Linggo, Oktubre 23, 2011

MGA NILALANGKAPAN NG ESPIRITU (1 OF 2)


Sa simula pa nga lamang ay tanyag na ang pagsanib ng Espiritu sa katawan ng mga piling tao. Lingid sa kabatiran ng marami, ito’y patuloy na umiiral hanggang sa ngayon at naging isang matibay na batayan ng katotohanan sa ilang nakalipas na malayong kapanahunan. Gaya ng mga may diing pahayag na matutunghayan sa tinatawag na Lumang Tipan ng Bibliya, at ang ilan sa mga yaon ay gaya ng mababasa sa mga sumusunod na talata.

DEUT 18 :
18  Aking palilitawin sa kanila ang isang PROPETA sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at AKING ILALAGAY ANG AKING MGA SALITA SA BIBIG NIYA, at KANIYANG SASALITAIN SA KANILA ANG LAHAT NG AKING IUUTOS SA KANIYA. (Amos 3:7) 

EXO 4 :
12  Ngayon nga’y yumaon ka, at AKO’Y SASAIYONG BIBIG, AT ITUTURO KO SA IYO KUNG ANO ANG IYONG SASALITAIN.

JER 1 :
Nang magkagayo’y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, INILALAGAY KO ANG AKING MGA SALITA SA IYONG BIBIG.

Eze 2 :
At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako’y makikipagsalitaan sa iyo.

2 AT ANG ESPIRITU AY SUMA AKIN NANG SIYA’Y MAGSALITA SA AKIN, AT ITINAYO AKO SA AKING MGA PAA; AT AKING NARINIG SIYA NA NAGSASALITA SA AKIN.

Gayon ngang ang sinomang sinasapian ng banal na Espiritu ay wiwikain sa mga tao ang matutuwid na salita ng nabanggit na Espiritu. Ang salita sa makatuwid ay ang katuwirang nilalaman ng mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan ng kaisaisang Dios. Dahil dito ay matuwid sa isang nilalangkapan ng Espiritu (medium), na itanyag at bigyang diin sa mga kinauukulan ang kahalagahan ng mga salita ng Dios.

Datapuwa’t kung ang mga salita na lumalabas mula sa bibig ng isang batlayan (medium) ay hindi binibigyang diin ang kahalagahan ng kautusan, palatuntunan, at kahatulan ng Dios ay sukat upang pag-alinlanganan ang taglay niyang kabanalan. Kaya nga sinabi,

1 JUAN 4 :
1  Mga minamahal, HUWAG KAYONG MAGSIPANIWALA SA BAWA’T ESPIRITU, KUNDI INYONG SUBUKIN ANG MGA ESPIRITU, KUNG SILA’Y SA DIOS: sapagka’t maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta.

Kaugnay nito’y hindi matuwid na ang sinoma’y karakaraka na lamang maniniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ng isang nilalangkapan ng espiritu (medium). Sapagka’t napakaliwanag na hindi lahat ng lumulukob sa tao ay dumadako sa larangan ng tunay na kabanalan. Palibhasa’y may espiritu na nagsusulong ng mga katuruang tila pangkabanalan na kailan may hindi sinang-ayunan ng katuwiran at katotohanan ng Ama nating nasa langit.

Siya sa makatuwid ay ipinakilala nitong si Juan sa aklat niya ng evangelio ng kaharian na sinasabi,

JUAN 8 :
44  Kayo’y sa inyong amang DIYABLO, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at HINDI NANANATILI SA KATOTOHANAN, sapaka’t WALANG KATOTOHANAN SA KANIYA. PAGKA NAGSASALITA SIYA NG KASINUNGALINGAN, ay nagsasalita siya ng ganang kaniya: SAPAGKA’T SIYA’Y ISANG SINUNGALING, AT AMA NITO.

Tungkol dito ay batid nating lahat na ang diyablo ay may kakayanan din na lukuban at pagharian ang katawan ng tao. Kaya nga sa mga katawang pisikal ng hindi kakaunting bulaang propeta at bulaang mangangaral ng salita ng Dios ay masiglang namamahay at naghahari ang espiritu ng diyablo. Sapagka’t sila’y mga sinungaling, palibhasa’y nagsasalita lamang sila sa ganang kanila na hindi umaayon sa katotohanan.

