Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paul vs Jesus. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paul vs Jesus. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Hulyo 18, 2025

“Pagsasalita ng mga Wika (Speaking in Tongue): Sang-ayon ba ang Katuruan Cristo?

 

“Pagsasalita ng mga Wika: Kaloob ng Dios o Kalituhan sa Espiritu?”

Isang Pagsisiyasat sa Kasaysayan ng Pagsasalita ng mga Wika—Mula Babel Hanggang sa mga Salita ni Cristo.


🔥 PANIMULANG PAHAYAG:

Ang pagsasalita ba ng mga wika ay tanda ng kapangyarihan mula sa langit—o isang tanda ng paghatol mula sa Dios?


📖 PAMBUNGAD

Ang “pagsasalita ng mga wika” ay isa sa pinaka-kontrobersyal na usaping espiritwal sa modernong Kristiyanismo. Ngunit ano nga ba ang tunay na pinagmulan nito? Ito ba’y kaloob ng Dios, isang tanda ng kabanalan, o isang anyo ng kalituhan?

Layunin ng artikulong ito na sagutin ang mga sumusunod:

  • Kailan unang lumitaw ang “mga wika” sa Kasulatan?

  • Ito ba ay tanda ng paghuhukom o banal na pagpapala?

  • Ano ang itinuro ni Jesus mismo ukol dito?

  • Mayroon ba itong batayan sa Lumang Tipan?

Linggo, Nobyembre 15, 2015

SAN PABLO, ISRAELITA NGA BA?


Courtesy of Google Images
PAUNANG SALITA:

Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, sirain, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus. 

Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios (Katuruang Cristo) na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal. 

Sa halos hindi mabilang na denominasyon nitong Cristianismo ni Pablo ay ganap ang pagkilala sa kaniya bilang isang tunay na Israelita. Ito’y dahil sa may diin niyang pahayag sa ilang sulat na kaniyang ipinaabot sa mga taga Roma at Corinto.

Na sinasabi,

Biyernes, Mayo 3, 2013

KAILANGANG PAG-ARALAN ANG BIBLIYA


Mahalagang Paalala:

Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang tunay na banal ng Dios

Kailan ma'y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindigan na doktrinang pangrelihiyon ng sinoman.

Gayon din namang nais naming liwanagin lamang na wala kaming anomang laban, ni paghihimagsik man sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus. Bukod pa doon ay wala na kaming iba pang ninanais na mangyari pa.

Kung siya man ang tila sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral ay may hayagang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal

Ang akdang ito ay napakaliwanag na hindi kailan man dumako sa mapanirang panghuhusga ng kapuwa, kundi sa layong tanglawan lamang sa isipan at pang-unawa ng lahat ang hindi kakaunting bagay ng Dios na malaon ng pinipilipit at niwawalang kabuluhan ng marami.

Dahil diyan ay lubha ngang mahalaga sa sinoman na masusing siyasatin at pag-aralan ang nilalaman ng bibliya.

Batid nyo ba na sa Biblia ay nasusulat ang pinaghalong salita ng Dios at sariling pakiwari ng tao? Sa paglalahok ng dalawang iyan ay lubhang marami ang nailigaw sa katotohanan. Sapagka't nauuwi sa wala ang salita ng Dios, nang dahil sa minamatuwid na hidwang paniniwala ng ilang nagsulat ng Bagong Tipan. Dahil sa anomalyang iyan ay dapat mag-aral ng Biblia (Tanakh), upang matutunan natin kung papaano mapapaghiwalay ang sariling palapalagay ng tao na nagpapawalang kabuluhan sa mga salita ng Dios.

Pangalawa'y dapat maliwanagan ng lahat, na sa bagong tipan ay masusumpungan ang mga daya ng kasinungalingan na idinagdag at ibinawas sa mga teksto ng Lumang Tipan. 


Ang mga iyan ay napatunayang ginawang patibayang aral ni Pablo sa lahat niyang mga sulat. Gayon din ang walang pakundangang pagsasalarawan ng gayong karumaldumal sa sulat na pinamagatang, "SA MGA HEBREO."

