Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jesus. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jesus. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Hulyo 16, 2018

ANAK NG DIOS



Sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) nitong sangbahayan ni Israel ay hindi kakaunting ulit na tinukoy ang tungkol sa mga anak ng Dios. Bagay na maaaring gawing matibay na katunayan sa pagpapatotoo sa mga tema na may kinalaman sa usaping ito. Gayon ngang maliwanag na binibigyang diin ng mga nabanggit na kasulatan, na ang lahat ng tao ay anak. Dangan nga lamang ay mayroong anak ng pagsunod (tupa) at anak ng pagsuway (kambing)

Sa dalawang hanay nga lamang na iyan maaaring kilalanin ang anak. Kaugnay niyan, tiyak ngang anak ng Dios ang sinomang tao sa mundo, nguni’t ang tanong ay ito. Siya ba’y masiglang dumadako sa pagsunod, o nahuhumaling sa karumaldumal na pagsuway sa natatanging kalooban (kautusan) ng sarili niyang Ama na nasa langit?


Sa pagpalaot natin sa kalawakan ng usaping ito’y sulyapan nga muna natin ang ilang patotoong biblikal, hinggil sa pagbibigay diin ng mga lumang kasulatan (Torah), na sa simula pa nga lamang ay masigla ng umiiral ang eksistensiya ng mga anak ng Dios.

Sabado, Marso 24, 2018

ESPIRITU SANTO AT MGA MANGGAGAWA NG DIOS


PROPETA NG DIOS
Mula sa kasagsagan ng ministeriyo nitong Espiritu ng Dios (Yehovah) na masigla at makapangyarihang namamahay at naghahari sa kabuoang pagkatao ng Cristong si Jesus. Ipinakilala nito ang kaniyang mga alagad (apostol) sa kalagayan ng mga tunay na banal. Sila ay kinikilala ni Jesus na mga propeta ng Dios, gaya ng napakaliwanag na nasusulat, na sinasabi,

MATEO 23 :
34  Kaya’t, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at  mga eskriba: ang mga iba sa kanila’y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila’y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila’y paguusigin sa bayan-bayan.

Mateo 5 :
12  Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka’t malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka’t gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.

Lunes, Marso 16, 2015

TALA SA UMAGA

Sirius
Mula sa kasagsagan ng ministeriyo nitong Espiritu ng Dios na makapangyarihang namamahay at naghahari sa kalooban ni Jesus, ay naihayag sa mga alagad ang maraming bagay na tumutukoy sa larangan ng tunay na kabanalan. Nariyan ang pagbibigay ng kaukulang unawa sa mga salitang may ganap na kinalaman sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.

Sa mga iyan ay naging isang kontrobersiyal na usapin ang salitang tumutukoy sa ilaw. Ito’y dahil sa hindi nagkakaisang pang-unawa ng marami sa hustong kahulugan ng nabanggit na salita, lalo na kung ito’y ini-uugnay kay Jesus bilang ilaw ng sanglibutan.

Batid ng marami na kapag sinabing ilaw ay nangangahulugan ito ng liwanag na humahawi ng kadiliman. Tanglaw na siyang dahilan kung bakit ang mga bagay sa dimensiyong ito ng materiya ay nakikita ng mga mata, na nagbibigay daan sa kaisipan upang mapag-unawa ang mga tanawin na nasisikatan nitong liwanag ng ilaw.

Kaugnay niyan ay may winika ang sariling bibig ni Jesus, na sinasabi,

JUAN 8 :
12  Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.
(Then3767 spake2980 Jesus2424 again3825 unto them,846 saying,3004 I1473 am1510 the3588 light5457 of the3588 world:2889 he that followeth190 me1698 shall not3364 walk4043 in1722 darkness,4653 but235 shall have2192 the3588 light5457 of life.2222)


5  Samantalang ako'y nasa sanglibutan, ako ang ilaw ng sanglibutan.
(As long as3752 I am5600 in1722 the3588 world,2889 I am1510 the light5457 of the3588 world.2889)

Sa mga talata ngang iyan sa itaas ay binibigyang diin nitong Espiritu ng Dios na nasa kalooban at kabuoan ni Jesus, na siya ang ilaw ng sanglibutan. Mapapag-unawa sa talata na hindi lalakad sa kadiliman ang sinoman na susunod sa rayos ng kaniyang liwanag, na siyang ilaw ng sinoman tungo sa buhay na hindi nakakakilala ng katapusan, ni kamatayan man. Gaya nga ng nasusulat, siya na ilaw, samantalang nasa sanglibutan ay gumaganap na ilaw ng sanglibutan.

