Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katotohanan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katotohanan. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Abril 11, 2025

Ang Apat na Haligi ng Tunay na Katuruan ni Cristo: Kautusan, Pananampalataya, Bautismo, at Ang Kaniyang Tunay na Pagkatao


Tuklasin ang di-natitinag na pundasyon ng orihinal na ebanghelyo ng Mesiyas—walang halong tradisyon, at hindi nadungisan ng mga huling doktrina. Magbalik sa tunay na mga salita ni Jesus, na nakaugat sa Kautusan, pinalakas ng Pananampalataya, tinupad sa Bautismo, at inihayag sa Kaniyang likas na kalagayan bilang tao.



Ang Apat na Haligi ng Tunay na Katuruan ni Cristo: Kautusan, Pananampalataya, Bautismo, at Ang Kaniyang Tunay na Pagkatao

Panimula

Ang mga katuruan ng historical na Jesus ay nabalot ng mga patong ng tradisyong gawa ng tao, pilosopiya, at mga huling pagpapakahulugan sa paglipas ng mga salinlahi. Ngunit paano kung tayo'y bumalik sa pinagmulan? Sa pinakapundasyon ng Kaniyang aral? Doon natin matatagpuan ang apat na di-nagbabagong katotohanan—mga haliging nagtataguyod ng tunay na ebanghelyo ni Cristo: Ang Kautusan, Pananampalataya, Bautismo, at Ang Kaniyang Tunay na Pagkatao. Hindi ito mga imbensiyong teolohikal—ito'y mga katotohanang namutawi sa sariling bibig ni Jesus, pinagtibay ng Tanakh, at pinatotohanan ng mga saksi.

Lunes, Hulyo 16, 2018

ANAK NG DIOS



Sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) nitong sangbahayan ni Israel ay hindi kakaunting ulit na tinukoy ang tungkol sa mga anak ng Dios. Bagay na maaaring gawing matibay na katunayan sa pagpapatotoo sa mga tema na may kinalaman sa usaping ito. Gayon ngang maliwanag na binibigyang diin ng mga nabanggit na kasulatan, na ang lahat ng tao ay anak. Dangan nga lamang ay mayroong anak ng pagsunod (tupa) at anak ng pagsuway (kambing)

Sa dalawang hanay nga lamang na iyan maaaring kilalanin ang anak. Kaugnay niyan, tiyak ngang anak ng Dios ang sinomang tao sa mundo, nguni’t ang tanong ay ito. Siya ba’y masiglang dumadako sa pagsunod, o nahuhumaling sa karumaldumal na pagsuway sa natatanging kalooban (kautusan) ng sarili niyang Ama na nasa langit?


Sa pagpalaot natin sa kalawakan ng usaping ito’y sulyapan nga muna natin ang ilang patotoong biblikal, hinggil sa pagbibigay diin ng mga lumang kasulatan (Torah), na sa simula pa nga lamang ay masigla ng umiiral ang eksistensiya ng mga anak ng Dios.

Huwebes, Setyembre 29, 2016

NR 005 SAN PABLO: PASIMUNO NG DAGDAG/BAWAS?

Courtesy of Google Images
PAALALA:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, sirain, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. Gayon din naman na nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus.  

Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios (katuruang Cristo) na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal. 

Sa mga balumbon ng Tanakh, na tanyag sa katawagang Lumang Tipan ng Bibliya (OT). Isang napakahigpit na kautusan ng kaisa-isang Dios, na ang sinoman ay huwag masumpungan na nagdadagdag at nagbabawas ng Kaniyang mga salita, na isinatinig ng mga kinikilala Niyang tunay na banal.

Ang sinoman ngang masumpungan sa gayong di makatotohanan at kasuklamsuklam na mga gawa ay tinatawag ng Dios na “SINUNGALING.” Sila’y nagkakatipon na lahat sa dako ng mga nangaghihimagsik at nagpapawalang kabuluhan sa natatanging katuwiran ng Ama nating nasa langit. Sila kung gayon ay maipasisiya na nabibilang sa mga labis Niyang kinapopootan at pinatutungkulan ng Kaniyang mga matutuwid na kahatulan at masasaklap na kaparusahan.

