AYON SA ABOT-SABI NG BANAL NA ESPIRITU.
Hinggil diyan, ang marami ay
may kani-kaniyang pagpapahayag ng mga opinyon, na ayon lamang sa minamabuti at
hinahaka nilang tama. Ang mga iyon ay batay lamang sa iba’t ibang antas
ng karunungan na naabot ng sinoman sa kalupaang ito. Subali’t ang mga iyon
ay hindi kailan man sinang-ayunan ng katuwirang sumasa Dios, na direktang ipinangaral
ng mga tunay na banal (apostol) sa iba’t ibang nangagsilipas na kapanahunan, ni
malayo man o malapit. Hanggang sa ngayon nga sa panahon nating ito ay tila
walang ipinagbago ang napakababaw na unawa at pakahulugan ng marami sa
nabanggit na salita (katotohanan).
Bunsod niyan ay masiglang
pasiya ng katuwiran na tanglawan ng kaukulang ilaw ang usaping iyan, upang
mula sa hustong liwanag nito ay masaksihan ng may ganap na linaw ang dako, na
kung saan ay masusumpungan ang payak na kahulugang biblikal ng salitang iyan.
Mula sa evangelio ng ating mga
saksing totoo sa buhay nitong Cristo ng Nazaret, ay itutuon natin ang mga rayos
ng liwanag sa mga bahagi ng usapin na nakakanlungan ng malalabong unawa, na siyang
nagpapanatili ng pilipit na pangangatuwiran ng higit na nakakarami.
Hinggil sa katotohanan, gaya
ng napakaliwanag na nasusulat ay madiing winika nitong banal na Espiritu mula sa sariling bibig ng Cristo.