18 Aking palilitawin sa
kanila ang isang PROPETA sa
gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at AKING ILALAGAY ANG AKING MGA SALITA SA BIBIG NIYA, at
KANIYANG SASALITAIN SA KANILA ANG LAHAT NG AKING
IUUTOS SA KANIYA. (Amos 3:7)
EXO 4 :
12 Ngayon nga’y yumaon
ka, at AKO’Y SASAIYONG BIBIG, AT ITUTURO KO SA IYO KUNG ANO ANG IYONG SASALITAIN.
JER 1 :
9 Nang magkagayo’y
iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi
sa akin ng Panginoon, Narito, INILALAGAY
KO ANG AKING MGA SALITA SA IYONG BIBIG.
Eze
2 :
1 At sinabi niya sa
akin, ANAK NG TAO tumayo ka ng iyong mga paa, at ako’y makikipagsalitaan sa iyo.
2 At ang Espiritu ay sumaakin nang siya’y magsalita sa akin, at itinayo
ako sa aking mga paa; at aking
narinig siya na nagsasalita sa akin.
JUAN 14 :
10 Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa
akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO
SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang AMA na
tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. (Juan 10:30).
JUAN 8 :
26 Mayroon akong maraming
bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa
akin ay totoo; at ang mga bagay na sa
kaniya’y aking narinig, ang mga ito ang
sinasalita ko sa sanglubitan. (Juan 15:15, 17:8))
JUAN 8 :
28 Sinabi nga ni Jesus, Kung
maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako
ang Cristo, at WALA AKONG GINAGAWA SA
AKING SARILI; KUNDI SINASALITA KO ANG
MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA AKIN NG AMA.
JUAN 12 :
49 Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN. (Juan 15:15, 17:8))
JUAN 7 :
16 Sinagot
nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang
turo ko ay hindi akin, kundi doon sa
nagsugo sa akin. (Juan 15:15)
JUAN 14 :
24 Ang hindi umiibig sa akin
ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong
narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa
akin. (Juan
15:15) ang mga bagay na sa
kaniya’y aking narinig, ang mga ito ang
sinasalita ko sa sanglubitan. (Juan 15:15, 17:8))
Napakaliwanag
kung gayon na itong si Jesus ay
pinamamahayan at pinaghaharian nitong Espiritu
ng Dios sa kaniyang kabuoan nang mga araw na yaon. Kaya naman nararapat
kilalanin ng lahat ang nabanggit na Espiritu,
at matuwid lamang na siya’y pagtuonan ng kaukulang pagsamba bilang Dios. Samantalang itong si Jesus ay nararapat kilalanin bilang
isang sisidlang hirang ng Dios (saro ng
kabanalan).
Tungkol sa usaping ito ay maliwanag
na isang napakalaking kahangalan at kahibangan, na sabihing saro ang nakapapatid sa uhaw ng sinoman,
imbis na itong tubig na siyang laman nito. Kaugnay nito, si Jesus sa
makatuwid ay isa lamang sa hindi kakaunting naging saro ng kabanalan
(holy grail) na nabuhay sa
kalupaan
Ano
pa’t bilang isang sisidlan, kung ito’y walang lamang tubig ay paano nga
mapapatid ang uhaw ng sinoman. Kaya’t malibang ang saro ay lamnan nito at
inumin ay hindi nga makapapatid ng uhaw ninoman, kahi man ito’y yari pa sa
pinakamahal ng metal (ginto).
Sa
ngalan ng aktuwal na tubig na nalalagay sa saro ay napatid ang
uhaw na nararamdaman ng lalamunan. Datapuwa’t sa ngalan ng aktuwal na saro,
kung walang lamang inumin ay walang anomang kabuluhan sa layunin ng pagpatid sa
uhaw ng sinoman.
