Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagbati. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagbati. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Hunyo 6, 2012

MALIGAYANG BATI SA LAHAT

N
arito, at sa wakas ay nagkaroon kami ng pagkakataong makadaupang isip ang sinoman sa inyo sa pamamagitan ng paraang ito (blog). Ang gayong bagay ay labis naming ikinagagalak, nang dahil sa muli ay mailalahad ang hindi kakaunting tanawin sa Biblia, na lubhang may kalabuan sa pananaw ng marami sa ating mga kapatid. Kaya't gaya ng liwanag ay tatanglawan nito ang bawa't isipan na dumadako sa gayong uri ng kalagayan, at yao'y maghahatid sa kaniya ng maluwalhating kaunawaan na sinasang-ayunang lubos ng katotohanan. Layunin nito na palaguin at pasaganain ang kalamnan ng bawa't kamalayan, na siyang natatanging sasakyan sa pagpalaot ninoman sa larangan ng tunay na kabanalan.

Sa gayong kalakaran, kayo na aming mga kapatid sa layunin ay mangyaring kami'y samahan at pagtulungan nating bigyang gabay at tanglawan ng ilaw ang marami sa dako pa roon, at sila'y palakarin ng dilat at may malay tungo sa masikip na pintuan ng kaligtasan. Kaugnay nito ay mahalagang matutunan ninoman na papaghiwalayin ang salita ng Dios at ang salita ng tao. Sapagka't kapag naghalo ang dalawang nabanggit ay doon nangyayari ang pagkaligaw, o pagkatisod ng sinoman. Dahil doo'y matuwid na salita lamang ng Dios ang isabuhay, upang tayo'y patuloy na lumakad sa wastong landas tungo sa maluwalhating buhay sa langit na hinahangad ng marami.

Muli, sa pagpalaot natin sa larangang ito'y kaluguran sa amin ang inyong presensiya, at mangyaring kami'y huwag ninyong kalimutang bahaginan ng inyong nalalaman tungkol sa katuwiran at katotohanan ng Ama nating nasa langit. Kasihan nawa kayo nitong Espiritu ng Dios na nagpapaging banal sa sinoman.

                                                                                                               Sumasa inyo,
                                                                                                          Yohvshva bar Yusuf