Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Astrology. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Astrology. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Oktubre 2, 2013

KAUTUSAN LABAN SA PAGANISMO (Idolatriya at iba pa)


Mga paunang salita:
Matuwid na layunin naming ilahad lamang sa mga kinauukulan ang mga salita (evangelio ng kaharian) na ipinangaral ng sariling bibig ng mga tunay na banal. Mga katiwatiwalang katunayang biblikal (Tanakh) lamang ang tangi naming pinagbatayan sa pagbabalangkas at pagbuo ng akdang ito. Hindi namin kailan man hinangad, o ninais na atakihin, ni husgahan man ang mga doktrinang pangrelihiyon na tinitindigang matibay ng marami. 

Anomang pahayag mula sa amin na mababasa sa artikulong ito ay may lubhang matibay at kongkretong batayang biblikal. Dahil diyan ay maliwanag na ang aral pangkabanalan na ipinangaral ng mga banal ng Dios ang siyang humuhusga sa pilipit na pagka-unawa ng marami sa salitang “ matuwid, at katotohanan.” Hindi namin kailan man hingangad na ilagay sa kahiyahiya at abang kalagayan ang aming kapuwa. Kundi sa pagnanais na maghayag lamang ng mga salita ng Dios na nauukol ng lubos sa sangkatauhan.


Mula sa 613 na Kautusan ni Moses na nasusulat sa kabuoan ng Torah (five books of Moses) ay mababasa sa ibaba ang mga piling kautusan na may ganap na kinalaman sa karumaldumal na Paganismo (idolatriya at iba pa). Diyan nga ay napakaliwanag ang mga salita ng Dios na iniuutos niya sa lahat ng tao sa kalupaan, gaya ng nasusulat sa sumusunod na talata,

Biyernes, Enero 25, 2013

ROBIN HOOD SYNDROME


Paunang salita
Hindi namin layunin na gibain ang paninindigan ng marami, ni ilagay man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus ay maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Hindi namin kailan man hinangad na husgahan ang sinoman, palibhasa'y ang mga salita ng Dios na isinatinig ng mga banal ang siyang humuhusga sa mga karumaldumal ng marami. Nawa'y maunawaan ng lahat na kami'y alingawngaw lamang ng mga katotohanang isinigaw at isinatitik nilang mga totoong banal na nabuhay sa malayo at malapit na kapanahunan.

Sa alamat ng mga Ingles ng Inglatiera ay may ipinakilalang magaling at mapagkawang-gawang lalake, na umano'y nagkakanlong at naninirahan sa Sherwood Forest ng Nottinghamshire. Ang taong iyon ayon sa kuwento ay tanyag sa pagiging isang mamamana at eskrimador. Nitong unang bahagi ng ika-19 na siglo ay kinilala siya bilang isang “tulisan na dumadambong sa mayayaman at ipinamamahagi sa mahihirap ang mga kinulimbat niyang yaman.” Ito’y sa tulong ng pinamumunuan niyang pangkat ng mga bandido, na sikat sa tawag na Merry Men. Ang pulutong na iyon ay inilalarawan na taglay sa kanilang katawan ang Lincoln green na kasuotan.

Siya ay walang iba, kundi si Robin Hood (Robyn Hode sa mga lumang manuskrito),  na malabis ang pakikidalamhati sa kaawa-awang kalagayan ng mga kapos palad niyang kababayan. Sukat upang siya’y itulak ng damdaming iyon sa isang gawain na kailan ma’y hindi sinang-ayunan ng matuwid. Palibhasa, mula sa sampu (10) ay paglabag iyon sa pangwalong (8) kautusan ng Dios na may kahigpitan Niyang ipinatutupad sa lahat ng tao sa kalupaan.

Martes, Disyembre 13, 2011

OCCULT


OCCULT SHRINE
Paunang salita
“Hindi namin layunin na sirain ang reputasyon, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa, kundi ang maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng katotohanan (biblical facts). Dahil dito ay wala kaming nakikitang anomang kadahilanan, upang ang ilan ay magalit sa amin, at kami’y paratangan ng paninira, o panghuhusga sa aming kapuwa.

Alingawngaw lamang kami ng mga katotohanan na isinigaw ng mga totoong banal noong una. Ang mga yao’y hindi namin sariling likha, kundi katotohanang nananatili sa simula pa lamang at lumalagi hanggang sa kasalukuyan at patuloy na iiral sa mga darating pang kapanahunan. 

Dalangin nami’y kasihan nawa ng higit pang malawak na pang-unawa ang sinomang babasa ng lathalaing ito. Nang sa gayo’y hindi maging mahirap sa kaniya na makita at lubos na maintindihan ang kalooban ng Dios na binibigyang halaga sa artikulong ito.

Amulet
Ang salitang “OCCULT” ay may ganap na kaugnayan sa lihim na karunungan at ito’y mga gawa na tumutukoy sa supernatural o psychic phenomena, na kadalasa’y pinagsisikapang matutunan ng ilan sa layuning magkamit ng pangsariling kapangyarihan. Karamihan sa ganitong uri ng kaugalian ay mula sa pagtataguyod ng mga demonio, o masasamang espiritu. Kung bakit namin nawika ang gayon ay siya namin ngayong ipaglilingkod sa inyo, at ito’y sa pamamagitan ng masiglang saliw nitong mga katiwatiwalang katunayang biblikal.