Courtesy of Google Images
Sa artikulong ito bilang 005 ay muli naming ilalahad sa maliwanag ang isa pa sa hindi kakaunting dagdag/bawas na ginawa ni Pablo sa mga nilalaman nitong Tanakh ng Dios (OT). Hindi upang siya’y atakihin, ni ilagay man siya sa kahiyahiyang kalagayan. Kundi upang ibunyag sa maliwanag ang mga lalang niya ng kaniyang kadayaan, kasinungalingan, at pagpapawalang kabuluhan sa salita ng Dios na isinatinig ng mga tunay na banal.

Sabado, Agosto 6, 2016

SABBATH NG CRISTIANO, PAGLABAG SA PANG-APAT (4) NA KAUTUSAN

Napakaliwanag at hindi maaaring pasinungalingan ng sinoman, na ang Ama (Dios) na umano'y sinasamba ng mga Judio at ng mga Cristiano ni Pablo ay iisa. Sa pahayag na ito'y dito lamang ang dalawa (2) nagkakaroon ng pagkakaunawaan, na hindi pinagsimulan ng anomang pagtatalo. Gayon man, sa isa't isa ay lubhang malaki ang pagkakaiba ng katuruan na tumutukoy sa larangan ng tunay na kabanalan. Halimbawa ay ang usapin na sa inyo ngayo'y bibigyan ng kaukulang tanglaw.

Hinggil nga dito ay nalalaman ng lahat na ang unang araw ng isang linggo ay linggo (Sunday), gayon din naman ang ikapitong-araw ay sabado (Saturday). Kaugnay nito'y malinaw na nasasaad sa balumbon ng mga banal na kasulatan ng mga anak ni Israel ang tungkol sa banal na araw (Sabbath) sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit.

Sabado, Hulyo 2, 2016

KATURUANG CRISTO: ANYO NG KATOTOHANAN

AYON SA ABOT-SABI NG BANAL NA ESPIRITU.

Mula pa sa panahon ng lubhang malayong nakaraan at hanggang sa kasalukuyan nating henerayon ay isa pa ring napakalaking usapin sa maraming tao ng sanglibutan ang eksaktong biblikal na kahulugan ng salitang,
“katotohanan.” Gayon man, kung ang mga sinulat ng mga tunay na apostol ng Cristo ang siyang bibigyan ng kaukulang higit na pag-susuri at pag-aaral, ay hindi mahirap mapag-unawa ng may kaganapan ang tila baga walang katapusan na paksang iyan.

Hinggil diyan, ang marami ay may kani-kaniyang pagpapahayag ng mga opinyon, na ayon lamang sa minamabuti at hinahaka nilang tama. Ang mga iyon ay batay lamang sa iba’t ibang antas ng karunungan na naabot ng sinoman sa kalupaang ito. Subali’t ang mga iyon ay hindi kailan man sinang-ayunan ng katuwirang sumasa Dios, na direktang ipinangaral ng mga tunay na banal (apostol) sa iba’t ibang nangagsilipas na kapanahunan, ni malayo man o malapit. Hanggang sa ngayon nga sa panahon nating ito ay tila walang ipinagbago ang napakababaw na unawa at pakahulugan ng marami sa nabanggit na salita (katotohanan).

Bunsod niyan ay masiglang pasiya ng katuwiran na tanglawan ng kaukulang ilaw ang usaping iyan, upang mula sa hustong liwanag nito ay masaksihan ng may ganap na linaw ang dako, na kung saan ay masusumpungan ang payak na kahulugang biblikal ng salitang iyan.

Mula sa evangelio ng ating mga saksing totoo sa buhay nitong Cristo ng Nazaret, ay itutuon natin ang mga rayos ng liwanag sa mga bahagi ng usapin na nakakanlungan ng malalabong unawa, na siyang nagpapanatili ng pilipit na pangangatuwiran ng higit na nakakarami.

Hinggil sa katotohanan, gaya ng napakaliwanag na nasusulat ay madiing winika nitong banal na Espiritu mula sa sariling bibig ng Cristo.

Martes, Abril 19, 2016

ANG PAGKABUHAY NA MAGULI NG MGA PATAY (resurrection)

Tungkol sa usaping ito, sa 1 Cor 15:24-44 ay gayon ani Pablo sa pagkabuhay na maguli ay itinatanim (inililibing) na may kasiraan, at binubuhay na walang kasiraan. Na kung lilinawin ay namatay at inilibing na makasalanan, datapuwa't sa pagkabuhay na maguli ng mga patay sa mga huling araw (paghuhuykom) ay mabubuhay na taglay ang kabanalan.

Kung gayon sa minamatuwid ng taong ito’y maliwanag niyang sinabi, na si Jesucristo bilang isang halimbawa at padron ng katotohanan, ay namatay na makasalanan (may kasiraan), at binuhay ng Dios na puspos ng kabanalan (walang kasiraan).

Ang tao nga rin aniya’y namamatay at inililibing na may kasiphayuan, at binubuhay na may kaluwalhatian. Gayon nga ring inililibing na may kahinaan, at binubuhay na may kapangyarihan. Datapuwa’t itong si Jesus na siya nating halimbawa sa pagkabuhay mula sa mga patay ay namatay na may kasiphayuan at nabuhay na may kaluwalhatian.


Linggo, Marso 20, 2016

ANG UMANO’Y PAGBABALIK NI JESUCRISTO SA NASASAKUPANG PANAHON NI PABLO

1 Tes 4 :
15  Sapagka’t ito’y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon (Jesus), na tayong nangabubuhay, na nangatira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.

1 Cor 4 :
Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa’t  isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.

Martes, Pebrero 16, 2016

NR004 SAN PABLO PASIMUNO NG DAGDAG/BAWAS?

PAALALA:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. 

Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus.  

Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal. 


Mula sa sulat ni Pablo sa mga taga Roma ay may ginamit siyang ilang talata galing sa Awit ni David. Diyan ay maliwanag na makikita, kung paano nagkakaroon ng malaking pagbabago ang kahulugan ng teksto na ginagamit niya, upang gawing patibayang aral sa kaniyang mga sulat. 

Ang hindi maikakailang katotohanan sa usaping ito ay binabago ni Pablo ang partikular na mga bahagi ng kasulatan, sa layuning pagtibayin ang likha niyang doktrinang pangrelihiyon. Sa gayon ay aakalain ng mga bumabasa, na ang patibayan niyang aral ay eksaktong teksto na mula sa Tanakh (OT), 

Totoo nga na teksto ng Tanakh ang ginagamit niyang mga patotoo, nguni't iyon ay may dagdag at may bawas na. Sa madaling salita ay may halo ng kasinungalingan ang anomang teksto ng Tanakh na ginagamit niyang patotoo sa kaniyang mga sulat. Iyon umano ay sa layunin niyang pagtibayin sa mga bumabasa ang iginigiit niyang aral pangkabanalan.

Narito ang isa pang halimbawa ng ilang talata mula sa Awit ni David, na iniba niya ang orihinal na konteksto sa pamamagitan ng pagdadagdag at pagbabawas ng mga salita.

Sabado, Agosto 1, 2015

NR 002 – SAN PABLO: PASIMUNO NG DAGDAG/BAWAS?

PAALALA:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, sirain, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus.  

Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal. 

Narito, at sa artikulo bilang 002 ay sinulatan ni Pablo ang mga taga Efeso, na sa kanila ay binibigyan niya ng diin ang pagiging isang mapagpalang Dios nitong si Jesus. Na nang siya (Jesus) aniya’y umakyat sa kaitaasan ng langit ay dinala niyang gayon ang mga bihag. 

Kasunod nito’y NAGBIGAY aniya siya ng mga kaloob sa mga tao. Pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y ebangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro. Si Jesus nga ayon sa nabanggit na sulat ay hindi TUMANGGAP, mana pa ay NAGKALOOB ng biyaya sa mga tao.

Sa biglang tingin ay tila isang napaka sagradong pahayag ang sinalitang iyon nitong si Pablo sa mga taga Efeso, nguni’t ang katotohanan diyan ay pinitas lamang niya ang pahayag na iyan sa Awit 68:18.

Miyerkules, Hulyo 15, 2015

NR 003 SAN PABLO: PASIMUNO NG DAGDAG/BAWAS?

PAALALA:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus.  

Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal. 

Mula noong una hanggang sa kasalukuyang panahon ay isa pa ring lubhang malaking usapin, kung ang kautusan nga ba ay balido pa, o hindi na. Ayon sa mga Cristiano ni Pablo ay gayon ngang ang kautusan (torah) ay wala ng anomang kabuluhan pa. Anila, ito’y dahil sa kawalan nito ng kapakinabangan sa natatangi nitong layunin, na maghatid ng kanino mang kaluluwa sa buhay na walang hanggan sa kaluwalhatian ng langit.

Matibay ang paninindigan ng marami na ang kautusan (Torah) ay niluma na nga ng panahon at sa kalagayang iyan ay nangailangan na nga ng higit na magaling na pag-asa ang sangkatauhan, para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapatawaran ng mga kasalanan.

Gayon man ay madami pa rin ang nananalig at naninindigan, na ang kautusan (Torah) ay hindi kailan man dumako sa kalagayan ng katandaan, upang ito’y halinhan ng bagong mga kautusan. Iyan nga ay pinaniniwalaan pa rin ng marami, na ang kautusan ng Dios (Torah) ay nangatatatag magpakailan kailan man.

Ang akdang ito bilang 003, ay kabilang sa serye ng mga artikulo na tumatalakay sa talamak na dagdag/bawas sa mga salita ng Tanakh (OT). Dito ay muli naming tatanglawan ng kaukulang liwanag ang ilang talata na mababasa sa Kabanata 10 ng “Sa mga Hebreo.”  

Sa mga talatang tatalakayin sa ibaba ay pinangangatuwiranan nitong si Pablo, na ang kautusan nga ay wala ng anomang katumpakan pa sa kaniyang sarili. Iyan umano ay dahil sa natapos na ang period ng kautusan (Torah) at ng mga propeta (Nevi'im), at hinalinhan na nga nitong panahon ng pananampalataya mula sa nasasakupan nitong era ng mga Cristiano.

Lunes, Hulyo 6, 2015

NR. 001 SAN PABLO: PASIMUNO NG DAGDAG/BAWAS?

PAALALA:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus.  

Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal. 

Mula sa kasagsagan ng mga panahong nagsilipas ay makikita ng napakaliwanag ang pagkilala kay San Pablo, bilang isang matuwid na lingkod ng Dios. Siya ay itininuturing ng higit na nakakarami na isang santo ng simbahang katoliko. Kinikilala din siya sa gayong kabanal na kalagayan ng iba’t ibang samahan na nabibilang sa malaking kalipunan ng Cristiano ni Pablo.

Sa kabila ng katanyagan ng taong iyan sa larangan ng Cristianismo ay matuwid na tanggapin ng lahat, na may madidilim pa rin na bahagi ng kaniyang pagkatao na hindi napapag-unawa ng higit na nakakarami. Nandiyan ang hayagan niyang paghihimagsik sa mga aral na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo. Nandiyan din ang pagbabawas at pagdaragdag ng mga salita sa teksto ng mga propeta,” na ginawa naman niyang patibayang aral sa kaniyang mga sulat.

Bilang simula, ang usapin hinggil sa dagdag-bawas ng mga salita, ang sa inyo ngayon ay aming tatanglawan ng napakaliwanag na ilaw. Iyan ang isa sa madilim na bahagi ng pagkatao nitong si Pablo, na noon pa mang una ay pinagtakpan na ng mga pagano at gentil na kabalahibo niya. Hanggang sa ngayon ay tila mga bulag sa katotohanang iyan ang mga tao na kumikilala sa kaniya bilang isang banal ng Dios.

Martes, Hunyo 16, 2015

SI JESUCRISTO, O SI PABLO BA ANG SUSUNDIN?

Ang katotohanan hinggil sa larangan na tumutukoy sa tunay na kabanalan ay nasasalalay sa kung sino ang ating paniniwalaan at susundin. Nariyan si Jesus na naghayag ng katuruang Cristo (evangelio ng kaharian) at si Pablo na nagturo ng katuruang Pablo (evangelio ng di-pagtutuli).

Sa hindi inaasahang pangyayari ay pinaghalo ng marami ang dalawang katuruan na nabanggit. Dahil diyan ay nagkaroon ng napakalaking pagkalito ang sangkatauhan. Sukat upang iyan ay pagsimulan ng tila walang katapusan na pagtatalo sa pagitan ng mga denominasyong Cristiano. Gaya nila ang mga mababangis na hayop sa parang na nagsasakmalan sa isa't isa araw at gabil.

Kaugnay niyan 
ay minabuti ng katarungang sumasa Dios na bigyang linaw sa isipan ng lahat ang katotohanan na karapatdapat isabuhay, tangkilikin, itaguyod, ipagtanggol, ipangaral, at higit sa lahat ay sundin. Iyan ay walang iba, kundi ang KATURUANG CRISTO.

Sa dakong ibaba ay napakaliwanag ang nasasaad na paghahambing ng KATURUANG CRISTO at KATURUANG PABLO. Diyan ay hindi mahirap makita, kung paano walang pakundangan na pinaghihimagsikan nitong si Pablo ang mga salita (evangelio ng kaharian) na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo.

Biyernes, Mayo 3, 2013

KAILANGANG PAG-ARALAN ANG BIBLIYA


Mahalagang Paalala:

Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang tunay na banal ng Dios

Kailan ma'y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindigan na doktrinang pangrelihiyon ng sinoman.

Gayon din namang nais naming liwanagin lamang na wala kaming anomang laban, ni paghihimagsik man sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus. Bukod pa doon ay wala na kaming iba pang ninanais na mangyari pa.

Kung siya man ang tila sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral ay may hayagang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal

Ang akdang ito ay napakaliwanag na hindi kailan man dumako sa mapanirang panghuhusga ng kapuwa, kundi sa layong tanglawan lamang sa isipan at pang-unawa ng lahat ang hindi kakaunting bagay ng Dios na malaon ng pinipilipit at niwawalang kabuluhan ng marami.

Dahil diyan ay lubha ngang mahalaga sa sinoman na masusing siyasatin at pag-aralan ang nilalaman ng bibliya.

Batid nyo ba na sa Biblia ay nasusulat ang pinaghalong salita ng Dios at sariling pakiwari ng tao? Sa paglalahok ng dalawang iyan ay lubhang marami ang nailigaw sa katotohanan. Sapagka't nauuwi sa wala ang salita ng Dios, nang dahil sa minamatuwid na hidwang paniniwala ng ilang nagsulat ng Bagong Tipan. Dahil sa anomalyang iyan ay dapat mag-aral ng Biblia (Tanakh), upang matutunan natin kung papaano mapapaghiwalay ang sariling palapalagay ng tao na nagpapawalang kabuluhan sa mga salita ng Dios.

Pangalawa'y dapat maliwanagan ng lahat, na sa bagong tipan ay masusumpungan ang mga daya ng kasinungalingan na idinagdag at ibinawas sa mga teksto ng Lumang Tipan. 


Ang mga iyan ay napatunayang ginawang patibayang aral ni Pablo sa lahat niyang mga sulat. Gayon din ang walang pakundangang pagsasalarawan ng gayong karumaldumal sa sulat na pinamagatang, "SA MGA HEBREO."

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan natin ang tumpak at batay sa katibayan biblikal na pag-aaral ng bibliya (precise and evidence-based bible study).

Nang sa gayo'y makatiyak tayo na ang mga ginagamit nating patibayang aral ay walang halong mapanlinlang na kasinungalingan ng ilang karakter ng Bagong Tipan. 

Kaugnay nito ay hindi katotohanan na ang lahat ng nagsulat sa Bibliya ay inspirado ng Espiritu Santo, kundi ang ilan sa kanila'y inspirado ng diyablo. Sapagka't taglay ng kanilang salita ang kasuklamsuklam na kasinungalingan na lumalayon sa karumaldumal na pandaraya. 

Akala tuloy ng marami ay katotohanan ang mga katunayang biblikal na kanilang ipinakikipaglaban - yun pala'y pinaglubidlubid lamang na kasinungalingan, na ang layunin ay pilipitin ang katotohanan at kaladkarin sa tiyak na kapahamakan ang kaluluwa ng kanilang kapuwa. 

Sabado, Abril 27, 2013

WALA NA BANG KABULUHAN ANG LUMANG TIPAN?


Mga paunang salita:
Matuwid na layunin naming ilahad lamang sa mga kinauukulan ang mga salita (evangelio ng kaharian) na ipinangaral ng sariling bibig ni Jesus. Mga katiwatiwalang katunayang biblikal lamang ang tangi naming pinagbatayan sa pagbabalangkas at pagbuo ng akdang ito. Hindi namin kailan man hinangad, o ninais man na atakihin, ni husgahan man ang alin mang doktrinang pangrelihiyon na tinitindigang matibay ng sinoman. Anomang komento mula sa amin na mababasa sa artikulong ito ay may lubhang matibay at kongkretong batayan. Dahil diyan ay maliwanag na ang aral pangkabanalan na ipinangaral ng Cristo (Mashiach) ang siyang humuhusga sa pilipit na pagka-unawa ng marami sa salitang “ matuwid, at katotohanan.” Hindi namin kailan man hingangad na husgahan, ni ilagay man sa kahiyahiya at abang kalagayan ang aming kapuwa. Kundi sa pagnanais na maghayag lamang ng mga sagradong aralin na sinasang-ayunang lubos ng katuruang Cristo (Messianic teachings).

Sa larangan ng Cristianismo ni Pablo ay nalalahad ang doktrinang pangrelihiyon (evangelio ng di pagtutuli) na umano’y nagpapawalang kabuluhan sa mga katuruan na ipinangaral ng mga propeta (mashiyach) nitong lumang tipan ng Bibliya (Tanakh). Partikular sa mga iyon ay ang sampung (10) kautusan na tinanggap ni Moses sa taluktok ng bundok Sinai. Sa kinalap naman na iba’t ibang istoriya nitong si Lucas (Luk 1:1-3) ay sinasasabi na ang pag-iral ng kautusan at ng mga propeta ng sangbahayan ni Israel ay nanatili hanggang kay Juan Bautista lamang.

Linggo, Marso 31, 2013

PAGBUHAY SA MGA PATAY


Mula sa balumbon ng mga banal na kasulatan ng mga anak ni Israel ay may ilang pangyayari, na ang isang propeta, o alagad ng tunay na kabanalan ay bumuhay ng patay. Gayon ma’y kailangan nating maunawaang mabuti, na ang Espiritu ng Dios ay namamahay at naghahari sa Kaniyang mga sisidlang hirang. Kung tawagin sila’y mga banal at karamihan sa kanila ay mga pinahiran (anointed), gaya ng mga propeta ng limang (5) aklat ni Moses.

Maituturing na isang napakalaking pagkakamali, na sabihing ang isang propeta tulad halimbawa ni Elija at Elisha ay bumuhay ng mga patay. Sapagka’t mariing isinaysay ng mga nabanggit na aklat, na sila’y mga lingkod ng Dios lamang. Kaya isang katotohanan na mahalagang maunawaan ng lahat na sila bilang mga sisidlang hirang ay kasangkapan lamang ng banal na Espiritu. Dahil doo’y napakaliwanag na ang siyang bumubuhay ng litreral na patay ay hindi ang mga propeta, kundi ang Espiritu ng Dios na sa kabuoan nila ay masiglang namamahay at makapangharihang naghahari.

