Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Idolatry. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Idolatry. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Abril 2, 2017

SAAN NANGGALING ANG PISTA NG “EASTER”


Lighting of Easter Candles
Taun-taon, tuwing panahon ng tagsibul (Spring) ay ipinagdiriwang ng mga Katoliko ang Mahal na Araw (Holy Week, Holy Days) at ito'y binubuo ng pitong (7) magkakasunod na araw mula Lunes hanggang Linggo. Ang huling araw nito'y tinatawag na Linggo ng muling pagkabuhay ni Jesucristo (Easter Sunday). Ang pistang nabanggit ay karaniwang tumatapat sa buwan ng Marso, kundi nama'y sa buwan ng Abril. Palibhasa, ang mga buwang ito'y sinasakop ng tagsibul (Spring) sa mga bansang may apat (4) na taunang yugto ng panahon. Ang Linggo na siyang huling araw ng kapistahan ay nakaugailang tawagin ng mga Ingles na 'Easter Sunday,' at kung saan nag-ugat ang salitang ito'y siya naming sa inyo ngayo'y liliwanagin.

Ang salitang “Easter” (Paskua ng Pagkabuhay) ay nag-ugat sa sinaunang relihiyong politeyismo (pagsamba sa maraming dios ng mga pagano), na sinasang-ayunang lubos at binibigyang diin  ng lahat ng mga iskolar. Ang salitang nabanggit ay hindi kailan man ginamit sa orihinal na kasulatan (Scriptures), at saan ma’y hindi nagkaroon ng kaugnayan sa anomang minamatuwid ng mga balumbon ng banal na kasulatan (biblia). Dahil dito ay tama lamang na gamitin ang terminong “Resurrection Sunday” (Linggo ng muling pagkabuhay) kay sa “Easter” (Paskua ng pagkabuhay), kung tinutukoy ang taunang pag-aalaala ng mga Kristiano sa pagkabuhay na muli ng Cristo.

Miyerkules, Oktubre 2, 2013

KAUTUSAN LABAN SA PAGANISMO (Idolatriya at iba pa)


Mga paunang salita:
Matuwid na layunin naming ilahad lamang sa mga kinauukulan ang mga salita (evangelio ng kaharian) na ipinangaral ng sariling bibig ng mga tunay na banal. Mga katiwatiwalang katunayang biblikal (Tanakh) lamang ang tangi naming pinagbatayan sa pagbabalangkas at pagbuo ng akdang ito. Hindi namin kailan man hinangad, o ninais na atakihin, ni husgahan man ang mga doktrinang pangrelihiyon na tinitindigang matibay ng marami. 

Anomang pahayag mula sa amin na mababasa sa artikulong ito ay may lubhang matibay at kongkretong batayang biblikal. Dahil diyan ay maliwanag na ang aral pangkabanalan na ipinangaral ng mga banal ng Dios ang siyang humuhusga sa pilipit na pagka-unawa ng marami sa salitang “ matuwid, at katotohanan.” Hindi namin kailan man hingangad na ilagay sa kahiyahiya at abang kalagayan ang aming kapuwa. Kundi sa pagnanais na maghayag lamang ng mga salita ng Dios na nauukol ng lubos sa sangkatauhan.


Mula sa 613 na Kautusan ni Moses na nasusulat sa kabuoan ng Torah (five books of Moses) ay mababasa sa ibaba ang mga piling kautusan na may ganap na kinalaman sa karumaldumal na Paganismo (idolatriya at iba pa). Diyan nga ay napakaliwanag ang mga salita ng Dios na iniuutos niya sa lahat ng tao sa kalupaan, gaya ng nasusulat sa sumusunod na talata,

Martes, Hunyo 18, 2013

PAANO NAUUWI SA IDOLATRIYA ANG PAGSAMBA SA DIOS


Mula sa salansan ng mga banal na kasulatan(Tanakh) ay mahigpit na ipinagbabawal ng kaisaisang Dios ang pagsamba sa larawan at rebulto ng mga diosdiosan na ginawa ng mga kamay. Gayon ma’y mistulang mga bulag at bingi ang marami sa kabawalang iyan ng Bibliya. Ito’y dahil sa tila hindi nila alintana ang tuwirang salita ng Dios (evangelio ng kaharian) na sumasaway sa gayong kasuklamsuklam na gawain ng mga tao. Bunga nito’y sumisiklab ang galit ng ating Ama sa marami na tanging kadahilanan, upang sa kanila na mga anak ng pagsuway ay ipataw ang kaukulang kaparusahan.

Kung ang isa sa mga kabawalan (kautusan) ay madiing tinutukoy ang pagsamba sa mga rebulto (imahe) ng mga diosdiosan - ang matuwid diyan ay ang masigla at malugod na pagsunod. Dangan nga lamang ay kinurap ng mga pilipit na doktrinang pangrelihiyon ang isipan at damdamin ng marami. Kaya naman kailan ma’y hindi naging malinaw sa kanila ang usaping iyan na may ganap na kinalaman sa karumaldumal na idolatriya.

Ano nga ba ang tunay na kahulugan nito? Paano nauuwi sa ganyang di makatotohanan at nakamumuhing kaugalian ang pagsamba ng mga tao sa kinikilala nilang Dios?