Kaya’t katuwirang lubos na sinasang-ayunan ng katotohanan,
na sa pangalan nitong Espiritu ng Dios na namahay at naghari sa
kalooban ng taong si Jesus ay manghula, magpalayas
ng mga demonio, at gumawa ng hindi kakaunting makapangyarihang
mga gawa.
Ito ang kaisaisang tanda, na ang
gumagawa ng mga bagay na katulad niyaon ay alinsunod sa katuwiran at kalooban
ng Ama. Sa gayo’y maipasisiyang siya’y isang taong taglay ang sapat na
talino, upang masiglang isabuhay ang mga salita (evangelio ng
kaharian) na nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus, at ng iba pang
banal na umani ng lubos na pagkilala ng kaisaisang Dios na nasa langit.
Kaya’t katotohanan din na nararapat tanggapin ng
lahat, na ang sinomang nakaka-alam sa pangalan ng nabanggit na Espiritu
ng Dios ay gayon nga ring nakikilala siya nito. Paano nga naman niya
(Espiritu ng Dios) sila
(Mat 7:21-23) makikila, samantalang sa ibang pangalan (Jesus) nila
ginagawa ang gayong mga bagay.
MATEO
7 :
21 Hindi ang bawa’t nagsasabi sa
akin.
Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit:
kundi ang gumaganap ng
kalooban (kautusan) ng aking Ama na nasa langit.
22 Marami ang mangagsasabi sa akin
sa araw na yaon, PANGINOON, PANGINOON, HINDI BAGA NAGSIPANGHULA KAMI SA IYONG
PANGALAN, AT SA PANGALAN MO’Y NANGAGPALAYAS KAMI NG MGA DEMONIO, AT SA PANGALAN
MO’Y NAGSIGAWA KAMI NG MARAMING GAWANG MAKAPANGYARIHAN?
23 At kung magkagayo’y ipahahayag ko
sa kanila, KAILAN MA’Y HINDI KO KAYO
NAKIKILALA: MAGSILAYO KAYO SA AKIN, KAYONG MANGGAGAWA NG KATAMPALASANAN.
Sa
makatuwid nga’y kahangalan at kahibangan, na gawin ang gayong mga bagay sa pangalan
ni Jesus, at yao’y kaisaisang tanda, na ang gumagawa ng gayon ay tunay na anti-Cristo.
Ano
pa’t ang tunay na lingkod ng Dios ay gumagawa ng panghuhula
at naghahayag ng makapangyarihang mga gawa, sa pangalan ng
Espiritu ng Dios na namahay at naghari sa kalooban niya. Gaya ni Jesus
na ginawa ang gayong mga bagay sa pangalan din nitong Espiritu ng Dios,
na sa panahong yao’y ganap na namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban at
kabuoan.
Katotohanan
na ang evangelio ng di pagtutuli ay ginagawang bulag ang
nakakakita, samantalang sa evangelio ng kaharian ay ginagawang
makakita ang mga bulag. Gaya ni Jesus ay hindi iisang
ulit na sa pamamagitan niya’y nagkaroon ng paningin ang mga bulag. Samantalang
itong si Pablo ay walang awang ginagawang bulag ang nakakakita (Gawa
13:9-11).
Gawa 13 :
11 At ngayon, narito, nasa iyo ang kamay ng
Panginoon, at MABUBULAG KA, na hindi mo makikita ang araw na kaunting
panahon. At pagdaka’y nahulog sa kaniya, ang isang ulap at ang isang kadiliman;
at siya’y nagpalibot na humahanap ng sa kaniya’y aakay sa kamay.
Itong si Jesus ay napakaliwanag na
pinamamahayan at pinaghaharian nitong Espiritu ng Dios, na dahilan upang
ang bulag ay magkaroon ng paningin. Sa makatuwid ay hindi lamang
paningin ang hatid ng nabanggit na Espiritu, kundi kaliwanagan ng
paningin.
Nguni’t
ang espiritu na nananahan at naghahari sa kalooban nitong si Pablo
ay hindi nga gaya ng Espiritu ng Dios na na kay Jesus,
sapagka’t siya’y hindi nagkakaloob ng paningin, kundi nag-aalis nito sa
ikabubulag ng sinoman.
Kaugnay
nito’y napakaliwanag na si Satanas lamang ang maaaring gumawa ng
kabaligtaran sa matuwid na gawa ng Dios. Kaya’t sa tanggapin man
ninyo o hindi ay binibigyang diin ng mga katunayang inilahad namin, na ang
taong ito ay totoong alipin ng nabanggit na entidad ng kasamaan
(Satanas).
Dahil dito ay katotohanan na
hindi maaaring itanggi ninoman, na itong si Jesus ay naging isang kopa
ng kabanalan sa natatangi niyang kapanahunan. Gayon din sa nilakarang mga
araw nitong si Pablo noong siya’y nabubuhay pa ay totoo di naman na
siya’y naging sisidlang hirang ng diablo (kopa ng kasamaan). Sapagka’t
hindi kailan man sinang-ayunan ng likha niyang aral (evangelio ng di
pagtutuli) ang katuwiran ng Dios (evangelio ng kaharian) na mismo ay
nangagsilbas mula sa bibig nitong si Jesus; na sa mga araw na yao’y
ganap siyang (Jesus) lumalapat sa
kalagayan ng isang sisidlang hirang ng Dios (Saro ng kabanalan).
Ano nga? Ang kopa, o saro ng
kabanalan, o yaong tinatawag na sisidlang
hirang ng Dios, maging sinoman siya’y maluwalhating naglalaman sa kaniyang kalooban
nitong Espiritu ng Dios. Kaya’t isang napakaliwanag na tanawing sa inyo
ay itinuturo ng aming daliri, na ang saro ng kasamaan ay walang ibang
laman, kundi ang Espiritu ng diyablo. Kasi nama’y maliwanag na
pinatotohanan ni Pablo ang mga bagay
na mariing nag-uugnay ng sarili niyang pagkatao kay Satanas.
Gaya nga ng nasusulat ay sinasabi,
Gaya nga ng nasusulat ay sinasabi,
GAWA 27:
23 Sapagka’t nang gabing
ito ay tumayo sa tabi ko ang angel ng Dios na may-ari sa akin, at siya ko namang PINAGLILINGKURAN.
ROMA 7 :
6 Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa
kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin, ano pa’t NAGSISIPAGLINGKOD NA TAYO
SA PANIBAGONG ESPIRITU, at hindi sa karatihan ng sulat.
2 COR 12:
7 At nang ako’y huwag
magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang
tinik sa laman, ng isang SUGO NI SATANAS, UPANG AKO’Y TAMPALIN, NANG AKO’Y HUWAG
MAGPALALO NG LABIS.
ROMA 7 :
18 Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay HINDI
TUMITIRA ANG ANOMANG BAGAY NA MABUTI: sapagka’t
ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang PAGGAWA NG MABUTI AY WALA.
ROMA 4 :
5 Datapuwa’t sa kaniya (Gentil) na
hindi GUMAGAWA, nguni’t sumasampalataya sa
kaniya (Satanas) na umaaring ganap sa MASAMA, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na
katuwiran.
1 Cor 16 :
7 Sapagka’t hindi ko ibig na kayo’y makita ngayon sa
paglalakbay; sapagka’t inaasahan kong ako’y makikisama sa inyong kaunting
panahon, kung itutulot
ng Panginoon.
1 TESA 2 :
18 Sapagka’t nangagnasa kaming pumariyan sa inyo,
akong si Pablo, na minsan at muli; at hinadlangan
kami ni Satanas.
1 TIM 1:
20 Na sa mga ito’y si
Himeneo at si Alejandro; na sila’y AKING
IBINIGAY KAY SATANAS, UPANG SILA’Y MATURUANG
HUWAG MAMUSONG.
Mula
sa hustong kaliwanagan ng mga sitas na aming inilahad sa itaas ay walang
alinlangan na itong si Pablo ay may palagiang pakikipag-ugnayan kay Satanas.
Palibhasa’y siya at wala ng iba pa ang tinutukoy niyang panibagong espiritu na
kaniyang pinaglilingkuran. Ano pa’t sa mga lakad niya ay kapahintulutan ng
entidad na ito ng kasamaan ang kaniyang hinihitay. Gayon din namang sugo ni
Satanas ang umano’y tumatampal sa kaniyang bibig, upang siya’y maiwasang
hindi magpalalo ng labis. Tagapagturo din naman niya siya sa mga alagad niyang
umano’y natututong mamusong, upang hindi nila gawin pa ang gayon.
Maliwanag kung gayon, na kung ang saro (grail) ay maaaring lagyan ng tubig sa ikabubuhay, ay maaari din naman itong salinan ng mabagsik na lason sa ikamamatay ng sinoman. Saro ng kasamaan sa makatuwid ang tawag, kapag ito'y naglalaman ng anomang bagay (lason) na nakamamatay.
Maliwanag kung gayon, na kung ang saro (grail) ay maaaring lagyan ng tubig sa ikabubuhay, ay maaari din naman itong salinan ng mabagsik na lason sa ikamamatay ng sinoman. Saro ng kasamaan sa makatuwid ang tawag, kapag ito'y naglalaman ng anomang bagay (lason) na nakamamatay.
Pinatotohanang
din naman niya na siya ay isang sinungaling, tuso, at magdaraya.
Na sinasabi,
5 Datapuwa’t
kung ang ating KALIKUAN ay nagbibigay dilag sa katuwiran
ng Dios, ano ang ating sasabihin? Liko baga ang Dios na dumadalaw na may
poot? (nagsasalita ako ayon sa pagkatao.)
7 Datapuwa’t
kung ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng aking KASINUNGALINGAN ay sumagana sa ikaluluwalhati
niya, bakit pa naman ako’y hinahatulang tulad sa isang makasalanan?
2 COR 12 :
16
Datapuwa’t magkagayon man, ako’y hindi naging pasan sa inyo: kundi dahil
sa PAGKATUSO ko, kayo’y hinuli ko sa DAYA.
FIL 1 :
18 Ano nga, gayon man, SA LAHAT NG PARAAN, maging
sa PAGDADAHILAN o sa katotohanan, ay itinatanyag si Cristo,
at sa ganito’y NAGAGALAK AKO, Oo, at AKO’Y NAGAGALAK.
1 COR 9 :
20
At sa mga Judio, AKO’Y NAGAARING TULAD SA
JUDIO, upang mahikayat ko ang mga Judio, sa mga nasa ilalim ng
kautusan ay GAYA NG NASA ILALIM NG KAUTUSAN,
bagama’t wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang nasa ilalim ng
kautusan.
21
Sa mga walang kautusan, ay TULAD SA
WALANG KAUTUSAN, bagama’t hindi ako walang kautusan sa Dios, kundi nasa
ilalim ng kautusan ni Cristo, upang mahikayat ko ang mga walang kautusan.
(Gal 2:7-9, Roma 11:13, Roma 15:16)
Dagdag pa rito’y inamin din ni Pablo, na sa kalooban niya’y walang
anomang tumitirang mabuti, at gaya ng nasusulat ay ayon sa mga sumusunod ang
maliwanag na mababasa,
ROMA 7 :
18
Sapagka’t
nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay HINDI TUMITIRA ANG ANOMANG BAGAY NA MABUTI: sapagka’t
ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang PAGGAWA NG MABUTI AY WALA.
