng Tishri (Setyembre-October,) taong 3 B.C.E.

Ang Census ni Quirinus

Sa batayan na tumalakay sa petsa ng pagsilang ni Jesus ay malaki ang naging partisipasyon ng mga katunayang biblikal, na siyang naglahad ng hustong taon (3 B.C.E.) at eksaktong buwan (Setyembre) ng kaniyang kapanganakan. Ito’y pinatibay ng sina-unang kasaysayan na may kinalaman sa Census ni Quirinus, na kung saa’y kailangang magpatala at sumumpa ng pagkamasunurin (oath of obidience) kay Caesar Augustus (Pater Patriae) ang lahat ng mamamayan ng Judea noong taong 3 B.C.E.

Isinasaad ng Paphlagonian inscription na ang panunumpa ng pagkamasunurin (oath of obidience) ay kailangan sa lahat ng Roman citizen at non-Roman Citizen sa eksaktong katulad na taon ng 3 B.C.E. Ginanap din ng mga Romano ang katulad na kaganapan (census) sa Arminia sa taon ding iyon ayon kay Moses ng Khorene, na isang sinaunang Armenian Historian. Nitong ika-5 siglo - nabanggit din ni Orosius, na ang panunumpa/census ng 3 B.C.E. ay iniutos sa lahat ng sakop na bansa sa panahon ni Augustus ang parangal sa kaniya bilang "Una sa lahat ng mga tao (the first of all men.)" Dagdag pa ni Orosius - ang kaganapang ito ang ibig sabihin ni Lucas sa kaniyang evangelio na malawakang census.

Bago magsimula ang taglagas (autum) ng taong 3 B.C.E., ang mandatong nabanggit ay nagtulak kay Jose at sa kagampang si Maria na paroonan ang Betlehem. Ang nabanggit na census ay mahigpit na isinagawa ng mga Romano sa panahon ng tag-araw (summer) at taglagas (Autumn), bilang pag-iwas na rin sa lamig at ulan na hatid ng taglamig (winter) at tagsibul (spring). Itinatayang sa mga buwan ng Agosto, Setyembre, at Oktubre ng taong 3 B.C.E. isinagawa ng mga Romano ang kanilang mga census.

Ang ika-15 taon ni Tiberius bilang emperador ng Roma

Itong si Tiberius ay naging emperador ng Roma (August 19, 14 C.E.) at ang taong (year) iyan ang matatawag na unang taon niya ng panunungkulan. Ang bagong taon (Tishri 1) sa taong iyon ang ginawang batayan na simula ng unang taon nitong si Tiberius bilang emperador. Lumalabas nga mula Tishri 1 ng C.E. 13 hanggang Tishri 1 ng C.E. 14 ang buong unang taon niya. Sa pagpapatuloy, ang ika-15 taon ni Tiberius ay pumapatak simula Tishri 1 ng  C.E. 27 hanggang Tishri 1 ng  C.E. 28. Ngayon, kung itong si Jesus ay mga 30 taong gulang na sa ika-15 taon ni Tiberius, sa makatuwid ay maliwanag na sa taong 3 B.C.E. naipanganak ni Maria si Jesus

Ang mga Astronomikong tanda

Sa masimbolismong anyo ng Apocalipsis na sulat ni Juan, at sa mapagsalarawang kalikasan ng sulat na iyan ay kinakitaan ng mga pahiwatig, o katunayan na kung saa’y makapagpapahayag ng eksaktong araw ng kapanganakan ni Jesus. Tingnan nga natin ang Apocalipsis 12:1-5,  na sinasabi,


REV 12:
1  And there was a great wonder [sign] in HEAVEN; a WOMAN clothed with the SUN, and the MOON under her feet, and upon her head a crown of TWELVE STARS:

2 and she being with child cried, travailing in birth, and pained to be delivered.

3 And there appeared another wonder [sign] in heaven; and behold a GREAT RED DRAGON, having SEVEN HEADS and TEN HORNS, and SEVEN CROWNS upon his head.

