Hinggil
sa pangatlong (3) padron na ito’y
mapapag-unawa ng sinoman, na ang Espiritu
ng Dios ang siyang gumawa at nagsasalita, kapag siya’y namamahay at
naghahari sa kabuoan ng isang totoong banal. Sukat upang mapag-alaman ng lubos,
na ang mga sumusunod na salita ay hindi mula sa sariling pagmamatuwid ni Jesus, kundi ang lahat ng yao’y mga
salita nitong Espiritu ng Dios na
isinatinig lamang ng kaniyang bibig. Na sinasabi,
Martes, Nobyembre 22, 2011
PADRON NG KATOTOHANAN (2 of 2)
Mga etiketa:
Biblia,
Katotohanan,
Salita ng Dios
PADRON NG KATOTOHANAN (1 of 2)
Sa
kayarian ng anomang bagay ay hindi maaaring mawalan ng pinagmulang disenyo, at
kung paano ito nabuo ay masiglang sumailalim sa proseso ng bahabahagdan at
sunod-sunod na pamamaraan. Kaya naman ang mga yaon sa anomang uri ng kabuoan ay
maaaring gayahin alinsunod sa maingat at banayad na pagsasalansan ng mga
kagamitan at pagsasakatuparan ng mga pamamaraan na may kinalaman dito. Sa gayong
kasiglang proseso ay nalilikha ang replica ng iba’t ibang bagay.
Ang
tanawing ito ay tinatawag na padron (pattern), na kung saa’y makikita ang lahat
ng detalye, kagamitan, at pamamaraan kung paano gagawin ang partikular na
bagay. Batay sa iba’t ibang hugis ng katawan ay iginuguhit ng sastre (mananahi) sa isang papel ang
disenyo ng anomang kasuotan. Sa pamamagitan nito’y maaaring ulit-ulitin ang
paggawa niyaon na hindi magbabago ang sukat at kayarian. Kahit na sinong Sastre
sa kapuluan ang gumamit ng nabanggit na padron ay hindi magbabago at mananatili ang disenyo ng kasuotan. Kung papaanong paulit-ulit na nakagagawa ng
maraming bagay sa kani-kaniyang magkakatulad na sukat at debuho ay nang dahil
sa eksistensiya ng padron.
Mga etiketa:
Biblia,
Katotohanan,
Salita ng Dios
Linggo, Nobyembre 20, 2011
NAKAKAUSAP NGA BA NG MGA BUHAY ANG MGA YUMAO
Batay sa pangsariling pahayag ng ilan ay
pinatototohanan at binibigyang diin, na ang kaluluwa
ng isang yumao ay maaaring gambalain mula sa daigdig ng mga patay. Ang gumagawa
ng gayong bagay ay tinatawag na Espiritista,
at ang taong yaon umano’y may katangitangi at likas na kakayanang makausap ang
mga yumao. Sinoman sa makatuwid na nagnanais makaugnayan ang kaluluwa ng kaanak
na namatay ay ang taong tulad nito ang siyang tumutugon sa pangangailangang
nabanggit.
Ang gayong kalakaran sa malayo at
malapit na nakaraan, kahi man sa panahon nating ito ay hindi kakaunti ang nagsapalarang
makaugnay ang kaluluwa ng mga
namaalam nilang mahal sa buhay. Katapat ng kaukulang halaga ay isinasagawa ng
isang espiritista ang ritual, na kung
saan umano ay lulukob sa isang medium ang kaluluwa
na kaniyang tinawag mula sa daigdig ng mga patay. Gaya ng inaasahan ay
magkakaroon ng ugnayan at makakausap ng buhay ang kaluluwa ng isang yumao.
Datapuwa’t kung ang katuwiran na
ipinatutupad sa mga balumbon ng mga banal na kasulatan ang kukunan ng patotoo
at pagpapatibay hinggil sa usaping ito. Katotohanan nga kayang maituturing ang
umano’y pakikipag-ugnayan ng tao sa kaluluwa ng mga patay? Ang gawain bang ito’y sinasang-ayunan at
pinagtitibay ng mga salita ng Dios na
nangagsilabas mula sa bibig ng mga totoong banal?