Huwebes, Pebrero 5, 2015

MGA HARI, PRINSIPE, AT PASTOR NG ISRAEL

Hari ng Israel
Mula sa malawakang pagkakawatakwatak ng mga lahing kabilang sa labingdalawang (12) lipi ng Israel ay minabuti at ipinasya ng kaisaisang Dios, na sila’y pagkalooban ng isang makapangyarihang hari na sa kanila ay makapagbubuklod na muli. Gaya ng isang kawan na walang pastor ang Israel sa kapanahunang iyon, at dahil diyan ay marami ang nahihiwalay sa kanilang pastulan tungo sa di kailan man nila ninais na kapahamakan.

Ang kalakarang iyan ay hindi pinayagan ng ating Ama na tuluyang lumawig at patuloy na maghatid ng maraming kaluluwa sa malabis na kapighatian. Kaya sa sangbahayan ni Israel ay naghalal Siya at nagtalaga ng mga hari mula sa kanikanilang natatanging kapanahunan. Ito’y sa layuning bawiin ang marami sa iba’t ibang dako na kanilang kinaligawan, at sila’y pamunuan na tulad sa isang pastor na masiglang kinakalinga at inaaruga na gaya ng sa mga anak ang pag-aari niyang kawan ng mga tupa. Sila’y mga hari na itinalaga ng kaisaisang Dios bilang tagapagligtas ng buong sangbahayan ng Israel.


ANG UNA SA KANILA AY SI SAUL

SI SAUL AY PINAHIRAN NG LANGIS (ANOINTED, MASYACH, MESSIAH, CHRIST)

1 SAM 10 :
1  Nang magkagayo'y KINUHA NI SAMUEL ANG SISIDLAN NG LANGIS, AT IBINUHOS SA ULO NIYA, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging PRINSIPE ka sa kaniyang mana?
(Then Samuel took a vial of oil, and poured it upon his head, and kissed him, and said, Is it not because the Lord hath anointed thee to be captain over his inheritance?)

1 SAM 15 :
17  At sinabi ni Samuel, Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin, hindi ka ba ginawang pangulo sa mga lipi ng Israel? At PINAHIRAN KA NG LANGIS NG PANGINOON NA MAGING HARI SA ISRAEL;
(And Samuel said, When thou wast little in thine own sight,wast thou not made the head of the tribes of Israel, and the LORD anointed thee king over Israel?)

Sabado, Abril 27, 2013

WALA NA BANG KABULUHAN ANG LUMANG TIPAN?


Mga paunang salita:
Matuwid na layunin naming ilahad lamang sa mga kinauukulan ang mga salita (evangelio ng kaharian) na ipinangaral ng sariling bibig ni Jesus. Mga katiwatiwalang katunayang biblikal lamang ang tangi naming pinagbatayan sa pagbabalangkas at pagbuo ng akdang ito. Hindi namin kailan man hinangad, o ninais man na atakihin, ni husgahan man ang alin mang doktrinang pangrelihiyon na tinitindigang matibay ng sinoman. Anomang komento mula sa amin na mababasa sa artikulong ito ay may lubhang matibay at kongkretong batayan. Dahil diyan ay maliwanag na ang aral pangkabanalan na ipinangaral ng Cristo (Mashiach) ang siyang humuhusga sa pilipit na pagka-unawa ng marami sa salitang “ matuwid, at katotohanan.” Hindi namin kailan man hingangad na husgahan, ni ilagay man sa kahiyahiya at abang kalagayan ang aming kapuwa. Kundi sa pagnanais na maghayag lamang ng mga sagradong aralin na sinasang-ayunang lubos ng katuruang Cristo (Messianic teachings).