4 And his tail drew the third part of the stars of HEAVEN, and did cast them to the EARTH: and the dragon stood before the WOMAN which was ready to be delivered, for to devour her child as soon as it was born.

5 And she brought forth a MAN CHILD, who was to rule all nations with a rod of iron.”

Sa unang talata ay sinasabi na mayroong isang dakilang tanda sa KALANGITAN; ang BABAE ay nadadamitan ng ARAW, at ang BUWAN ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at ang kaniyang ulo ay napuputungan ng LABINGDALAWANG BITUIN.

Ang Kalangitan (Heaven)
Tungkol sa kalangitan ay nasusulat na mayroong tatlo (3) nito. Ang una (1st) ay ang langit na kung saan ay kalawakan na nililiparan ng mga ibon at kinakikitaan ng mga ulap (Jer 4:25; 1 Kings18:45) Ang pangalawa (2nd) ay ang tila walang hanggang kalawakan ng araw, buwan, planeta at mga bituin (Gen 1:17). Ang pangatlo (3rd) sa mga iyan ay ang langit na kinalalagyan ng kaisaisang Dios, o yung tinatawag na dimensiyon ng kaniyang Espiritu. Ang dakilang tanda kung gayon ay nasaksihan ni Juan sa pangalawang langit, na nagpapakita ng mga celestial bodies. Palibhasa’y binibigyang diin sa Aklat ng Genesis na iyan ay ginawa sa layuning magpamalas ng mga tanda (Gen 1:14).

Ang 
babae, araw, buwan at mga bituin


Virgo the Virgin
Mapapansin sa unang tatlong (3) talata, na ang tinatawag na BABAE ay nasa pangalawang langit, at samantalang siya'y nadaramtan ng araw ay sumasa ilalim sa kaniyang mga paa ang buwan, habang ang labingdalawang (12) bituin ay napuputong sa kaniyang ulo.  Ang mga iyan ay hindi maikakaila na nasaksihan ni Juan sa simblikong kalagayan, at nagpapahiwatig ng mga celestial na tanawin. Ang larawang iyan sa makatuwid ay ang celestial na babae na kung tawagin ay VIRGO the Virgin.

Ang posisyon ng araw sa puntong iyon ay nasa pagitan ng kaniyang leeg at hita, na kung liliwanagin ay gitnang katawan. Ibig sabihin pa - ang dalawampung grado (20 degrees) sa rayos ng liwanag ng araw sa panahong iyon ay nakatuon, o tumatama sa katawan ng Virgo the Virgin. Nangyayari ang pagbibihis ng babae (clothing of the woman) sa pamamagitan  ng araw (sun) sa loob ng 20 araw (day) bawa’t taon. Ito’y sa pagitan ng Agosto 27 at Setyembre 15. Kaya ang tiyak, ay isa sa mga araw na iyan ang tunay na araw ng kapanganakan ni Jesus.

Ang ilan sa posisyon ng buwan sa VIRGO the Virgin ay gaya nito.
·        7:00 pm ng Sept 7,  ang buwan ay nasa itaas ng kaniyang ulo.
·        7:00 pm ng Sept 8,  ang buwan ay nasa tapat ng kaniyang leeg.
·        7:00 pm ng Sept 9,  ang buwan ay nasa tapat ng kaniyang tiyan.
·        7:00 pm ng Sept 10, ang buwan ay nasa tapat ng kaniyang tuhod.
·        7:00 pm ng Sept 11, ang buwan (new moon) ay nasa ilalim na ng kaniyang mga paa.

Sa usaping ito ay lubhang napakahalaga ang tamang posisyon ng buwan (new moon) habang ang araw (sun) ay pansamantalang nakapirmi sa kalahating katawan ng Virgo the Virgin. Sa taong 3 B.C.E., ang araw at buwan (moonset) ay nasaksihan sa Palestino na tumugon sa nabanggit na posisyon sa loob ng isa at kalahating (1 1/2) oras sa sandali ng takipsilim (twilight) ng Setyembre 11. Ito lamang ang kaisaisang araw na kinatuparan ng astronomikong penomenon na isinasalarawan sa Apoc 12:1-3.