Ang entidad na ito ng kasamaan (diyablo) ay bantog at kilala sa matatamis at mabubulaklak niyang pananalita, kaya hindi kailan man naging mahirap sa kaniya na linlangin ang kaawa-awang kaluluwa ng marami sa ating mga kapatid. Dahil dito ay hindi nila namamalayan na sila pala’y kinakaladkad na sa kapahamakan ng kabulaanang aral nitong mga salita ng diyablo na nagsisilabas mula sa bibig ng isang nilulukuban ng espiritu (medium). Kaya bago mangyari ang gayon ay nararapat matuto ang sinoman na makilala ang katuwiran ng mabuting Espiritu, at nang sa gayo’y maiwasan ang batong ito na kinatisuran at patuloy na katitisuran ng lubhang malaking bilang ng mga tao sa kalupaan.

Kung gayo’y anu-ano ba ang mga bagay na lubos ang pagsang-ayon ng katuwiran at katotohanan ng kaisaisang Dios na nasa langit? Sa makatuwid baga’y ang mga kautusan na nilalaman ng sampung (10) utos ng Dios? Tama, sapagka’t ang pagganap sa mga yaon ay lubos niyang ikinalulugod at ang kabaligtaran niyao’y karumaldumal sa kaniyang paningin at itinuturing niyang mabigat na kasalanan ng sinomang tatangkilik sa gayong kasuklamsuklam na mga gawa.

Ano pa’t tungkol dito ay binigyang diin ng Ama nating nasa langit ang mga sumusunod na katuwiran, na sinasabi,


ECL 12 :
13  Ito ang wakas ng bagay; lahat ay NARINIG: IKAW AY MATAKOT SA DIOS, at SUNDIN MO ANG KANIYANG MGA UTOS; sapagka’t ITO ANG BOONG KATUNGKULAN NG TAO.

EXO 20 :
At pinagpapakitaan ko ng KAAWAAN ang libolibong UMIIBIG SA AKIN at TUMUTUPAD NG AKING MGA UTOS.

Sa pagpapatuloy ay isa-isahin nga natin ang mga kautusan na tumutukoy ng ganap sa pag-ibig sa Dios. Na kung lilinawin ay yaong mga utos na lumalayong patibayin at paigtingin ang pag-ibig ng sinoman sa Ama niyang nasa langit. Ang mga yaon sa makatuwid ay ang unang limang (5) kautusan sa sampung (10) utos ng Dios na natamo ni Moses sa bundok ng Sinai.



(Exo 20 :3)

1. HUWAG KANG MAGKAKAROON NG IBANG MGA DIOS SA HARAP KO. 



Huwag nga raw magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap ng Ama nating nasa langit. Palibhasa’y nalalaman niyang bukod sa kaniya’y wala ng iba pang Dios na umiiral sa alin mang kaluwalhatian,  maging sa dimensiyon ng Espiritu (langit), ni sa dimensiyon ng Materiya (lupa) ma’y wala ng iba, kundi siya lamang sa kaniyang kaisahan.


ISA 43 :
11  Ako, sa makatuwid baga’y ako, ang Panginoon; at LIBAN SA AKIN AY WALANG TAGAPAGLIGTAS.

ISA 44 :
Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang MANUNUBOS, na Panginoon ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI; at LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.

ISA 45 :
21 .... WALANG DIOS LIBAN SA AKIN, isang GANAP NA DIOS at TAGAPAGLIGTAS; WALANG IBA LIBAN SA AKIN.

22  Kayo’y magsitingin sa akin at kayo’y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka’t AKO’Y DIOS, at WALANG IBA LIBAN SA AKIN.

Napakaliwanag ang katuwiran pagdating sa kaisahan ng Ama nating nasa langit, at ang kapayakan (kasimplehan) ng usaping ito’y siya ang ating Ama at tayo ang kaniyang mga anak.

Gaya ng mga salitang iniluwal ng sariling bibig ni Jesus, na sinasabi,

JUAN 20 :
17  Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t HINDI PA AKO NAKAKA AKYAT SA AMA, nguni’t pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.

Maging ito ngang si Jesus, kabilang na ang hindi kakaunting propeta ng Dios na nangauna sa kaniya sa iba’t ibang malayo at malapit na kapanahunan ay ipinangaral ang kaisahan ng Ama nating nasa langit. Gayon din sa buong kasaysayan sa pasimula at hanggang sa natatanging kapanahunan nitong si Jesus ay hindi naging maselan at komplikadong usapin ang tungkol sa kaisahan ng Dios.  


RELATED ARTICLES:
Ang Pagkabuhay na Muli ng mga Patay (Resurrection)  Click here


Muling Pagsilang Click here

Ang Una at Pangalawang Pagsilang (first and second birth) Click here

Ang Una at pangalawang Kamatayan Click here

Reincarnation (pagkakatawang taong muli) Click here




1 komento: