Ang Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry ay isang misyon ng paghahanap ng katotohanan na itinatag upang ipahayag ang dalisay at orihinal na mga turo ni Cristo, batay lamang sa patotoo ng mga tunay na saksi at ng mga Kasulatang Hebreo. Tinatanggihan nito ang mga sumunod na pagbaluktot, at layuning ibalik ang mga kaluluwa sa liwanag ng kabanalan ng Dios sa pamamagitan ng pagsunod, pagsisisi, at Espiritu ng Dios na nanahan kay Jesus.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Salita. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Salita. Ipakita ang lahat ng mga post
Miyerkules, Hunyo 7, 2023
Sabado, Hulyo 15, 2017
PAANO TAYO NILILINIS NG DIOS
Bago ang lahat ay matuwid na maunawaan ng bawa't isa ang likas na kalagayan ni Jesus ng Nazaret, bilang isang sisidlang hirang (talaytayan) ng kabanalan na sumasa Dios ng langit. Siya'y masiglang pinamahayan at pinagharian nitong Espiritu ng Dios (Espiritu Santo), matapos bautismuhan ni Juan Bautista sa Ilog Jordan nitong bautismo sa pagsisisi ng kasalanan.
Gaya ng napakaliwanag na nasusulat,
Mateo 3 :
16 At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang ESPIRITU NG DIOS na BUMABANG TULAD SA ISANG KALAPATI, at LUMAPAG SA KANIYA;
Ito ngang si Jesus ng Nazaret ay kinasangkapan nitong Espiritu ng Dios, at mula sa kaluwalhatian ng langit gaya ng isang kalapati, sa ilog ng Jordan ay bumaba at lumapag sa kaniya. Ang Espiritu na nabanggit ay lumukob sa buo niyang pagkatao.

JUAN 14 :
10 Hindi
ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA
AKING SARILI: kundi ang AMA na TUMATAHAN SA AKIN ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. (Juan10:30).
Mula nga noon ay madiin na niyang ipinahayag sa buong sangbahayan ni Israel, na sa kabuoan niya ay ang nabanggit na Espiritu ng Dios ang masiglang namamahay at makapangyarihang naghahari sa buo niyang pagkatao,
At dahil diyan, sa lahat ay madiing ipinag-utos ng kaisaisang Dios ng langit,
Huwebes, Disyembre 1, 2016
NAGKATAWANG TAO ANG VERBO (salita)
Sinabi nga sa Juan 1:1, na sa simula ay Siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Iyan ay isang napakaliwanag na pahayag, dangan nga lamang ay hindi naging malinaw kung sino ang tinutukoy na "Siya" sa talata (Juan 1:1). Diyan ay hindi mahirap unawain na ang tinutukoy na panahon ay yaong "simula", at may tinutukoy na personalidad (Siya) na kumakatawan sa Verbo. Kasunod nito'y ipinahayag, na ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)