Ang Labingdalawang bituin
Sa pananaw ng mga astrologio ay sumisimbulo lamang ang labingdalawang (12) bituin sa labingdalawang (12) constelasyon. Kung bakit ang mga iyan ay napalagay sa ulunan ng Virgo theVirgin ay upang ipakita lamang kung saang celestial na hanay nabibilang ang simbolismo ng babaeng pangkalawakan.

The Virgin and the 
Red Dragon
Ang Pulang Dragon

Ang simbolismo ng Pulang Dragon
 ay kumakatawan sa Espiritu ng Dios na isinugo sa buong kalupaan.  Ang pagpapalawak sa usaping ito ay makapagpapahaba sa kasalukuyang talakayin. Kaya paumanhin, kung sa ibang artikulo lamang namin maaaring lapatan ng kaukulang hustong paliwanag ang tungkol dito.

Kung uunawaing mabuti at bibigyan ng masusing pag-aanalisa ang nilalamang mga dakilang tanda ng Apoc 12:1-3 ay hindi mahirap maunawaan, na iyan ay patungkol lamang sa eksaktong araw ng kapanganakan ng panganay na anak ni Maria.

Yehoshua of Nazaret
Ang anak na lalake ng Babaeng makalupa
Sa Apoc 12:1 ay matuwid na sabihing BABAENG MAKALANGIT ang tinutukoy, palibhasa’y simbolismo siya ng Virgo the Virgin, na isa sa labingdalawang (12) constelasyon. Ang asosasyon nito sa buwan at araw ay naglahad ng eksaktong galaw, upang maipakita ang malinaw na katunayang naghahayag sa presisyong panahon ng pagsilang ni Jesus.

Samantalang sa 
Apoc 12:4-5 ay MAKALUPANG BABAE ang tinutukoy, at siya ay ang babae na siyang nagluwal sa Cristo (Mashiyach). Sa gayo'y isang malaking pagkakamali, na ang simbolismo na nagsasalarawan sa Virgo the Virgin ay ilapat sa makalupang babae (Maria), upang siya'y kilalanin sa kalagayan ng isang diosa at saka pag-ukulan ng banal na pagsamba.

Taon, buwan, Araw, at Oras ng pagsilang ni Jesus

Ang buwan at taon (Setyembre 3 B.C.E.) na nabanggit ay masiglang sinang-ayunan ng mga astronomikong tanda na nasaksihan ni Juan sa kalagayang Espiritu. Hindi lamang iyan, sapagka’t ilang sandali pagsapit ng takipsilim (twilight) ng Setyembre 11, 3 B.C.E. ay nasaksihan sa kalawakan ng Palestino ang bagong buwan (new moon), at makalipas ang ilang sandali - sa Betlehem ay maluwalhating isinilang ni Maria ang sanggol na pinangalanang Jesus.

Sa mga Hebreo ay naging isang lubhang kagulat-gulat na pananaw ang tungkol sa maluwalhating kaganapang nabanggit. Sapagka’t ang bagong buwan (new moon) na iyon noong Setyembre 11 ay ang kapistahang Hebreo na tinatawag nilang TISHRI 1 at yan ay walang iba, kundi ang Jewish New Year’s day (Rosh ha-Shanah, na sa bibliya ay tanyag sa katawagang The Day of Trumpets” – Lev 23:23-26).

Batay sa mga katunayang biblical at reperensiyang historical, at sa tulong ng obeserbasyong astronomical  ay maliwanag na nabigyang kasagutan ang napakatagal ng katanungan hinggil sa eksaktong petsa ng pagsilang ni Jesus ng Nazaret.  Sa pagitan nga ng una at pangalawang oras (6-7 pm) sa gabi ng  SETYEMBRE 11, 3 B.C.E. (TISHRI 1, 3 B.C.E.). sa Betlehem ay maluwalhating isinilang ni Maria ang panganay niyang si Jesus.

Sa araw ng pagsilang niya'y masayang ipinagdiriwang ng mga anak ni Israel 
ang bagong taon (Tishri 1), at may galak sa puso na pinatutunog ng mga Saserdote ang mga tambuli (trumpeta) sa mga templo. Isang napakarangyang pagsalubong at pagpapakilala sa pagsilang ng itinalagang sisidlang hirang ng Espiritu ng Dios (grail of holiness).
Ang Pastor at ang kaniyang
 mga tupa
Ang araw ngang iyan ang katapusan ng tag-init (summer) at siyang simula ng taglagas (autum). Dahil diyan ay maaliwalas pa rin ang kalawakan, sapagka’t nasilayan ng marami ang rayos ng liwanag na mula sa isang maningning na bituin (Mat 2:9-10). 

Dahil sa evangelio ni Lucas ay pinaniniwalaan na si Jesus ay naipanganak sa isang sabsaban, sapagka't ang mga kuwadra o kulungan sa panahong iyon ng taglagas (autumn) ay walang laman na mga domestikong hayop. Sa unang linggo pa ng Nobyembre inaasahang iuuwi ng mga pastor ang kanilang kawan sa kani-kaniyang kulungan. 

Sa kagandahan ngang iyon ng mga gabi ng taglagas (autumn) ay nasa iba't ibang pastulan ng kaparangan ang mga 
tagapag-alaga ng mga hayop (pastor), at matiyagang pinagpupuyatan sa buong magdamag ang kani-kanilang kawan ng mga tupa. 

Gaya ng nasusulat,

LUCAS 2 :
8  At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.

Palibhasa nga’y Setyembre 11 pa lamang ang petsa, at iyon ang masiglang unang araw ng taglagas (autumn) sa taong 3 B.C.E. 

Sa ibang dako - ang kasalukuyang pinaniniwalaang petsa (Dec 25) ng kapanganakan ni Jesus, sa makatuwid ay hindi sinasang-ayunan ng mga nailahad sa artikulong ito na mga katunayang historical, biblical, at astronomical. Sa panahong iyan ay pinamumugaran ng mga alagang hayop ang lahat ng kulungan sa munting bayan ng Betlehem, palibhasa'y umiiral ang panahon ng tagyelo, o taglamig (winter). Sa gayo'y lubhang malayo sa katotohanan, na si Jesus ay naipanganak ni Maria sa isang sabsaban ng mga hayop sa buwan ng disyembre. Sapagka't ang mga nabanggit na kulungan sa panahong iyon ng tagyelo (winter) ay puno ng mga domestikong hayop. Sinomang tao ay hindi matatagalan ang masangsang at mabahong amoy ng ihi at dumi ng mga hayop na nagsisiksikan sa isang kulungan.

Taong 350 AD ay ideneklara ni Papa Julius I ng simbahang Katoliko, na ipagdiwang ang Disyembre 25, bilang buwan at araw ng kapanganakan ni Jesus. Makalipas ang 1,613 na taon, si Pope Benedict XVI ay pinasinungalingan ang nabanggit na buwan at araw na nabanggit.

Ang Papa ng simbahang katoliko na si Benedict XVI ay hindi ikinahiya, ni itinago man ang pag-aalinlangan niya sa pinaiiral ng simbahan na kapanganakan (Dec 25) nitong si Jesus. Hindi rin niya sinang-ayunan na sa mga sandali ng panganganak ni Maria ay kasama nila sa loob ng kulungan (kuwadra) ang mga hayop, kagaya ng baka (oxen), asno (donkey) at iba pa. Naniniwala siya marahil na ang mga nabanggit na hayop ay nasa pastulan na lahat, dahil sa ang panahon sa dakong iyon ng mundo ay simula pa lamang ng taglagas (autum) buwan ng Setyembre.

Ang magkasalungat na pahayag ni Pope Julius I at ni Pope Benedict XVI hinggil sa usaping iyan ay naglalahad sa kamalian ng isa sa kanila. Sa madaling salita ay isa ang nagsasaad ng katotohanan ay isa ang naglubidlubid ng kasinungalingan.

Sa pagtatapos ay maliwanag na ang nilalaman ng artikulong ito ay tila sinasang-ayunan ni Pope Benedict XVI. Ito'y dahil sa ang nakaugaliang petsa ng kapanganakan ni Jesus na Disyembre 25 ay madiin niyang tinututulan.

Nasa mga links sa ibaba ang mga referensiya, o katunayan na may kinalaman sa usaping nabanggit.

Refereces: Papal declarations:

Hanggang sa muli, paalam.



Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.


6 (na) komento:

  1. Hay naku, bakit ba ngayon ko lang nabasa to. Sana before dec 25, para hindi na ako nagcelebrate ng xmas ng pagan world.

    TumugonBurahin
  2. ang dec. 25, ay idineklara ng isang papa sa roma bilang BUWAN AT PETSA na kung kelan natin GUGUNITAIN ang KAPANGANAKAN ng ating PANGINOON, hindi naman dineklara na yan ang BUWAN at PETSA ng KAPANGANAKAN, kundi PAGAALAALA LAMANG.

    TumugonBurahin
  3. Pandakaking itim,
    Ganyan nga sana ang pagka-unawa ng marami. Nguni't maliwanag pa sa sikat ng araw na ang itinuturo ng Simbahang Katoliko ay Dec 25 ang petsa ng kapanganakan ni Jesus. Kahit saan ka magtanong ay ang petsa na iyan ang sasabihin sa iyo na birthday ni Jesus, dahil iyan ang itinuro ng simbahan sa lahat. Sa gayo'y mali ba ang pagka-unawa ng mga katoliko sa turo ng simbahan, O mali ang turo ng simbahan kaya mali din ang pagka-unawa ng mga katoliko?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Magaling marami akong natutuan sau Mr. Morales.
      Ako ma'y mahilig tumuklas ng mga lihim ngunit mga may katutuhanang mga bagay na dapat lang malaman ng lahat. Alam ko namang ang mga turo ng katoliko ay mga liko-liko. Binanggit na yan ni Dr. JP Rizal. Maraming Salamat!

      Burahin
    2. Tarlaqueñong KatolikoDisyembre 23, 2014 nang 3:36 PM

      Wala sa opisyal na turo ng Simbahan ang nagsasabing si Jesus ay siguradong ipinanganak sa petsang December 25. Ito ay pagtatalaga lamang ng araw ng pagdiriwang.

      Burahin
  4. Sa librong "UNPUBLISHED MANUSCRIPT ON PURGATORY" sinasabi doon na Not much souls go to Heaven on All Souls Day but on CHRISTMAS EVE. At kailan ba ang Christmas isine celebrate di ba Dec. 25? Pope ang nagsabi na yun ang gawing araw ng pag gunita sa kapanganakan ni Jesus at nagbigay si Jesus ng HABILIN na "whatever you loose on earth shall be loosed in Heaven and whatever you bind on shall be bound in Heaven". "As above, so below", "on earth as it is in Heaven".

    One revelation was in 1879 to a holy nun in a French convent. Identified as Sister M. de L.C., she received revelations from a deceased nun who authorities identified only as Sister O -- and who at the time was herself suffering the torments of purgatory. The revelation was granted an imprimatur from the Cardinal of Baltimore, Maryland, and was approved by noted theologians such as Canon Dubosq, promotor fidei of Saint Therese the Little Flower. The transcripts of what she said may be the most valuable we've seen on purgatory.

    "On All Souls' Day many souls leave the place of expiation and go to heaven," said the deceased nun. " Also, by a special grace of God on that day only, all the suffering souls, without exception, have a share in the public prayers of the Church, even those who are in the great Purgatory. Still the relief of each soul is in proportion to its merits. Some receive more, some less, but all feel the benefit of this extraordinary grace. Many of the suffering souls receive this one help only in all the long years they pass here and this by the justice of God. It is not, however, on All Souls' Day that the most go to Heaven. It is on Christmas night."

    TumugonBurahin