Biyernes, Enero 25, 2013

ROBIN HOOD SYNDROME


Paunang salita
Hindi namin layunin na gibain ang paninindigan ng marami, ni ilagay man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus ay maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Hindi namin kailan man hinangad na husgahan ang sinoman, palibhasa'y ang mga salita ng Dios na isinatinig ng mga banal ang siyang humuhusga sa mga karumaldumal ng marami. Nawa'y maunawaan ng lahat na kami'y alingawngaw lamang ng mga katotohanang isinigaw at isinatitik nilang mga totoong banal na nabuhay sa malayo at malapit na kapanahunan.

Sa alamat ng mga Ingles ng Inglatiera ay may ipinakilalang magaling at mapagkawang-gawang lalake, na umano'y nagkakanlong at naninirahan sa Sherwood Forest ng Nottinghamshire. Ang taong iyon ayon sa kuwento ay tanyag sa pagiging isang mamamana at eskrimador. Nitong unang bahagi ng ika-19 na siglo ay kinilala siya bilang isang “tulisan na dumadambong sa mayayaman at ipinamamahagi sa mahihirap ang mga kinulimbat niyang yaman.” Ito’y sa tulong ng pinamumunuan niyang pangkat ng mga bandido, na sikat sa tawag na Merry Men. Ang pulutong na iyon ay inilalarawan na taglay sa kanilang katawan ang Lincoln green na kasuotan.

Siya ay walang iba, kundi si Robin Hood (Robyn Hode sa mga lumang manuskrito),  na malabis ang pakikidalamhati sa kaawa-awang kalagayan ng mga kapos palad niyang kababayan. Sukat upang siya’y itulak ng damdaming iyon sa isang gawain na kailan ma’y hindi sinang-ayunan ng matuwid. Palibhasa, mula sa sampu (10) ay paglabag iyon sa pangwalong (8) kautusan ng Dios na may kahigpitan Niyang ipinatutupad sa lahat ng tao sa kalupaan.

Lunes, Disyembre 3, 2012

BIRHENG MARIA



Paunang salita
Hindi namin layunin na gibain ang paninindigan ng marami, ni ilagay man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus ay maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Hindi namin hinangad na husgahan ang sinoman, palibhasa'y ang mga salita ng Dios na isinatinig ng mga banal ang siyang humuhusga sa mga karumaldumal ng marami. Nawa'y maunawaan ng lahat na kami'y alingawngaw lamang ng mga katotohanang isinigaw at isinatitik nilang mga totoong banal na nabuhay sa malayo at malapit na kapanahunan.

Ang isa sa pangunahing layunin ng kababaihan ay dalhin sa kanilang sinapupunan ang binhi ng buhay alinsunod sa kalooban ng Dios. Ito’y maluwalhating kinakalinga at pinagpapala ng kaniyang kabuoan sa loob ng siyam (9) na buwan – hanggang sa ang punlang iyon ay lumaki at isilang sa maliwanag. Ang babae sa gayong kapamaraanan ng lumikha ay nagiging ganap na “ina” at ang isinilang niyang sanggol – lalake man o babae ay kikilalanin at tatawagin niyang “anak.”

Bilang babae, gaya nga rin ng birheng Maria, ayon sa kalooban ng Dios ay dinala ng kaniyang sinapupunan ang sanggol na pinangalanang Jesus. Ang batang nabanggit ay gumanap bilang isa sa pinakamahalagang tauhan ng lumipas na lubhang malayong kapanahunan. Siya ay kinilala ng marami bilang isang matapat na lingkod ng Dios (propeta). Ang iba naman ay higit pa kay sa roon ang ginawang pagkilala at pagtanggap sa kaniya, dahil sa siya’y inari nilang bugtong na anak ng Dios (Dios Anak) at Dios na totoo.

Biyernes, Abril 13, 2012

BAGONG ANYO NG PAGSAMBA KAY JESUS


Sister Faustina

Sa anunsiyo ng Vatican, si Sister Mary Faustina daw ay apostol nitong Sagradong Awa (Divine Mercy), na sa kasalukuyan ay nabibilang sa kalipunan ng tanyag at kilalang santo ng simbahang Katoliko. Sa pamamagitan niya ay naihahayag ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan ang kaawaan ng Dios (God’s mercy), at gayon ding ipakita ang padron nitong kaganapan ng Cristiano (Christian perfection) batay sa masiglang pagtitiwala sa Dios, at sa pagpapadama ng biyaya sa kapuwa.

Diin ng Vatican, ang Panginoong Jesus ay hinirang si Sister Mary Faustina bilang apostol at kalihim ng kaniyang biyaya, nang sa gayo’y mailahad niya sa sangkatauhan ang tungkol sa dakila Niyang mensahe. 

Ang wika umano ng Panginoong Jesus sa kaniya, gaya ng mababasa sa ibaba.

“In the old covenant I sent prophets wielding thunderbolts to My people. Today I am sending you with My mercy to the people of the whole world. I do not want to punish aching mankind, but I desire to heal it, pressing it to My Merciful Heart….(Diary 1588)