Gaya halimbawa ng isang kopa (cup) na ang natatanging layunin ay maging sisidlan ng inumin. Kung ito’y lalagyan ng tubig ay tiyak na mapapatid ang nararamdamang uhaw ng sinoman na iinom ng laman nito. Maliwanag kung gayon na tubig ang bumabasa sa natutuyong lalamunan at pumapawi ng uhaw. Samantalang ang kopa ay kinasangkapan lamang upang ang tubig ay maihatid ng kamay sa bibig upang pawiin ang uhaw ninoman.

Linggo, Pebrero 17, 2013

MGA TUNAY NA LINGKOD NG DIOS


Mula sa lubhang malayong kapanahunan hanggang sa kasalukuyang henerasyon na ating kinabibilangan, ay laganap ang mga tao na nagsasabing sila’y kasama sa munting kalipunan ng mga tunay na lingkod ng Dios. Gayon ma’y malabis ang pag-aangkin ng bawa’t isa sa banal na kalagayang iyon. Dahil diyan ay hindi nila maiwasang maging gaya  ng mga mababangis na hayop sa ilang, na sa araw at gabi ay nagsasakmalan sa isa’t isa. Yan ay tanda na tila hindi nila nauunawaan ang totoong kahulugan ng kalagayang malabis nilang inaangkin, pinag-aagawan, at pinag-aawayan sa lahat ng oras.

Ano nga ba ang malinaw na kahulugan ng mga salitang, “Lingkod ng Dios?”

Ang ibig sabihin ng katagang, “Lingkod” ay utusan, o maninilbihan, at sa higit na malinaw na pananaw ay “tagasunod.” Kung lalapatan ng husto at angkop na paliwanag ay isang indibiduwal o kalipunan iyan na nakatalagang tumanggap at tumupad ng utos. Yan lamang ang kaisaisang layunin at tungkulin ng isang "lingkod."

Sa mundong ito ay isang nilalang, tao man o hayop na tagapaglingkod sa kaniyang panginoon ang tinutumbok na kahulugan niyan. Kung umiiral ang tagapaglingkod ay maliwanag din namang kaagapay niya ang kaniyang amo o panginoon na isang taga-utos. Sa mundo kung gayon ay dalawa ang kategoriya ng tao – ang una ay ang nag-uutos, at ang pangalawa ay ang inuutusan. Dahil nga diyan ay masiglang umiinog ang mundo ng bawa’t tao sa kalupaang ito, at sapat upang maunawaan ng bawa’t isa ang ginagampanang layunin sa kani-kaniyang itinataguyod na buhay.

Linggo, Setyembre 2, 2012

CRISTIANO NG DIOS


Jesus preaching the Gospel of the Kingdom
Ang usapin bang tumutukoy dito ay kailangan pang pag-aksayahan ng ating panahon, gayong talastas ng marami na ang katawagang Cristiano ay inaari ng hindi kakaunting samahang pangrelihiyon sa apat (4) na direksiyon ng ating mundo. Gayon pa man ay ilan kaya sa lubhang karamihan ang nakaka-unawa sa tunay na kahulugan ng salitang iyon, at gaano karami ang bilang ng mga may ganap na pagkabatid sa tunay na aral at katuruang nilalaman ng Cristianismo?

Mashiyach sa wikang Hebreo ang katagang Cristo. Christ o Messiah sa Ingles, Christus sa Italya, Khristos sa Griego, at Cristo sa ating wika. Ang nag-iisang ibig sabihin nito ay “pinahiran,” at katagang nagpapahayag ng banal na kalagayang lubos na kinikilala ng Dios. Mabibigyang diin na ito’y isang katawagan na naglalahad ng pagiging masunurin ng isang tao sa mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan ng kaisaisa nating Ama na nasa langit.

Ang sinoman sa makatuwid na masigla at bukal sa puso na nagsasabuhay ng kabanalan na masusumpungan sa isang itinuturing na Cristo ay maaaring matawag na isang Cristiano. Ginagawa niya ang mga bagay na isinasabuhay ng nagtataglay ng gayong natatanging sagradong kalagayan. Ang pagkilala sa estado niyang iyan ay naaayon sa mga katunayan na binibigyang diin ng sina-unang (Masoteric Texts) balumbon ng mga banal na kasulatan.

Lunes, Agosto 13, 2012

EVANGELIO NG KAHARIAN (Part 1 of 2)

Narito, at kung nais ng sinoman na pumalaot sa larangan ng tunay na kabanalan ay matuwid sa kaniya bilang unang hakban, na ariing katotohanan ang mga salita ng Dios na mismo ay nangagsilabas mula mismo sa bibig nitong si Jesus. Gaya ng mga aral (evangelio ng kaharian) ng tunay na kabanalan na masiglang sinalita ng kaniyang dila sa buong sangbahayan ni Israel. Ano pa’t kung ang sinoma’y nagsasabing siya’y kay Jesus, gayon ma’y aral ng iba (evangelio ng di pagtutuli) ang isinasabuhay ay maipasisiyang sinungaling at magdaraya ang taong iyon. Siya sa makatuwid ay hindi kinaroroonan ng Dios, sapagka’t tungkol sa bagay na ito’y mariing winika,

2 JUAN 1 :
9  ANG SINOMANG NAGPAPATULOY AT HINDI NANANAHAN SA ARAL NI CRISTO, AY HINDI KINAROROONAN NG DIOS: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.

Gayon ngang napakaliwanag na siyang hindi nananahan sa aral (evangelio ng kaharian) na mismong iniluwal ng sariling bibig ni Jesus ay walang alinlangan na hindi kinaroroonan ng Dios. Siya rin naman na nagsasabing nakikilala niya ang Dios, nguni’t hindi tumutupad sa mga kautusan (sampung utos), ayon sa kasulatan ay isang sinungaling at ang katotohanan ay wala sa taong iyon. Na sinasabi,

EVANGELIO NG KAHARIAN (Part 2 of 2)

Ang evangelio na may kinalaman sa pananampataya kay Jesus

JUAN 14 :
10  HINDI KA BAGA NANANAMPALATAYA NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN? Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.

11  MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN: o kundi kaya’y MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN DAHIL SA MGA GAWA RIN.

12  Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ANG SA AKIN AY SUMAMPALATAYA, AY GAGAWIN DIN NAMAN NIYANG ANG MGA GAWANG AKING GINAGAWA; at LALONG DAKILANG MGA GAWA KAY SA RITO ANG GAGAWIN NIYA, sapagka’t ako’y paroroon sa Ama.

Maliwanag ngang sinasabi ng talata (Juan14:10), na si Jesus ay nasa Ama at ang Espiritu ng Ama ay nasa kaniya. Niliwanag din naman niya, na ang mga salita na kaniyang binibigkas sa mga alagad ay hindi niya sinasalita sa kaniyang sarili. Kundi ang Espiritu ng Dios na nananahan at naghahari sa kaniyang kalooban at kabuoan ang siyang gumagawa ng kaniyang mga gawa at nagsasalita ng kaniyang mga salita.

Sa kasunod na talata (Juan 14:11) ay ipinamamanhikan nitong si Jesus sa lahat, na siya ay sampalatayanan  bilang isang sisidlang hirang ng Dios (buhay na templo ng Dios). Palibhasa’y napakaliwanag na siya sa kapanahunang iyon ay pinamamahayan at pinaghaharian ng nabanggit na Espiritu. Ano pa’t kaniyang sinabi sa Juan 14:12, na ang sinomang sa kaniya ay sumasampalataya sa gayong kabanal na kalagayan ay gagawin din naman niya  ang mga gawa ni Jesus, at lalong mga dakilang mga gawa kay sa doon ang gagawin niya. Dagdag pa niya’y paroroon siya sa Ama (Juan 20:17).

Kaugnay ng mga pahayag na nangagsilabas mula sa sarili niyang bibig ay siyasating natin, kung anu-ano ang kaniyang mga gawa. Gaya ng nasusulat,