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan natin ang tumpak at batay sa katibayan biblikal na pag-aaral ng bibliya (precise and evidence-based bible study).

Nang sa gayo'y makatiyak tayo na ang mga ginagamit nating patibayang aral ay walang halong mapanlinlang na kasinungalingan ng ilang karakter ng Bagong Tipan. 

Kaugnay nito ay hindi katotohanan na ang lahat ng nagsulat sa Bibliya ay inspirado ng Espiritu Santo, kundi ang ilan sa kanila'y inspirado ng diyablo. Sapagka't taglay ng kanilang salita ang kasuklamsuklam na kasinungalingan na lumalayon sa karumaldumal na pandaraya. 

Akala tuloy ng marami ay katotohanan ang mga katunayang biblikal na kanilang ipinakikipaglaban - yun pala'y pinaglubidlubid lamang na kasinungalingan, na ang layunin ay pilipitin ang katotohanan at kaladkarin sa tiyak na kapahamakan ang kaluluwa ng kanilang kapuwa. 

Miyerkules, Nobyembre 9, 2011

SINO ANG TUNAY NA CRISTIANO


Sa larangan ng pagrerelihiyon sa iba’t ibang dako ng mundo ay may lubhang malaking bilang ng mga tao, na naglagak ng buo nilang tiwala at lubos na pananampalataya sa pinaiiral na doktrinang pangrelihiyon ng simbahan. Yaon umano’y naghahayag ng mga lehitimong katuruang Cristiano. Gayon ma’y hindi tumanggap ang marami ng totoong aral na masusumpungan sa nabanggit na uri ng pamumuhay. Palibhasa’y ginamit lamang ng ilan ang salita (Cristianismo) na pang-akit at ang itinurong mga aral nitong kaparian ng simbahan ay ang iba’t ibang likhang doktrinang pangrelihiyon ng mga tao.

Kaugnay nito, para naman kami’y hindi maturingan na tila naglulubidlubid lamang ng mga kasinungalingan ay ihahayag namin sa maliwanag ang ilang usaping pangkabanalan sa banayad na saliw ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal.

Sinoman nga na nabibilang sa umano’y relihiyon na naglalahad ng mga katuruang Cristiano ay matibay na tinitindigan ang kalagayang niyang yaon. Sapagka’t gaya ng tradisyon, sa mura pa lamang na kaisipan, ang nabanggit na doktrinang pangrelihiyon ay nauna ng naisilid sa kamalayan. Sa madaling salita ay mga katuruan na kinamulatan, o kinagisnan, at dahil doo’y inakalang ang mga yao’y matibay na sandigan ng katotohanan. Kaya naman, marami sa kanila ay tila may lubos na katiyakan sa katotohanan, kapag tungkol sa mga aral pangkabanalan ang pinag-usapan. Pakitaan mo man ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal na nagbibigay diin sa katotohanan ay hindi pakikinggan, at sa halip ay higit na mamagalingin ang pilipit na katuruang kinagisnan.

Biyernes, Nobyembre 4, 2011

ANG MALUWANG AT MAKIPOT NA PINTUAN


Sa 1 Cor 16:9 ay may pagmamapuring inihayag ni Pablo na siya’y nakasumpong ng pintuang malaki, na nabuksan sa kaniya at yao’y pakikinabangan niya, dangan nga lamang doon aniya ay marami ang kaaway. Kung lilinawin ay ang malaking pintuan ng pananampalataya kay Jesucristo na walang gawa ng kautusan ang tinitukoy ng taong ito.

Ano pa’t kung noong una’y may tungkulin ang lahat na gumanap sa mga kautusan ng pagibig. Dahil sa maluwang na pintuang yao’y hindi na kailangan pang gumanap ang sinoman sa mga nabanggit na kautusan, kundi imbis na gayon ay pananampalataya na nga lamang kay Jesus ang gagawin ng mga tao.

Alinsunod sa evangelio ng di pagutuli na isinusulong ni Pablo ay malaki at maluwang na pintuan ang kailangang pasukin ng mga Gentil. Samantalang sa evangelio ng kaharian na nangagsilabas mula mismo sa bibig ni Jesucristo ay sa makipot na pintuan ang lahat ay nararapat na pumasok. 

Sa paghahambing ng dalawang magkasalungat na evangelio ay gaya nga ng nasusulat.

Lunes, Oktubre 10, 2011

KAHALAGAHAN NG KAUTUSAN KAY JESUS

Sa kasagsagan ng mga kapanahunang nagsipagdaan sa kasaysayan ng mga anak ni Israel ay tiniyak ng kaisaisang Dios ang kaligtasan nila na naging masunurin sa natatangi niyang kalooban. Kaya sa kahustuhan ng kapanahunan ay ibinaba niya sa pamamagitan ni Moises ang mga kautusan ng pagibig sa Dios, at ang mga kautusan ng pagibig sa kapawa, na walang iba kundi ang sampung (10) utos na nasusulat sa tapyas ng mga bato.

Ang buong sangbahayan ni Israel na noo’y lubos na sumasa-ilalim sa pagkaalipin nitong Paraon ng Egipto ay idinaing sa kaisaisang Dios ang kaawa-awa nilang kalagayan sa panahon nilang yaon. Kaya naman sila ay pinaparoonan kay Moises at Aaron, upang sila’y palayain mula sa malaon na nilang pagkaalipin. Sa madaling salita ay nangyari ang pagpapalaya sa kanila sa kabila ng hindi kakaunting ulit na pagmamatigas ng puso ng Paraon.

Ayon nga sa kalooban ng kaisaisang Dios ay naganap ang pangkalahatang paglayang yaon ng mga anak ni Israel mula sa malaong pagkaalipin. Ano pa’t hindi nagtapos doon ang nabanggit na pagsagip, sapagka’t muli ay nakamit nila ang isa pang pagpapalaya sa pangalawang pagkakataon. Ito’y nang pagkalooban sila ng sampung (10) kautusan na tinanggap ni Moises sa taluktok ng bundok Sinai.

HUWAD NA JESUCRISTO



 Sa kalipunan ng mga tao maging noong simula hanggang sa kasalukuyang panahon na ating pinagdaraanan, ay nagkakaroon ng saysay ang mga bagay alinsunod sa mga naging pahayag ng sinomang doo’y may ganap na kaugnayan. Kahi man sila’y mga saksi lamang sa anomang kaganapan. Sa kay lawak na larangan ng pananaliksik matapos ang isang masusi at maingat na pag-aaral at hindi kakaunting eksperimento ay nagbubunga ng kaliwanagan, o kung hindi ma’y bahagyang nalalahad ang dati ay mga kubling bagay.



Ang gayong mga gawa ay binubuo ng isang  pangkat ng mga dalubhasa na may kanikaniyang kabihasnan sa iba’t ibang sangay ng mga bagay na tumutugon sa larangang hinihimay ang kasarinlan at kabuoan. Narito ang pamunuan at mga tauhan na natatanging saksi sa mga bagay na may lubos na kinalaman sa gawain nilang yaon.

Biyernes, Oktubre 7, 2011

SARO NG KABANALAN (Holy Grail)


DEUT 18 :
18  Aking palilitawin sa kanila ang isang PROPETA sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at AKING ILALAGAY ANG AKING MGA SALITA SA BIBIG NIYA, at KANIYANG SASALITAIN SA KANILA ANG LAHAT NG AKING IUUTOS SA KANIYA. (Amos 3:7)

EXO 4 :
12  Ngayon nga’y yumaon ka, at AKO’Y SASAIYONG BIBIG, AT ITUTURO KO SA IYO KUNG ANO ANG IYONG SASALITAIN.

JER 1 :
Nang magkagayo’y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, INILALAGAY KO ANG AKING MGA SALITA SA IYONG BIBIG.

Lunes, Hulyo 18, 2011

SI PABLO AY LABAN KAY JESUS

Saul of Tarsus aka Paul
1. TUNGKOL SA KAUTUSAN

MATEO 5 :
17  Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.

18  Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

MATEO 19 :
17  At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.