|
|
Mga paunang salita:
Matuwid na layunin naming ilahad lamang sa mga kinauukulan ang mga salita (evangelio ng kaharian) na ipinangaral ng sariling bibig ng mga totoong banal ng Dios. Mga katiwatiwalang katunayang biblikal lamang ang tangi naming pinagbatayan sa pagbabalangkas at pagbuo ng akdang ito. Hindi namin kailan man hinangad, o ninais man na atakihin, ni husgahan man ang alin mang doktrinang pangrelihiyon na tinitindigang matibay ng sinoman. Anomang komento mula sa amin na mababasa sa artikulong ito ay may lubhang matibay at kongkretong batayan. Dahil diyan ay maliwanag na ang aral pangkabanalan na ipinangaral ng Cristo (Mashiach) ang siyang humuhusga sa pilipit na pagka-unawa ng marami sa salitang “matuwid, at katotohanan.” Hindi namin kailan man hingangad na husgahan, ni ilagay man sa kahiyahiya at abang kalagayan ang aming kapuwa. Kundi sa pagnanais na maghayag lamang ng mga sagradong aralin na sinasang-ayunang lubos ng katuruang Cristo (Messianic teachings).
Ang panimulang salita sa isang artikulo ng Rayos ng Liwanag na pinamagatang "Hidwang Paniniwala (Heresy)" ay gaya ng mababasa sa sumusunod na talata.
Diyan ay natatala ang
natatanging katuwiran ng kaisaisang Dios
na siyang nag-iisang gabay ng sinoman, tungo sa uri ng pamumuhay na
sinasang-ayunan ng larangang tumutukoy sa tunay na kabanalan. Ang pamantayang
iyan ay sadyang itinalaga ng ating Ama,
sa layuning pagkalooban ng nauukol na kaginhawahan at kapayapaan ang pagtahak
ng Kaniyang mga anak sa matuwid na landas ng buhay sa kalupaan.
Hindi Niya kailan man ninais, ni inisip man na dumanas ang kaniyang mga anak ng anomang kahirapan at kapighatian
sa itinataguyod nilang buhay dito sa lupa. Dahil diyan ay tiniyak niyang sa pamamagitan ng
may galak sa puso at masiglang pagtalima sa Kaniyang
mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan ay tatamuhin nila ang
maluwalhating kalagayan, bilang mga Anak
ng pagsunod (kawan ng Dios) sa munting bahaging ito ng sistemang solar.