AYON SA ABOT-SABI NG BANAL NA ESPIRITU.
Sa larangan
ng tunay na kabanalan ay isa sa mga bagay ng Dios na nararapat bigyan ng kaukulang pansin ay ang pag-aayuno. Ang
gawaing tumutukoy diyan ay lubos na sinasang-ayunan ng mga balumbon ng mga banal
na kasulatan (Tanakh). Diyan ay makikita na ang AYUNO ay isang kautusan sa sinomang TAO na nagnanais na
makipag-isa sa natatanging kalooban ng
Dios.
Sa panahon
nating ito, kung masusing sisiyasatin ang kaalaman ng marami ay makikita ng
napakaliwanag na ang pagka-unawa sa gawaing iyan ay wala sa kahustuhan. Dahil
diyan ay niloob ng Espiritu ang
maalab na pagnanais na bigyan ng kaukulang tanglaw ang usaping may ganap na
kinalaman sa salitang iyan.
ANO ANG AYUNO (FAST)?
Ang ayuno na tinutukoy sa bibliya ay
nag-ugat sa salitang Hebreo na, sum,
na ang kahulugan ay”upang takpan (to
cover)” ang bibig. Sa wikang Griego ay nesteuo,
na ang ibig sabihin ay “upang magpigil
(to abstain). Karaniwan itong ginagawa sa espiritual na layunin sa
pamamagitan ng hindi pagkain at hindi pag-inom (Esther 4:16). Ang araw ng pag-aayuno (day of atonement) ay
tinatawag din na “the fast” (Lev 23:27). Sa bagong tipan ay
nabanggit, na ang mga apostol ay gagawa ng personal na ayuno (Mat 9:14-15).
BAKIT NGA BA KAILANGAN NATIN ANG AYUNO?
Ang kawan ng Dios ay panaka-nakang
inilalahok ang mga panalangin sa pag-aayuno, sa layuning paigtingin ang masiglang
pagpupunyagi na papanumbalikin ang maalab nilang pakiki-isa sa Kaniya.
Ang sinoman ay nailalagay ng ganap ang sarili sa kapakumbabaan sa pamamagitan ng pag-aayuno. Makikita ng napakaliwanag sa banal na kasulatan (Tanakh), na ang mga tunay na banal, gaya nila Moses, Elias, Daniel, at iba pa ay nangag-ayuno upang mailapit ang kanilang mga sarili sa kaisaisang Dios ng langit.
Gayon din naman sa evangelio ni Mateo ay nasumpungan ng diyablo sa ilang si Jesus na nag-aayuno. (Exodus:34:28; 1Kings19:8; Daniel:9:3; Daniel:10:2-3, Mat 4:2-3).

ANG
AYUNO NA NINANAIS NG DIOS NA GAWIN NG MGA TAO
Ang ayuno ay kinapapalooban ng iba’t ibang kaparaanan at layunin. Na sinasabi,
ISA 58 :
3 Ano't kami ay nangagayuno, sabi nila, at hindi mo nakikita? ano't aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa, at hindi mo napapansin? Narito, sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa.
4. Narito, kayo'y nangagaayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo, at upang manakit ng suntok ng kasamaan: hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito, upang inyong iparating ang inyong tinig sa itaas.
5. Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugodlugod na araw sa Panginoon?
6 Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: NA KALAGIN ANG MGA TALI NG KASAMAAN, NA PAGAANIN ANG MGA PASAN AT PAPAGING LAYAIN ANG NAPIPIGHATI, AT IYONG ALISIN ANG LAHAT NA ATANG?
7 HINDI BAGA ANG MAGBAHAGI NG IYONG TINAPAY SA GUTOM AT DALHIN MO SA IYONG BAHAY ANG DUKHA NA WALANG TULUYAN? PAGKA NAKAKAKITA KA NG HUBAD, NA IYONG BIHISAN; AT HUWAG KANG MAGKUBLI SA IYONG KAPUWA-TAO?
Higit sa lahat, kung ang ninanais ng sinoman ay gumawa ng lalong kalugodlugod na mga gawa sa paningin ng Ama nating nasa langit – ang matuwid nga niyang gawin ay tupdin ang paraan ng ayuno na ipinagagawa ng Dios sa atin.
Sa itaas ay maliwanag na mababasa, na ang ayuno sa kaniyang paningin ay kalagin ang tali ng kasamaan, at ang bigkis na iyan ay makakalag lamang sa pamamagitan ng pagtangkilik, pagtataguyod, pagtatanggol, at pagsunod sa Kaniyang mga kautusan, na siya Niyang natatanging kalooban.
Ano mang
gawa sa makatuwid na hindi sinasang-ayunan ng mga kautusan (torah) ay lumalapat sa kalagayan ng masama. Kaya isang katotohanan
na matuwid mapag-unawa ng bawa’t isa, na ang ayuno alinsunod sa utos ng
Dios ay ang pagganap sa kautusan.
Tampok diyan ang maliwanag na paggawa ng mga bagay na may ganap na kinalaman sa pag-ibig sa kapuwa. Iyan ay hindi maituturing na kawang-gawa (charity), sapagka’t iyan ay napakaliwanag na pagsunod sa utos ng Dios.

Ang
kawang-gawa (charity) ay mula lamang sa sariling minamatuwid ng kanino mang kaisipan. Sa mga nakakakita nitong gawa ng kautusan –
maaari nga nilang sabihin na iyon ay kawang-gawa.
Datapuwa’t ang mandato ng gawang iyan ay lumalapat sa pagsunod sa kautusan. Diyan ay itinataas ang Dios, samantalang sa kawang-gawa ay itinataas ng sinoman ang
kaniyang sarili, upang sabihin ng nangakakita sa kaniyang mga gawa na siya ay sumasa Dios. Pagpapaimbabaw nga ang gayon, at hindi kailan man lumapat sa mandato ng ayuno.
ANG
BIYAYA SA KANINO MAN NG AYUNO NA PINILI NG DIOS
Mula sa ayunong iyan na iniuutos ng Dios na gawin ng mga tao ay may napakagandang kapakinabangan sa kaluluwa ninoman, na sinasabi,
ISA 58 :
8 Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; ANG KALUWALHATIAN NG PANGINOON AY MAGIGING IYONG BANTAY LIKOD.
9 Kung magkagayo'y TATAWAG KA, AT ANG PANGINOON AY SASAGOT; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, NARITO AKO, Kung iyong alisin sa gitna mo ang atang, ang pagtuturo at pagsasalita ng masama:
10 At kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo'y SISILANG ANG IYONG LIWANAG SA KADILIMAN, AT ANG IYONG KADILIMAN AY MAGIGING PARANG KATANGHALIANG TAPAT;
11 At PAPATNUBAYAN KA NG PANGINOON NA PALAGI, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.
Sa kahabaan ng mga kapanahunang nagsipagdaan ay sa pamamagitan nga lamang pala ng ayuno na iyan makakausap ng mga tao ang Dios. Sapagka’t tahasan Niyang sinabi,

“TATAWAG KA, AT ANG PANGINOON AY SASAGOT; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, NARITO AKO.”O hindi baga, harapang usapan ang ganyang kalakaran? Ang liwanag ay sisikat sa atin na parang katanghaliang tapat, at higit sa lahat tuwina ay papatnubayan Niya tayo. Sa makatuwid ay nandiyan ng lahat ang hinahanap natin, upang kamtin ang kaluwalhatian ng Dios na inaasam-asam ng lahat na makamit.
Gayon ngang
ang istruktura ng ayuno na iyan ay gaya ng mga sumusunod na paraan.
ANG AYUNO NA LAKIP ANG PANALANGIN
DAN 9 :
3 At AKING ITININGIN ANG AKING MUKHA SA PANGINOONG DIOS UPANG SA PAMAMAGITAN NG PANALANGIN AT NG MGA SAMO NG PAGAAYUNO, at pananamit ng magaspang, at ng abo (Isa 58:3-7)

4 At AKO'Y NANALANGIN SA PANGINOON KONG DIOS, at ako'y nagpahayag ng kasalanan, at nagsabi, Oh Panginoon, Dios na dakila at kakilakilabot, na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa iyo at nangagiingat ng iyong mga utos,
ANG AYUNO NA LAKIP ANG PAGPAPAHAYAG NG
KASALANAN, PAGBASA SA AKLAT NG KAUTUSAN (Torah) AT PAGSAMBA SA DIOS
NEH 9 :
1 Nang ikalawang pu't apat na araw nga ng buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno, at may pananamit na magaspang, at may lupa sa ulo nila (Isa 58:3-7).
2 At ang binhi ni Israel ay nagsihiwalay sa lahat na taga ibang bayan, at nagsitayo at nangagpahayag ng kanilang kasalanan, at ng mga kasamaan ng kanilang mga magulang.
3 At sila'y nagsitayo sa kanilang dako, at bumasa sa aklat ng kasulatan ng Panginoon nilang Dios ng isang ikaapat na bahagi ng araw; at ang isang ikaapat na bahagi ay nagpahayag ng kasalanan, at nagsisamba sa Panginoon nilang Dios.
Ayan, at lakip sa ayuno na pinili ng Dios ang panalangin, pagpapahayag ng kasalanan, pagbasa sa aklat ng kautusan (Torah) at ang pagsamba sa Dios.

Ang malinis na kaluluwa ay nilalapitan nitong Espiritu ng Dios, at sa pamamagitan ng ayunong iyan ay dinadalisay natin ang ating puso't isipan, at sa banal na kalagayang iyan ng sinoman ay magkakaroon ng ganap na katuparan sa ating mga sarili ang mga salita ng Dios na mababasa sa itaas, (Isa 58:6-7)
Diyan nga ay hindi nakaila na iba’t iba ang pamamaraan ng tao sa pag-ayuno, at sa mga iyon ay ang nabanggit na ayuno (Isa 58:6-7) ang siyang sinasang-ayunan nitong katotohanan ng Dios. Ang mga gawa ngang iyan ng pag-aayuno na mababasa sa (Daniel 9:3, Nehemia 9:1, ay mga anyo ng ayuno na hindi pinili ng Dios upang gawin ng sangkatauhan. Kaugnay niyan ay ang utos ng reyna na si Esther ang nakakagulat na ginawang pamantayan ng marami hinggil sa pag-aayuno.
Gaya ng napakaliwanag na nasusulat.
Est 4 :
16 Ikaw ay yumaon, pisanin mo ang lahat na Judio, na nangakaharap sa Susan, at IPAGAYUNO NINYO AKO, at HUWAG KAYONG MAGSIKAIN O MAGSIINOM MAN NA TATLONG ARAW, GABI O ARAW. ako naman at ang aking mga dalaga ay mangagaayuno ng gayon ding paraan; at sa gayo'y papasukin ko ang hari, na hindi ayon sa kautusan: at kung ako'y mamatay ay mamatay.
Maliwanag ayon sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh), na ang kaparaanang iyan ng pag-aayuno sa kapanahunan nitong si Esther ay isang tradisyon, o kaugalian lamang ng tao na kailan man ay hindi naging matuwid sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit. Utos lamang ng mga tao sa makatuwid ang ayuno na tumutukoy sa hindi pagkain at hindi pag-inom.
Gayon man, sa aklat, o sa evangelio nitong si Apostol Mateo ay nabanggit niya ang ginawang pag-aayuno ni Jesus, na sinasabi,

MAT 4 :
2 At nang siya'y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay nagutom siya.
Narito, at matapos na si Jesus ay bautimuhan ni Juan Bautista sa ilog Jordan ay bumaba sa kaniya ang Espiritu ng Dios, at siya’y inakay at inihatid nito sa ilang, upang mag-ayuno (Mat 4:1).
Ayon sa
pinili ng Ama na kaparaanan ng ayuno
ay makikita ng napakaliwanag, na ang lahat ay pinaiiwas sa masasamang gawa, na
kung lilinawin ay kailangang maging masigla at may galak sa puso na tumalima sa
kautusan (Torah). Ano pa’t itong si Jesus
matapos na bautismuhan ni Juan nitong bautismo ng pagsisisi sa kasalanan
ay dinala ng Espiritu ng Dios sa
ilang, upang mag-ayuno ng apat na pung (40) araw at apat na pung (40) gabi, bilang
paghahanda sa panunukso ng diyablo.
Sa ayuno
ngang iyon sa ilang ay pinabanal ni Jesus ang kaniyang sarili, at alinsunod sa
kautusan (Torah) ay nanalangin siya (Dan 9:3-4), at sumamba sa Dios (Neh 9:1-3).
Bunga niyan ay ang kabiguan ng manunukso (diyablo) sa layunin nitong pasunurin niya ang Cristo sa kaniyang nais na mangyari. Dulo nito'y nilisan niya si Jesus, at dumako sa sarili niyang lakad.
Bilang pagbibigay diin sa kabanalan na tinamo ni Jesus ay tahasan niyang sinabi,
JUAN 17 :
19 At dahil sa kanila'y PINABANAL KO ANG AKING SARILI upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan.
Kung ating masusing aanalisahin ang una at ang pangalawa ay makikita ng napakaliwanag, na ang sinoman ay kailangang paraanin sa bautismo ng pagsisisi ng kasalanan, bago niya gawin ang pinili ng Dios na ayuno. Sapagka’t hinggil sa mga gawa ay may madiing sinalita ang sariling bibig ni Jesus, na sinasabi,
JUAN 14:
12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ANG SA AKIN AY SUMASAMPALATAYA, AY GAGAWIN DIN NAMAN NIYA ANG MGA GAWANG AKING GINAWA, at LALONG DAKILANG MGA GAWA KAY SA RITO ANG GAGAWIN NIYA, sapagka't ako'y paroroon sa Ama.
Kung papaano si Jesus ay dumaan sa bautismo sa pagsisisi ng kasalanan, at kasunod nga niyon ay nag-ayuno siya ng apat na pung araw at apat na pung gabi – gayon din naman na ang sinomang sumasampalataya sa kaniya ay gagawin ang mga gawa niyang iyan.

Ang napakaliwanag na sinasabi dito ay kailangan ng sinomang tao ang “bautismo sa pagsisisi ng kasalanan”, at kasunod niyon ay ang “ayuno na siyang pinili ng Dios para sa lahat”. Kung ang sinoman ay gagawin ang gaya niyan ay maliwanag ngang siya’y gumawa ng mga gawa ni Jesus na may ganap na kinalaman sa usaping ito. Kalulugdan nga siya ng kaisaisang Dios ng langit.
Ang ayuno na pagpipigil sa pagkain at di-pag-inom ay isang kaugalian makatao na hindi kailan man iniutos ng Dios sa sinoman sa kalupaan. Sa kabilang dako, kahi man mababasa sa evangelio ng apostol na si Mateo ang gaya nito,
MATEO 4 :
2 At nang siya'y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi, SA WAKAS AY NAGUTOM SIYA.
Gayon man ay napakaliwanag ang binigyang diin ng kaisaisang Dios ng langit, na wasto at hustong pamamaraan ng pag-aayuno sa sangkatauhan. At iyan ang may diing wika ng sarili niyang bibig na mababasa sa ibaba,
ISA 58 :
6 Hindi baga ito ang ayuno na AKING PINILI: NA KALAGIN ANG MGA TALI NG KASAMAAN, NA PAGAANIN ANG MGA PASAN AT PAPAGING LAYAIN ANG NAPIPIGHATI, AT IYONG ALISIN ANG LAHAT NA ATANG?
HINDI BAGA ANG MAGBAHAGI NG IYONG TINAPAY SA GUTOM, AT DALHIN MO SA IYONG BAHAY ANG DUKHA NA WALANG TULUYAN? PAGKA NAKAKAKITA KA NG HUBAD, NA IYONG BIHISAN; AT HUWAG KANG MAGKUBLI SA IYONG KAPUWA-TAO?
Hayag sa buong sangkatauhan na itong si Jesus sa natatangi niyang kapanahunan ay isang tao na puspos ng dakilang kabanalan na sumasa Dios. Dahil diyan. mula sa likas na kalagayang tao ay isang hayag na katotohanan, at walang anomang pag-aalinlangan na ang pag-aayuno na pinili ng Dios (Isa 58:6-7) ang siyang isinagawa nitong si Jesus sa loob ng apatnapung (40) araw at apatnapung(40 gabi. Hindi maaari na piliin pa niya ang ayuno na ayon lamang sa kaugalian, o sali't saling sabi ng mga tao (tradisyon), kay sa wasto at hustong kaparaanan ng pag-aayuno na iniutos mismo ng kaisaisang Dios ng langit na gawin ng lahat.
Sapagka't hinggil sa kautusan ay tahasang ipinahayag ni Jesus ang kahalagahan nito sa kaniya. Na sinasabi,
MATEO 5 :
17 Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
18 Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

Si Jesus kung gayon ay hindi nilabag ang isa man sa mga utos ng kaisaisang Dios ng langit, kundi naparoon siya sa buong sangbahayan ni Israel sa layuning ganapin (sundin) ang kautusan. Sapagka't aniya'y tuldok man, ni kudlit man ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa ganap na matupad ng sangkatauhan ang pagsunod sa kaniyang mga utos.
Sa pag-aayuno ay may isang paglilinaw sa kaparaanan na ibinahagi nitong si Jesus sa mga kinauukulan, na sinasabi,
Mateo 6 :
16 Bukod dito, pagka kayo'y mangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasasma ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.
17 Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha.
18 Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakakita sa lihim, ay gagantihan ka.
Gaya nga niyan ay kailangan sa atin na maging masigla ang ating mga mukha, sapagka’t ang mga taong mapag-paimbabaw ay pinasasama ang kanilang mga mukha, upang maipakita sa marami na sila ay nagsisipag-ayuno. Datapuwa’t sa pag-aayuno ani Jesus ay langisan lamang ang ulo at hilamusan ang mukha, sa gayo’y hindi mahalata ng mga tao na ikaw ay nag-aayuno.
Kung lilinawin pa ay gaya nga nito ang wasto at hustong pag-aayuno. Alinsunod sa pinili ng Dios na ayuno ay susunod sa kautusan ang lahat na may malinis na mukha at pahid na langis sa kanilang ulo. Ano pa’t sa pagsunod sa kautusan ng Dios bilang ayuno ay may pangangailangan na gaya ng nasasaad sa istansang ito. Sa pagsunod ay huwag gawing may kalumbayan ang anyo ng ating mukha, bagkus ay gawing malinis at ipakita ang mukha na may magiliw na anyo.
Papaano nga ba natin maipapakita sa mga tao ang mukhang larawan ng kasiglahan at saya, kung tayo ay NANGHIHINA at NAMUMUTLA dahil sa matinding gutom at uhaw na sanhi ng huwad na ayuno. Ang anyong iyan ang ibinabawal ng Dios na makita ng mga tao, dahil sasabihin nila na ikaw ay nag-aayuno. Ang ayuno mula sa sariling bibig ni Jesus (Mat 6:16-18) kung gayon ay personal na sagradong gawain ng sinoman na isinasagawa sa lihim. Gaya ng ginawa ni Jesus, upang malihim ang kaniyang ginawang pag-aayuno ay tinupad niya ito sa ilang na walang sinomang tao ang maaaring makakita sa kaniya.
Sa wakas matapos na siya ay mag-ayuno ng apatnapung(40) araw, at apatnapung(40) gabi. SIYA AY NAGUTOM. Karaniwan lamang sa katapusan ng isang mahalagang gawain ay magutom at mauhaw ang sinoman. Hindi nangangahulugan na sa loob ng nabanggit na kapanahunan ay hindi man lang kumain at hindi man lang uminom itong si Jesus.
Katunayan nga nagutom lamang siya ayon sa kasulatan, at bakit hindi sinabi na matapos ang nabanggit na bilang ng mga araw at gabi ay nauhaw din siya. Katunayan lang iyan na sa panahong iyon ng pag-aayuno ni Jesus ay umiinom at kumakain siya. Sapagka't ang ginawa niya ay napakaliwanag na pagsunod sa iniutos ng Dios na paraan ng pag-aayuno, na mababasa sa Isa 58:6-7
Kaugnay niyan ay napakaliwanag na winika ng sariling bibig ni Jesus na may hustong diin ang mga sumusunod na pahayag.
JUAN 14 :
12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ANG SA AKIN AY SUMAMPALATAYA, AY GAGAWIN DIN NAMAN
NIYA ANG MGA GAWANG AKING GINAGAWA; at LALONG DAKILANG MGA GAWA KAY SA
RITO ANG GAGAWIN NIYA, sapagka’t
ako’y paroroon sa Ama.
Gayon ngang gawin ang mga ginawa ni Jesus, upang makilala na ang sinoman ay sumasampalataya sa mga salita (Katuruang Cristo) na mismo ay winika ng sarili niyang bibig. Hinggil diyan ay maliwanag na kailangan din naman nating mag-ayuno ng apatnapung (40) araw, at apatnapung(40) gabi. Sapagka't ayon sa hustong unawa ng katotohanan ay ginawa ni Jesus ang gayon. Tutularan nga natin siya ayon sa nasusulat. Nguni't sa paraan ng pag-aayuno na pinili ng Dios para sa lahat (Isa 58:6-7), datapuwa't hindi ang huwad na ayuno na tumutukoy sa hindi pagkain at hindi pag-inom, na ginagawa ng mga hindi nakakaunawa.