Likas na nga sa taong ito ang
humarap sa sinoman na nakukubli sa isang balatkayo. Na kung lilinawin ay gaya
niya ang isang huniyango, na nailalapat ang anomang kulay na tinutungtungan
niya sa kaniyang balat. Sa katabilan ng kaniyang dila ay hindi na siya
nangiming amining isa siyang sinungaling at magdaraya. Ano pa’t kung inyong napansin
sa Fil
1:18, ay may pagmamagaling niyang inihayag, na sa anomang paraan ay
nagagalak siyang itanyag si Cristo.
Kahi man ito’y sa kasinungalingan, o sa katotohanan ay may bulalas ng
pagbubunyi sa kaniyang sarili.
Hindi rin nalingid sa aming mapanuring paningin ang
pangangalakal niya ng mga bagay na umano’y may kinalaman sa larangan ng
kabanalan. Tungkol nga sa bagay na ito ay binigyang diin ng kaniyang bibig ang
mga sumusunod na pangungusap.
2 COR 11 :
8 AKING SINAMSAMAN ANG IBANG MGA IGLESIA, sa PAGTANGGAP KO NG UPA
sa kanila, upang ipangasiwa ko sa inyo.
Ilan
nga lamang ang mga inilahad naming kadahilanan, upang tanglawan ng maliwanag
ang madidilim na bahagi ng pagkatao nitong si Pablo. Marahil gaya nami’y
sasang-ayunan din naman ninyo, na ang taong ito ay hindi kailan man naging
isang saro ng kabanalan, bagkus ay
nagtutumibay sa karumaldumal na kalagayan ng isang saro ng kasamaan. Wala, walang anomang bagay na maaaring ilapat sa
katauhan nitong si Pablo, upang siya’y
matawag na saro ng kabanalan. Labis
naming ikinalulungkot ang naging kasuklamsuklam na kapalaran ng taong ito.
Sa pagwawakas ng lathalaing ito’y
hindi sana nasumpungang may malabis na paghihimagsik ang likha niyang aral (evangelio ng di pagtutuli), upang
maibilang ang kaniyang sarili sa hanay ng mga naging saro ng kabanalan sa iba’t ibang kapanahunan. Gayon ma’y
ikinagagalak naming sa inyo’y mailahad ang mga bagay na nararapat lamang na
makarating ng maliwanag sa inyong kaalaman. Naniniwala kami na ang lahat ng ito’y
karagdagan sa kalamnan ng inyong kaisipan, na lubos ang maitutulong sa tuluytuloy
na pag-unlad ng kamalayan sa larangan ng tunay na kabanalan.
Medyo malalim po sa akin ang sulat nyo, pero ang naintindihan ko po ay may ispiritu na ginawang bahay ang katawan ni Jesus Christ. Sya ang nag-uutos kung ano ang gagawin ni Jesus. Kasi po ay spirit siya ng Dios. Tao pala ang holy grail, hindi pala ito literal, at marami ang holy grail hindi iisa lang. Yan po ang understanding ko sa sulat nyo. Beware nga po pala kay St Paul, kakatakot naman sya. Tnks po.
TumugonBurahinHitik sa infos ang blog na ito. For me, very clear ang message nito. Akala ko si Jesus lang ang holygrail, yun pala marami sila sa totoo lang. ty sa godly effort po ninyo Yohvshva bar Yusuf.
TumugonBurahinHalos 1500 taon ang lumipas magkasama pala ang saro ng kabanalan at saro ng kasamaan sa biblia. Dapat pala himayin mabuti ng founder o tagapagturo ang doktrina ng bawat organisasyong pang relihiyon . Baka masumpungan kang bulag na taga akay .Salamat po Yohvsva bar Yusuf sa taglay mong tanglaw liwang sa aming kaisipan
TumugonBurahinThanks God, at holy grail din pala ako, kung susunod ako sa mga utos ng Dios. Unholy pa ako at present, kasi marami ako mistake from the past. hehehe. Anyway, there still lots of time to make up. Halleluyah.
TumugonBurahin