Mga etiketa:
Anti Chirst,
Katuwiran ng Dios,
Kautusan,
Occult
Miyerkules, Nobyembre 9, 2011
SINO ANG TUNAY NA CRISTIANO
Sa
larangan ng pagrerelihiyon sa iba’t ibang dako ng mundo ay may lubhang malaking
bilang ng mga tao, na naglagak ng buo nilang tiwala at lubos na pananampalataya
sa pinaiiral na doktrinang pangrelihiyon ng simbahan. Yaon umano’y naghahayag ng
mga lehitimong katuruang Cristiano. Gayon ma’y hindi tumanggap ang marami ng totoong aral
na masusumpungan sa nabanggit na uri ng pamumuhay. Palibhasa’y ginamit lamang ng ilan
ang salita (Cristianismo) na
pang-akit at ang itinurong mga aral nitong kaparian ng simbahan ay ang iba’t ibang likhang doktrinang
pangrelihiyon ng mga tao.
Kaugnay
nito, para naman kami’y hindi maturingan na tila naglulubidlubid lamang ng
mga kasinungalingan ay ihahayag namin sa maliwanag ang ilang usaping
pangkabanalan sa banayad na saliw ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal.
Sinoman
nga na nabibilang sa umano’y relihiyon na naglalahad ng mga katuruang Cristiano
ay matibay na tinitindigan ang kalagayang niyang yaon. Sapagka’t gaya ng
tradisyon, sa mura pa lamang na kaisipan, ang nabanggit na doktrinang
pangrelihiyon ay nauna ng naisilid sa kamalayan. Sa madaling salita ay mga
katuruan na kinamulatan, o kinagisnan, at dahil doo’y inakalang ang mga yao’y
matibay na sandigan ng katotohanan. Kaya naman, marami sa kanila ay tila may
lubos na katiyakan sa katotohanan, kapag tungkol sa mga aral pangkabanalan ang
pinag-usapan. Pakitaan mo man ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal na
nagbibigay diin sa katotohanan ay hindi pakikinggan, at sa halip ay higit na mamagalingin ang pilipit na katuruang
kinagisnan.
Lunes, Nobyembre 7, 2011
SINO ANG NAGTAYO NG IGLESIA
Sa kagsagsagan ng masigla at tila ba walang kapagurang pagsasagawa
nitong si Juan ng bautismo ng pagsisisi sa ilog Jordan ay
isang lalaki ang lumapit sa kaniyang harapan, at nagsabing siya’y bautismuhan
niya. Ang tao ngang ito ay walang iba kundi si Jesus ng Nazaret na anak ni Maria. Sa gayo’y nanaig ang ibig ng
lalaki at siya’y ginawaran niya ng bautismo,
at pag-ahon ng kaniyang ulo sa tubig ay nangyari,
MATEO 3 :
16 At nang mabautismuhan si Jesus,
pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita
niya ang ESPIRITU NG DIOS na bumababang tulad sa isang kalapati, at
lumalapag sa kaniya;
Mga etiketa:
Aral ni Jesus,
Biblia,
Katotohanan,
Katuwiran ng Dios,
New Testament,
Religion
Lokasyon:
Philippines
Biyernes, Nobyembre 4, 2011
ANG MALUWANG AT MAKIPOT NA PINTUAN
Sa
1 Cor 16:9
ay may pagmamapuring inihayag ni Pablo na siya’y nakasumpong ng pintuang
malaki, na nabuksan sa kaniya at yao’y pakikinabangan niya, dangan nga lamang
doon aniya ay marami ang kaaway. Kung lilinawin ay ang malaking
pintuan ng pananampalataya kay Jesucristo na walang gawa ng kautusan
ang tinitukoy ng taong ito.
Ano
pa’t kung noong una’y may tungkulin ang lahat na gumanap sa mga kautusan
ng pagibig. Dahil sa maluwang na pintuang yao’y hindi na kailangan pang
gumanap ang sinoman sa mga nabanggit na kautusan, kundi imbis na gayon
ay pananampalataya na nga lamang kay Jesus
ang gagawin ng mga tao.
Alinsunod sa evangelio ng di pagutuli
na isinusulong ni Pablo ay malaki at maluwang na pintuan ang
kailangang pasukin ng mga Gentil. Samantalang sa evangelio ng
kaharian na nangagsilabas mula mismo sa bibig ni Jesucristo ay
sa makipot na pintuan ang lahat ay nararapat na pumasok.
Sa paghahambing ng dalawang magkasalungat na evangelio ay gaya nga ng nasusulat.
Sa paghahambing ng dalawang magkasalungat na evangelio ay gaya nga ng nasusulat.
Mga etiketa:
Aral ni Jesus,
Biblia,
New Testament,
Paul vs Jesus,
Religion
Lokasyon:
Philippines
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)