Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Books of Propehts. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Books of Propehts. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Enero 1, 2015

ANG KAUTUSAN NI MOSES (Torah)

Torah (Five books of Moses)
ANG KAUTUSAN NI MOSES (Torah)

AYON SA ABOT SABI NG BANAL NA ESPIRITU

Sa Tanakh na siyang balumbon ng mga banal na kasulatan ay mababasa ang mga kautusan ni Moises, na sa kapanahunan niyang iyon at hanggang sa kasalukuyang panahon ay masigla at may galak sa puso na tinatalima, itinataguyod, tinatangkilik, at ipinagtatanggol ng mga tunay na banal. Iyan ay dahil sa napakaliwanag na katotohanang naglalahad ng mga pangako ng Dios, na sa katuparan ay maluwalhating nakapaghatid ng hindi kakaunting kaluluwa sa buhay na walang hanggan.

Scrolls of Tanakh
Ang salitang TaNaKh ay isang acronym, na kumakatawan sa tatlong unang letrang katinig (consonant) nito – na tumutukoy sa  Torah (Kautusan, na kilala din bilang limang [5] aklat ni Moses), Nevi’im (Mga Propeta), at Ketuvin (Kasulatan). Ang mga iyan ay ang tatlong dibisyon ng Masoretic text, at iyan ay kilala din sa katawagang Miqra.At sa canon ng bibliyang Hebreo ay tinawag naman itong Tanakh

Sa King James na bersiyon ng Tanakh – ang Torah ay isinalin sa tawag na “kautusan (instructions/law),” samantalang ang Nevi’im ay mababasa sa salin na “Propeta (Prophet),” at ang Ketuvin ay tumutukoy ng ganap sa “Kasulatan (scripture).”

Ang tinutukoy sa itaas ay ang pamagat ng mga aklat ng Tanakh na mababasa sa ibaba,

     TANAKH                                                   BOOKS
Torah (Kautusan)          -    Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, Deuteronomy.

Nevi’im (Propeta)         -     Major: Isiah, Jeremiah, Ezekeil.
Minor: Hosea, Joel, Amos, Obadiah, Jonah, Micah,   Nahum, Habakuk, Zephaniah, Haggai, Zachariah, Malachi
Former: Joshua, Judges, Samuel, Kings
Ketuvim(Kasulatan)      -   Wisdom : Psalm, Proverbs, Job.
Scrolls : Song of Songs, Ruth, Lamentations, Ecclesiastes, Esther 
Histories: Daniel, Ezra, Nehemiah, Chronicles.

Sa mga bumalangkas at nagsigawa nitong tinatawag na Bagong Tipan (New Testament) ay naging isang kalihiman ang tungkol sa usaping ito, na may kinalaman sa Torah, Nevi’im at Ketuvim. Sapagka’t iyan ay isinalin nila sa katawagang Kautusan, Propeta, at Kasulatan. Dahil diyan ay hindi naging malinaw sa bumabasa ng nabanggit na aklat ang mga mahahalagang usapin na may ganap na kilaman sa mga iyon.