Sa larangan ng Cristianismo ni Pablo ay nalalahad ang doktrinang pangrelihiyon (evangelio ng di pagtutuli) na umano’y nagpapawalang kabuluhan sa mga katuruan na ipinangaral ng mga propeta (mashiyach) nitong lumang tipan ng Bibliya (Tanakh). Partikular sa mga iyon ay ang sampung (10) kautusan na tinanggap ni Moses sa taluktok ng bundok Sinai. Sa kinalap naman na iba’t ibang istoriya nitong si Lucas (Luk 1:1-3) ay sinasasabi na ang pag-iral ng kautusan at ng mga propeta ng sangbahayan ni Israel ay nanatili hanggang kay Juan Bautista lamang.

Huwebes, Nobyembre 8, 2012

TETRAGRAMATON (YHVH)


Hayag sa balumbon ng mga banal na kasulatan ang likas na kalagayan ng Dios, at doo’y mapapag-unawa ang lubos na pagkakakilanlan sa kaniya bilang Ama ng lahat ng kaluluwa. Kabilang diyan ang mga kautusan na ayon sa Kaniya ay umiiral na magpasa walang hanggan. Gayon din ang Kaniyang pangalan na higit sa anim na libong (6,000) ulit binanggit ng mga banal ng Dios (Mashiyach) na nabibilang sa buong sangbahayan ng mga anak ni Israel.

Masoretic Texts ang mapapagkatiwalaang (authoritative) matandang manuskrito na siyang ginamit na mapapanghawakang batayan ng mga Israelita sa paggawa nila ng Bibliyang Hebreo. Gayon ma’y hindi nailahad sa nabanggit na aklat, kahi man dalawa o isang ulit ang tama at hustong pangalan ng Dios na natatala sa orihinal na teksto. Ang dahilan ay ang pangamba ng mga nagsipagsalin na malabag ang pangatlong (3) utos ng Dios, na sinasabi,

DEU 5 :
11  HUWAG MONG BABANGGITIN ANG PANGALAN NG PANGINOON MONG DIOS SA WALANG KABULUHAN; sapagka't hindi aariin ng Panginoon na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

Katuwiran nila’y mabuti ng malihim sa kaalaman ng marami ang pangalan ng Dios, kaysa naman ito’y magamit lamang ng mga hangal sa walang kabuluhang bagay. Sa gayong kalakaran, ito nga'y totoong nalingid sa kaalaman ng marami, subali’t nagbunga naman ng kaawa-awang kalagayan sa kaluluwa ng mga tao. Dahil sa hindi naging malinaw ang tama at wastong pangalan ng Dios na nararapat bigkasin, kapag ang sinoma’y idinadalangin sa Kaniya ang mga hinaing ng kanilang kaisipan at damdamin.

Lunes, Agosto 13, 2012

EVANGELIO NG KAHARIAN (Part 1 of 2)

Narito, at kung nais ng sinoman na pumalaot sa larangan ng tunay na kabanalan ay matuwid sa kaniya bilang unang hakban, na ariing katotohanan ang mga salita ng Dios na mismo ay nangagsilabas mula mismo sa bibig nitong si Jesus. Gaya ng mga aral (evangelio ng kaharian) ng tunay na kabanalan na masiglang sinalita ng kaniyang dila sa buong sangbahayan ni Israel. Ano pa’t kung ang sinoma’y nagsasabing siya’y kay Jesus, gayon ma’y aral ng iba (evangelio ng di pagtutuli) ang isinasabuhay ay maipasisiyang sinungaling at magdaraya ang taong iyon. Siya sa makatuwid ay hindi kinaroroonan ng Dios, sapagka’t tungkol sa bagay na ito’y mariing winika,

2 JUAN 1 :
9  ANG SINOMANG NAGPAPATULOY AT HINDI NANANAHAN SA ARAL NI CRISTO, AY HINDI KINAROROONAN NG DIOS: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.

