Una sa lahat ay nararapat maunawaang
lubos ng lahat, na ang Ama nating
nasa langit ay mahigpit na ibinilin at iniutos sa mga apostol, pati na rin sa atin ang gawang matuwid na karapatdapat
tindigang matibay at isabuhay ng sinoman sa kalupaan. Hindi lingid sa ating
kaalaman, na ang kaisaisang Dios (Yehovah) ay
gumagawa ng kaniyang mga gawa sa pamamagitan ng Kaniyang mga sisidlang
hirang, o mga buhay na templo ng
kaniyang Espiritu (7 Espiritu). Dahil diyan ay
naisasatinig ng mga banal ang Kaniyang
mga salita, na siyang nagiging
matibay na gabay ng sinoman na pumapalaot sa larangan ng tunay na kabanalan.
Kaugnay niyan, nang ang ilang apostol ay isinama ni Jesus sa taluktok ng isang bundok ay
naganap ang isang kagilagilalas na pangyayari na hindi nila inaasahan. Iyon ay ang tinig ng Dios na kanilang
nadinig mula sa isang alapaap na lumilim sa kanila, na sinasabi,