Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus.
Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal.
Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal.
Mula noong una hanggang sa kasalukuyang panahon ay isa pa ring lubhang malaking usapin, kung ang kautusan nga ba ay balido pa, o hindi na. Ayon sa mga Cristiano ni Pablo ay gayon ngang ang kautusan (torah) ay wala ng anomang kabuluhan pa. Anila, ito’y dahil sa kawalan nito ng kapakinabangan sa natatangi nitong layunin, na maghatid ng kanino mang kaluluwa sa buhay na walang hanggan sa kaluwalhatian ng langit.
Matibay ang paninindigan ng marami na
ang kautusan (Torah) ay niluma na nga ng panahon at sa kalagayang iyan ay nangailangan
na nga ng higit na magaling na pag-asa ang sangkatauhan, para sa kaligtasan ng
kaluluwa at kapatawaran ng mga kasalanan.
Gayon man ay madami pa rin ang nananalig
at naninindigan, na ang kautusan (Torah)
ay hindi kailan man dumako sa kalagayan ng katandaan, upang ito’y halinhan ng
bagong mga kautusan. Iyan nga ay pinaniniwalaan
pa rin ng marami, na ang kautusan ng Dios (Torah) ay nangatatatag magpakailan kailan
man.
Ang akdang ito bilang 003, ay kabilang sa serye ng mga artikulo na tumatalakay sa talamak na dagdag/bawas sa mga salita ng Tanakh (OT). Dito ay muli naming tatanglawan
ng kaukulang liwanag ang ilang talata na mababasa sa Kabanata 10 ng “Sa mga
Hebreo.”
Sa mga talatang tatalakayin sa ibaba ay pinangangatuwiranan nitong si Pablo, na ang kautusan nga ay wala ng anomang katumpakan pa sa kaniyang sarili. Iyan umano ay dahil sa natapos na ang period ng kautusan (Torah) at ng mga propeta (Nevi'im), at hinalinhan na nga nitong panahon ng pananampalataya mula sa nasasakupan nitong era ng mga Cristiano.
Sa mga talatang tatalakayin sa ibaba ay pinangangatuwiranan nitong si Pablo, na ang kautusan nga ay wala ng anomang katumpakan pa sa kaniyang sarili. Iyan umano ay dahil sa natapos na ang period ng kautusan (Torah) at ng mga propeta (Nevi'im), at hinalinhan na nga nitong panahon ng pananampalataya mula sa nasasakupan nitong era ng mga Cristiano.
Sa ibaba ay maliwanag na binibigyang katuwiran nitong si Pablo ang ilang bagay na nagpapawalang kabuluhan sa kautusan (Torah), gaya ng nasusulat,
Heb 10 :
5 Kaya’t pagpasok niya sa
sanglibutan, ay SINABI,
Hain at handog ay hindi mo IBIG,
Nguni’t isang katawan ang sa akin
ay
inihanda mo;
6 Sa
mga handog na susunugin at mga haing patungkol
sa kasalanan ay hindi ka NALUGOD.
7 Nang
magkagayo’y sinabi ko, Narito, ako’y pumaparito
(sa balumbon ng mga aklat ay
nasusulat tungkol sa akin.)
Upang gawin, Oh Dios, ang iyong
kalooban.
8 Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at
mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan
ay hindi mo ibig, at di rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon
sa kautusan),
9 Saka sinabi niya, Narito, ako’y
pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa.
10 Sa kaloobang yaon tayo’y pinapaging-banal, sa
pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man.
Ano pa’t kung sisiyasatin nating mabuti ang Awit 40:6-7 at masumpungang
katulad ng konteksto nitong Hebreo 10:5-7 ay maipasisiyang katotohanan nga ayon sa
orihinal na teksto ang minatuwid ni Pablo sa sulat niya sa mga Hebreo. Sa gayo’y
tiyakin nga natin, kung nagkakaisa baga ang tinataglay na konteksto ng Hebreo 10:5-7 at Awit 40:6-7.
Dahil diyan ay kailangang ang dalawang talata ay pag-agapayanin, upang hindi maging mahirap ang pagkilala at pagkilatis sa isa't isa.
Dahil diyan ay kailangang ang dalawang talata ay pag-agapayanin, upang hindi maging mahirap ang pagkilala at pagkilatis sa isa't isa.
Heb 10 :
5 Kaya’t pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinabi,
Hain at handog ay hindi mo IBIG,
Nguni’t isang katawan ang sa akin ay inihanda mo; 6 Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi ka NALUGOD.
7 Nang magkagayo’y sinabi ko, Narito, ako’y pumaparito (sa
balumbon ng mga aklat ay nasusulat tungkol sa akin.)
Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.
- - - - - - - - -
- - -
- - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - -
|
Awit 40 :
6 Hain at handog ay hindi mo KINALULUGDAN.
Ang aking pakinig ay
iyong binuksan;
Handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay
hindi mo hiningi.
7 Nang magkagayo’y sinabi ko: Sa balumbon ng aklat ay nakasulat sa akin:
Aking
kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko;
Oo, ang iyong kautusan
ay nasa loob ng aking puso.
|
Sinabi nga na sa pagpasok niya (Jesus) sa sanglibutan ay sinabi, na
ang hain at handog na susunugin ay hindi na ibig ng Dios na gawin pa
ng mga tao. Gayon ma’y isang katawan ang di umano'y wika ni Jesus na inihanda sa kaniya
ng Dios. Palibhasa ay
pinalalabas ng katuruang Pablo, na si Jesus ang ulo, at ang tinutukoy na
katawan na sa kaniya ay ihihanda ay walang iba, kundi ang Iglesia.
Ang mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa kasalanan, ayon
sa talata ay hindi na nga ikinalulugod ng Dios, kahi man ito'y mga hain
patungkol sa kasalanan na nasasaad sa kautusan. At sa gayo’y winika ni Jesus,
na siya ay pumaroon alisunod sa mga aklat na nasusulat patungkol sa kaniya, sa
layuning gawin ang kalooban ng Dios. Si Jesus ayon sa minamatuwid ng talata
ay pumaroon sa sangbahayan ni Israel, na layong alisin ang (lumang tipan)
at itatag ang pangalalawa (bagong tipan). Sila nga ayon kay Pablo ay
pinapaging banal mula sa pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan
man.
Iyan nga ang napakaliwanag na konteksto ng Heb 10:5-10, at gayon
ngang pinagtitibay ng mga salita ng ilang talatang iyan, na ang kautusan (Torah) ay
inalis na ng Cristo at ito ay hinalinhan na nga lamang ng pananampalataya na
walang gawa ng kautusan (Torah).
Kung iyan lamang ang kaisaisang pagbabatayan ng katuwiran ay hindi
mahirap tanggapin, na ang minamatuwid sa mga talatang nabanggit ay sinasang-ayun
nga ng katotohanang sumasa Dios. Subali’t hindi gayon kadali na paniwalaan
ang pinagtibay na pahayag na ito ng may akda (Pablo). Sapagka’t ang
patibayang aral na iyan ay kinuha lamang niya sa Awit ni haring David, sa kabanata
40, talata 6 at 7 (Awit 40:6-7).
Sa gayo’y busisiin naman natin ang orihinal na teksto, upang
maihambing ang konteksto nito sa konteksto ng kay Pablo.
Iyan lamang ang natatanging kaparaanan, upang mapatunayan at mapagtibay ang aral na iyan ni Pablo. Diyan din natin malalaman, kung siya baga ay nagtuturo ng katotohanan, o ng kabulaanan lamang. Gaya nga ng napakaliwanag na nasusulat sa Awit 40:6-7 ay sinabi, (sundan sa kanang itaas). |
Hindi mahirap makita sa pinag-agapay na konteksto nitong Hebreo 10:5-7 at Awit 40:6-7, na ang kay Pablo ay sinalungat ang kay David. Iyan ang katunayan, na hindi lamang dinagdagan at binawasan ni Pablo ang orihinal na teksto. Kundi pinalabas niya na ang kautusan (Torah) ay naparam na at nauwi na sa wala. Samantalang sa huling bahabi ng Awit 40:7 ay binibigyan pa nga ng diin ni David na ang kautusan (Torah) ng Dios ay nagtutumibay sa kaniyang puso.
At nagsaad si David, na sinasabi, “Sa balumbon ng aklat ay nakasulat sa akin: Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, O Dios ko;” "OO, ANG IYONG KAUTUSAN AY NASA LOOB NG AKING PUSO.
Sa gayo’y hindi mahirap mapansin ang dagdag/bawas ng mga
salita at pangungusap, na nang mailakip ni Pablo sa sulat sa mga
Hebreo ay nabago na ang orihinal na ibig sabihin (context) ng
ating teksto. Sapagka’t sa salin ay mapapansin na naiba ang
salitang “kinalulugDan” at pinalitan ng salitang "IBIG."
Ang linya sa teksto na nagsasabing, “Ang aking pakinig
ay iyong binuksan” ay pinalitan sa salin ng
“Nguni’t isang
katawan ang sa akin ay inihanda mo.”
Ang salitang “hiningi” ay hinalinhan ng “nalugod.”
Idinagdag naman ang mga salitang, "Narito, ako’y pumaparito." Gayon din ang huling dalawang linya ng teksto na nagsasabi, “Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso” ay hindi na mababasa pa sa salin, sapagka’t ito’y ibinawas na. |
Sa Awit 40:6-7 ay napakaliwanag na si haring David ang nagsasalita. Wika niya ay hindi kinalulugdan ng Dios ang hain at handog, na kung lilinawin ay hindi ikinalulugod ng Dios ang hain at handog ng mga tagasuway ng kaniyang mga kautusan (Torah) Dahil diyan ay binuksan ng Dios ang kaniyang pakinig. Iyan ay upang madinig ni David na Siya'y hindi nanghihingi ng mga handog na susunugin patungkol sa kasalanan ng mga hindi nagsisitupad ng Kaniyang mga kautusan (Torah).
Mula sa pinaghambing na Awit ni David at sulat ni Pablo ay hindi mahirap makita ang matuwid, na ang isa ay nagsasaad ng katotohanan at ang isa nama’y nalulubidlubid lamang ng mga kasinungalingan. Itong si Pablo, mapalabas lamang niyang inutil ang kautusan ng Dios (Torah) ay gumamit ng patibayang aral na mula sa awit ni Haring David.
Sa pagsasalin ay nilahukan niya ito ng mga dagdag na salita, at siya’y nagbawas sa teksto ng mga salita na hindi niya kailangan, palibhasay kumokontra sa itinatanyag niyang evangelio ng di pagtutuli (katuruang Pablo).
Ang mga napakaliwanag na patotoong mababasa sa kanang itaas, bilang pagdidiin ay uulitin namin.
Ang salitang,
Ang salitang,
“kinalulugdan,”
ay pinalitan niya ng salitang,
“ibig.”
Ang pangungusap na,
“Ang aking pakinig ay iyong binuksan,”
ay pinalitan niya ng pangungusap na,
“Nguni’t isang katawan ang sa akin ay inihanda mo.”
Ang salitang
“hiningi”
ay
hinalinhan niya ng katagang,
“nalugod.”
Ang mga salita na nagsasabing,
"Narito, ako’y pumaparito"
ay idinagdag sa talata 7,
Ang
pangungusap na ang wika ay,
“Oo, ang iyong kautusan (Torah) ay nasa loob ng aking puso”
ay inalis niya sa
huling bahagi ng talata 7 at hindi na pinalitan pa ng anomang kataga. Sapagka’t ang linyang iyan ay mga salita na nagbibigay diin sa masigla at patuloy na pag-iral ng kautusan (Torah).
Kailangan niyang alisin ang mga iyan, dahil ang layunin ng pagsulat niya sa mga Hebreo ay upang pawalang kabuluhan ang kautusan (Torah) at papaniwalain sila sa likha niyang katuruan (evangelio ng di pagtutuli), na imbis na kautusan ang ganapin ay pananampalataya na lamang.
Isa ngang napakaliwanag na tanawin,
na ang nilalaman ng Heb 10:5-7 ay nalalahukan ng hindi kakaunting daya ng
kasinungalingan. Diyan din ay malinaw na makikita kung paano itong si Pablo ay nagtagnitagni ng mga
kabulaanang salita gamit ang ilang piling talata nitong Tanakh ng Dios (OT), at iyan ay mapalabas lamang na makatotohanan ang kaniyang sulat.
Mula sa artikulo bilang 001, 002, 003, at 004 ay iisa lamang na katunayan ang lumalabas. Iyan ay ang hayag na kasinungalingan at kahambugan lamang ng taong iyan.
Mula sa artikulo bilang 001, 002, 003, at 004 ay iisa lamang na katunayan ang lumalabas. Iyan ay ang hayag na kasinungalingan at kahambugan lamang ng taong iyan.
Patuloy nawang kamtin ng bawa’t isa ang
masaganang pagpapala ng kaisaisang Dios ng langit, na tumutukoy sa katotohanan,
ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Sa mga akda ng mga nagdaang NR 001, at NR 002, narito ang karugtong - NR 003. Layunin nga lamang ay ang ipaunawa at ipakita ang malaking kaibahan na hindi namamalayan ng mga bumabasa ng biblia. May malinaw sa pagkakalahad ng katotohanan sa mga katagang ipinalit nitong Pablo sa mga salita naman ng mga TUNAY na propeta ng Dios. May laya ang sinoman sa kanyang pipilin. Ebangelio ng di pagtutuli nitong si Pablo o ang Ebangelio ng Kaharian na ipinangangaral ng mga banal ng Dios , na siyang ating pinaghahandaang kaligtasan sa paroonan ng ating kaluluwa pagsapit natin sa "guhit".
TumugonBurahin