Gayon ngang napakaliwanag na siyang hindi nananahan sa aral (evangelio ng kaharian) na mismong iniluwal ng sariling bibig ni Jesus ay walang alinlangan na hindi kinaroroonan ng Dios. Siya rin naman na nagsasabing nakikilala niya ang Dios, nguni’t hindi tumutupad sa mga kautusan (sampung utos), ayon sa kasulatan ay isang sinungaling at ang katotohanan ay wala sa taong iyon. Na sinasabi,

EVANGELIO NG KAHARIAN (Part 2 of 2)

Ang evangelio na may kinalaman sa pananampataya kay Jesus

JUAN 14 :
10  HINDI KA BAGA NANANAMPALATAYA NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN? Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.

11  MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN: o kundi kaya’y MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN DAHIL SA MGA GAWA RIN.

12  Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ANG SA AKIN AY SUMAMPALATAYA, AY GAGAWIN DIN NAMAN NIYANG ANG MGA GAWANG AKING GINAGAWA; at LALONG DAKILANG MGA GAWA KAY SA RITO ANG GAGAWIN NIYA, sapagka’t ako’y paroroon sa Ama.

Maliwanag ngang sinasabi ng talata (Juan14:10), na si Jesus ay nasa Ama at ang Espiritu ng Ama ay nasa kaniya. Niliwanag din naman niya, na ang mga salita na kaniyang binibigkas sa mga alagad ay hindi niya sinasalita sa kaniyang sarili. Kundi ang Espiritu ng Dios na nananahan at naghahari sa kaniyang kalooban at kabuoan ang siyang gumagawa ng kaniyang mga gawa at nagsasalita ng kaniyang mga salita.

Sa kasunod na talata (Juan 14:11) ay ipinamamanhikan nitong si Jesus sa lahat, na siya ay sampalatayanan  bilang isang sisidlang hirang ng Dios (buhay na templo ng Dios). Palibhasa’y napakaliwanag na siya sa kapanahunang iyon ay pinamamahayan at pinaghaharian ng nabanggit na Espiritu. Ano pa’t kaniyang sinabi sa Juan 14:12, na ang sinomang sa kaniya ay sumasampalataya sa gayong kabanal na kalagayan ay gagawin din naman niya  ang mga gawa ni Jesus, at lalong mga dakilang mga gawa kay sa doon ang gagawin niya. Dagdag pa niya’y paroroon siya sa Ama (Juan 20:17).

Kaugnay ng mga pahayag na nangagsilabas mula sa sarili niyang bibig ay siyasating natin, kung anu-ano ang kaniyang mga gawa. Gaya ng nasusulat,

Biyernes, Disyembre 9, 2011

CORDERO NG DIOS



The Seven Spirits
APO 5:
6  At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang CORDERO na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang PITONG ESPIRITU NG DIOS, NA SINUGO SA BOONG LUPA.

7  At siya’y lumapit, at kinuha ang  AKLAT sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan.

8  At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu’t apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng CORDERO, na ang bawa’t isa’y may alpa, at ang mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.

Miyerkules, Nobyembre 9, 2011

SINO ANG TUNAY NA CRISTIANO


Sa larangan ng pagrerelihiyon sa iba’t ibang dako ng mundo ay may lubhang malaking bilang ng mga tao, na naglagak ng buo nilang tiwala at lubos na pananampalataya sa pinaiiral na doktrinang pangrelihiyon ng simbahan. Yaon umano’y naghahayag ng mga lehitimong katuruang Cristiano. Gayon ma’y hindi tumanggap ang marami ng totoong aral na masusumpungan sa nabanggit na uri ng pamumuhay. Palibhasa’y ginamit lamang ng ilan ang salita (Cristianismo) na pang-akit at ang itinurong mga aral nitong kaparian ng simbahan ay ang iba’t ibang likhang doktrinang pangrelihiyon ng mga tao.

Kaugnay nito, para naman kami’y hindi maturingan na tila naglulubidlubid lamang ng mga kasinungalingan ay ihahayag namin sa maliwanag ang ilang usaping pangkabanalan sa banayad na saliw ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal.

Sinoman nga na nabibilang sa umano’y relihiyon na naglalahad ng mga katuruang Cristiano ay matibay na tinitindigan ang kalagayang niyang yaon. Sapagka’t gaya ng tradisyon, sa mura pa lamang na kaisipan, ang nabanggit na doktrinang pangrelihiyon ay nauna ng naisilid sa kamalayan. Sa madaling salita ay mga katuruan na kinamulatan, o kinagisnan, at dahil doo’y inakalang ang mga yao’y matibay na sandigan ng katotohanan. Kaya naman, marami sa kanila ay tila may lubos na katiyakan sa katotohanan, kapag tungkol sa mga aral pangkabanalan ang pinag-usapan. Pakitaan mo man ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal na nagbibigay diin sa katotohanan ay hindi pakikinggan, at sa halip ay higit na mamagalingin ang pilipit na katuruang kinagisnan.

Linggo, Oktubre 23, 2011

MGA NILALANGKAPAN NG ESPIRITU (1 OF 2)


Sa simula pa nga lamang ay tanyag na ang pagsanib ng Espiritu sa katawan ng mga piling tao. Lingid sa kabatiran ng marami, ito’y patuloy na umiiral hanggang sa ngayon at naging isang matibay na batayan ng katotohanan sa ilang nakalipas na malayong kapanahunan. Gaya ng mga may diing pahayag na matutunghayan sa tinatawag na Lumang Tipan ng Bibliya, at ang ilan sa mga yaon ay gaya ng mababasa sa mga sumusunod na talata.

DEUT 18 :
18  Aking palilitawin sa kanila ang isang PROPETA sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at AKING ILALAGAY ANG AKING MGA SALITA SA BIBIG NIYA, at KANIYANG SASALITAIN SA KANILA ANG LAHAT NG AKING IUUTOS SA KANIYA. (Amos 3:7) 

Sabado, Oktubre 22, 2011

MGA NILALANGKAPAN NG ESPIRITU (2 of 2)


Ito’y katunayan lamang na ang pagiging isa sa bilang ng Ama nating nasa langit noon pa mang simula ay napakaliwanag na aral ng Dios. Sa gayo’y maituturing na isang napakalaking kasinungalingan, kung ang espiritu na lumalangkap sa sinoma’y magpapakilala ng ibang Dios, maliban sa kaisaisang Ama at Dios na nasa langit. Hindi na nga ito maituturing na aral pa ng kabanalan, kundi maipasisiyang bunga ng mapanlinlang na aral ng diyablo.

Ano pa’t sa lubhang malayong kapanahunan pa lamang ay nagsilitawan na ang mga diosdiosan, mula sa likha ng mapaglarong kaisipan ng mga tampalasan, at ang lahat ng mga yaon kailan ma’y hindi kinilala ng Ama nating nasa langit. Palibhasa’y siya lamang ang kaisaisang Dios na eksistido sa lahat ng kaluwalhatian. Dahil dito, kaya tinawag na mga diosdiosan ay hindi inaari ng katotohanan, na mga likha ng may kamangmangang kaisipan lamang.

Lunes, Oktubre 10, 2011

KAHALAGAHAN NG KAUTUSAN KAY JESUS

Sa kasagsagan ng mga kapanahunang nagsipagdaan sa kasaysayan ng mga anak ni Israel ay tiniyak ng kaisaisang Dios ang kaligtasan nila na naging masunurin sa natatangi niyang kalooban. Kaya sa kahustuhan ng kapanahunan ay ibinaba niya sa pamamagitan ni Moises ang mga kautusan ng pagibig sa Dios, at ang mga kautusan ng pagibig sa kapawa, na walang iba kundi ang sampung (10) utos na nasusulat sa tapyas ng mga bato.

Ang buong sangbahayan ni Israel na noo’y lubos na sumasa-ilalim sa pagkaalipin nitong Paraon ng Egipto ay idinaing sa kaisaisang Dios ang kaawa-awa nilang kalagayan sa panahon nilang yaon. Kaya naman sila ay pinaparoonan kay Moises at Aaron, upang sila’y palayain mula sa malaon na nilang pagkaalipin. Sa madaling salita ay nangyari ang pagpapalaya sa kanila sa kabila ng hindi kakaunting ulit na pagmamatigas ng puso ng Paraon.

Ayon nga sa kalooban ng kaisaisang Dios ay naganap ang pangkalahatang paglayang yaon ng mga anak ni Israel mula sa malaong pagkaalipin. Ano pa’t hindi nagtapos doon ang nabanggit na pagsagip, sapagka’t muli ay nakamit nila ang isa pang pagpapalaya sa pangalawang pagkakataon. Ito’y nang pagkalooban sila ng sampung (10) kautusan na tinanggap ni Moises sa taluktok ng bundok Sinai.

AMA NAMIN (Ang Orasyon ni Jesus)



JUAN 20 :
17  Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t HINDI PA AKO NAKAKA AKYAT SA AMA, nguni’t pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.

Sa patibayang aral na nalalahad sa itaas ay hindi maitatanggi ninoman, na mula sa bibig ni Jesus ay lumabas ang mga salita, na ang kaniyang kinikilalang Ama ay siya rin nating Ama. Gayon din ang sinasamaba niyang Dios ay siya rin nating Dios. Kung gayo’y napakaliwanag na Ama nating lahat ang kaisaisang Dios na nasa langit.

Dahil dito, ang Espiritu ng Dios na namahay at naghari sa kabuoan ni Jesus sa natatangi niyang kapanahunan ay tinuruan tayong manalangin sa Ama nating nasa langit, na sinasabi,


Biyernes, Oktubre 7, 2011

SARO NG KABANALAN (Holy Grail)


DEUT 18 :
18  Aking palilitawin sa kanila ang isang PROPETA sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at AKING ILALAGAY ANG AKING MGA SALITA SA BIBIG NIYA, at KANIYANG SASALITAIN SA KANILA ANG LAHAT NG AKING IUUTOS SA KANIYA. (Amos 3:7)

EXO 4 :
12  Ngayon nga’y yumaon ka, at AKO’Y SASAIYONG BIBIG, AT ITUTURO KO SA IYO KUNG ANO ANG IYONG SASALITAIN.

JER 1 :
Nang magkagayo’y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, INILALAGAY KO ANG AKING MGA SALITA SA IYONG BIBIG.

Lunes, Setyembre 12, 2011

LABINGDALAWANG PINTUAN NG LANGIT

Sa nilalamang katuruan nitong evangelio ng kaharian ay binibigyang diin, na sa kalooban ni Jesus ay may namahay at nagharing Espiritu ng Dios. Sa gayo’y ang Espiritung yaon ang nag-uutos, kung ano ang mga salitang marapat wikain ni Jesus sa mga kinauukulan sa kapanahunang yaon, gaya ng nasusulat.

JUAN 8 :
26  Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya’y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan.

Lunes, Agosto 29, 2011

ILANG TAON ANG ISANG HENERASYONG BIBLIKAL


Portrait in the late 1800
Sa makabagong panahon na nilalakaran natin sa ngayon ay itinatayang mula 20 hanggang 25 ang kabuoang bilang ng mga taong pumapaloob sa isang henerasyon. Ito’y pangkasalukuyang kalakaran at ganap na ginagawang panuntunan pagdating sa pagsukat ng mga panahong may kinalaman sa saling lahi. Halimbawa’y ang magulang at mga anak ay ikinakatawan sa unang henerasyon, at kapag nagsipag-anak na ang mga anak na nabibilang doo’y itinuturing na silang pangalawang henerasyon. Ang pagpasok ng ikalawa ay bumabatay sa pagsilang ng anak ng mga anak na inaari ng unang henerasyon.

            Ang gayong mga dokumentadong pahayag hinggil sa usaping ito’y malugod na tinatanggap ng marami. Ito’y bilang katiwatiwalang batayan, kung paano nagsisimula ang isang henerasyon at kung ilang taon ang itinatagal nito upang matiyak ang katapusan, at dahil doo’y maipahayag ang simula ng kahaliling bagong henerasyon.