Sa mga balumbon ng Tanakh, ang YHVH (Yod, Hey, Vav, at Hey) ay ang walang hanggang pangalan (Exo 3:15) ng kaisaisang Dios na Ama nating nasa
langit. Nang Kaniyang atasan si
Moises bilang sugo ng pagpapalaya sa sangbahayan ni Israel mula sa pagka-alipin
nitong Paraon ng Egipto – niliwanag at tiniyak ni YEHOVAH (YHVH) na siya na nga
at wala ng iba pa ang sa kaniya (Moises) ay nakikipag-usap. Ito ay sa
pamamagitan ng mga katagang, “ehyeh-asher-ehyeh” (I am who I am). Ang
kahulugan nito sa atin ay “Ako yaong Ako
nga,” na tuwirang nagsasabing Siya,
na kausap ni Moises ay walang iba, kundi si YEHOVAH (YHVH).
Ang salitang “ehyeh-asher-ehye” ay napakaliwanag na hindi kailan man tumukoy sa
pangalan ng Dios at katotohanan na iyan ay hindi pangalan, kundi mga salita na
mariing nagsasabing si YEHOVAH ang kausap ni Moises sa mga sandaling iyon sa
taluktok ng bundok Sinai. Ito’y para na rin niyang sinabi “Moises, Ako yaong Ako nga, Ako nga si YEHOVAH na ngayo’y nakikipag-usap
sa iyo, na Dios ng iyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at
ng Dios ni Jacob.” Sa makatuwid ay lubos niyang ipina-uunawa na, "Ang pangalan ko (YEHOVAH) ay katunayan na ako ay umiiral (My name [YEHOVAH] is the fact that I exist.)"