Biyernes, Abril 13, 2012

BAGONG ANYO NG PAGSAMBA KAY JESUS


Sister Faustina

Sa anunsiyo ng Vatican, si Sister Mary Faustina daw ay apostol nitong Sagradong Awa (Divine Mercy), na sa kasalukuyan ay nabibilang sa kalipunan ng tanyag at kilalang santo ng simbahang Katoliko. Sa pamamagitan niya ay naihahayag ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan ang kaawaan ng Dios (God’s mercy), at gayon ding ipakita ang padron nitong kaganapan ng Cristiano (Christian perfection) batay sa masiglang pagtitiwala sa Dios, at sa pagpapadama ng biyaya sa kapuwa.

Diin ng Vatican, ang Panginoong Jesus ay hinirang si Sister Mary Faustina bilang apostol at kalihim ng kaniyang biyaya, nang sa gayo’y mailahad niya sa sangkatauhan ang tungkol sa dakila Niyang mensahe. 

Ang wika umano ng Panginoong Jesus sa kaniya, gaya ng mababasa sa ibaba.

“In the old covenant I sent prophets wielding thunderbolts to My people. Today I am sending you with My mercy to the people of the whole world. I do not want to punish aching mankind, but I desire to heal it, pressing it to My Merciful Heart….(Diary 1588)

Miyerkules, Abril 11, 2012

TAKOT SA DIOS


Giit ng marami ay hindi natin kailangang matakot sa Dios, nang dahil sa Siya'y puspos ng pag-ibig at kaawaan sa kaniyang kabuoan. Ang dapat katakutan anila ay ang masasamang nilalang, sapagka't sila ay mga walang awa at nahahandang ilagay sa kalunoslunos na kalagayan ang sinoman anomang sandali nila ibigin.

Ang Dios ay pag-ibig at dahil dito ay taglay Niya ang kaamuan, na hindi katatakutan ng sinoman. Samantalang itong si Satanas ay taglay umano ang may kabagsikang mukha at kalupitan sa mga kaluluwa na nasisilo ng matatamis at bubulaklak niyang kasinungalingan. Kaya matuwid sa hindi kakaunting mga tao, na lalo't higit sa lahat ay ang nabanggit na entidad ng kasamaan ang karapatdapat na katakutan, at hindi kailan man ang maamo at maawaing Dios.

Gayon ma'y sinasang-ayunan kaya ng katotohanan ang minamatuwid ng marami hinggil sa usaping ito? O, ito'y lihis sa katuwiran na binibigyang diin nitong mga salita ng Dios na masusumpungan sa balumbon ng mga matatandang kasulatan (Torah) na iniingatan at tinatangkilik ng mga anak ni Israel at ng mga Masyano ng Dios. Sa pagpapatuloy ay paka-unawain nga nating mabuti ang ilang talata ng Biblia na nagsasaad ng katunayang nagbibigay diin sa hindi maitatangging katotohanan hinggil sa usaping ito. Na sinasabi,