Ang katotohanan ay walang sinomang tao sa kalupaan na nakapag-ayuno ng apatnapung(40) araw at apatnapung(40) gabi na walang pagkain at tubig na isinisilid sa kaniyang tiyan. Ang gawang iyan sa makatuwid ay isang maliwanag na pagpapatiwakal lamang. Sapagka't pinatototohanan ng siyensiya, na ang tao ay tatagal lamang ng dalawmputisang (21) araw, kung siya'y iinom lamang ng tubig at hindi kakain ng anoman. Pitong (7) araw lamang ang itatagal ng buhay ng sinoman na hindi kakain at hindi iinom ng tubig. Gutom bilang protesta (Hunger strike) ang pinakamalapit na tawag diyan, at hindi kailan man lumapat sa dakilang anyo ng ayuno.
Ang Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kaniyang kabuoang pagkatao sa kapanahunang iyon ay hindi hangal, upang papag-ayunuhin ang sangkatauhan alinsunod sa hindi pagkain at hindi pag-inom sa loob ng nabanggit na bilang ng mga araw at gabi. Tiyak na kamatayan sa lahat ang hatid ng hidwang unawa na iyan sa nilalaman ng Mateo 4:2.
Itigil na nga ninyo ang pagganap sa karunungan ng sanglibutan (karunungang pangtao) alinsunod sa Katuruang Gentil, at ito'y halinhan ng pagtalima sa mga dakilang aral ng Katuruang Cristo na katotohanang nagpapaging banal na totoo sa sinoman.
MAG-AAYUNO
ANG MGA APOSTOL SA PAGPANAW NG CRISTO
Ang mga apostol sa pagpanaw ng Cristo ay magdadalamhati habang nagluluksa, at tinawag ni Jesus na ayuno ang gayon.
Ang mga apostol sa pagpanaw ng Cristo ay magdadalamhati habang nagluluksa, at tinawag ni Jesus na ayuno ang gayon.
Na sinasabi,
Mateo 9 :
14 Nang magkagayo'y nagsilapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan, na nangagsabi, Bakit kami at ang mga Fariseo ay nangagaayunong madalas, datapuwa't hindi nangagaayuno ang mga alagad mo?
15 At sinabi sa kanila ni Jesus, Mangyayari bagang mangagluksa ang mga abay sa kasalan, samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila? datapuwa't darating ang mga araw, na ang kasintahang lalake ay aalisin sa kanila, at kung magkagayo'y mangagaayuno sila.
Gaya ng nangyari, kahit na hindi nasulat, yamang sinalita ni Jesus sa pamamagitan ng Mateo 9:14-15. Walang alinlangan na sa kamatayan niya mula sa pagkakabayubay sa krus ay walang pagsalang nagluksa sa pagdadalamhati ang mga apostol. Isa sa makatuwid na anyo ng ayuno ang sinalita niyang iyan, tungkol sa gagawin ng kaniyang mga alagad kung siya ay namatay na.
Minsan nga lamang ang nabanggit na ayuno, at iyan ay nang lisanin ng buhay itong si Jesus. Ano pa't ang anyo ng ayuno na iyan ay ukol lamang sa mga saksing totoo nitong si Jesus mula sa natatangi niyang kapanahunan. Hindi natin gagawin iyan, nang dahil sa ang Cristong si Jesus ay malaon ng pinag-luksaan at pinagdalamhatian ng mga alagad.
Gagawin natin ang alinsunod sa pinili ng Dios na uri ng pag-aayuno na nasasaad sa Isa 58:6-7). Gawin nga rin natin ang mga gawa ni Jesus, upang mapag-alaman ng Dios na tayo ay sumasampalataya sa kaniya (Jesus).
Sa pangkalahatang pananaw (general view), ang ginampanan ni Jesus na ministeriyo sa buong sanbahayan ni Israel ay isang napakabanal na gawaing tumutukoy ng ganap sa pag-aayuno.
Ang kaugalian ay kaugalian, nguni't kung ito'y masumpungan na gawaing hindi sinasang-ayunan nitong katuwiran ng Dios (Tanakh). Kapagdaka'y talikuran at iwan, upang bigyang puwang ang mga payak na gawa, na ikinalulugod ng Ama nating nasa langit.
ITO ANG KATURUANG CRISTO AYON SA ABOT-SABI NG BANAL NA ESPIRITU.
Patuloy nawang kamtin ng bawa’t isa ang anyo at wangis ng Ama, na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.

Hanggang sa
muli, paalam.
Para sa inyong pakikibahagi at suporta sa sagradong gawaing ito. Click here
Para sa inyong pakikibahagi at suporta sa sagradong gawaing ito. Click here
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento