LORD God Jesus? |
Hindi nga niya tinatanggap na siya ay tawagin ng sinoman bilang "Panginoon," sapagka't nalalaman niya ng lubos na ang katawagang iyon ay walang ibang tinututukoy, kundi ang kaisaisang Dios, o kaya naman ay ang dakilang Espiritu (Espiritu Santo) nito na isinugo sa buong kalupaan.
Narito, at sa Mateo 7:21 ay sinabi,
“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin. Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit: kundi ang gumaganap ng kalooban (kautusan) ng aking Ama na nasa langit.”
Sa gayo’y sino ang nagsalita, ito bagang si Jesus sa kaniyang sarili, o yaong Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban sa kapanahunang iyon? Tungkol nga sa usaping ito’y binigyang diin ng sariling tinig ni Jesus ang mga sumusunod na katuwiran hinggil sa likas niyang kalagayan.