Courtesy of Google Images |
Ibig sabihin ay ang paglalagay ng iyong sarili sa estado, na gaya ng bagong silang na bata. Na walang anomang kaalaman sa kaisipan, at walang anomang damdaming makalupa na natatala sa kaniyang kamalayan.
Gaya nga ng isang bata ay kailangan na
muli ay masumpungan ng sinoman ang kaniyang sarili sa banal na kalagayang iyan.
Sapagka’t iyan ang dahilan, kung bakit ang panginoong
Jesucristo ay nagsabing,
Sa mga bata nga ay masusupungan ang kadalisayan ng kanilang damdamin at isipan, na isang naiibang katangian na kinalulugdang lubos ng Ama nating nasa langit. Kung gayong ang sinomang bata ay taglay ang kadalisayan ng kalooban, ni walang bahid man ng anomang karumihan ng kasalanan, ano sintido ng reincarnation kung gayon.
“Pag-ingatan na ang mga bata ay huwag pawalang halaga (Mat 18:1-6).”
Sa mga bata nga ay masusupungan ang kadalisayan ng kanilang damdamin at isipan, na isang naiibang katangian na kinalulugdang lubos ng Ama nating nasa langit. Kung gayong ang sinomang bata ay taglay ang kadalisayan ng kalooban, ni walang bahid man ng anomang karumihan ng kasalanan, ano sintido ng reincarnation kung gayon.
Courtesy of Google Images |
JUAN 3 :
3 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi,
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, MALIBAN
NA ANG TAO'Y IPANGANAK NA MULI, AY HINDI SIYA MAKAKAKITA NG KAHARIAN NG DIOS.
JUAN 3 :
7 Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, KINAKAILANGAN NGANG KAYO'Y IPANGANAK NA MULI.
Diyan nga ay madiing sinasabi, na ang
sinoman ay kinakailangang ipanganak na muli, upang siya’y magkaroon ng
karapatan na makapasok at manahan sa kaharian ng langit. Madiing winika ng sariling bibig ng Cristo, kailangang ipanganak na muli, sa kadahilanang maluwalhati na nating napagdaanan ang kapanganakan sa tubig, at sa atin ay may natitira pang isang kapanganakan, at iyan ay ang kapanganakan sa Espiritu.
Gaya ng nabanggit sa simula ay sinasabing may pangangailangan na kalimutan ng sinoman ang lahat niyang nalalamang karunugang panglupa, at talikdan ang lahat ng damdaming makalupa na hindi sinasang-ayunan ng dakilang larangang tumutukoy sa tunay na kabanalan.

“Empty your cup and I will fill it up.”
Ang wika nga ay alisan mo ng laman ang iyong saro (kopa) at iyan ay aking pupunuin. Ang isasalin nga sa sarong iyan ay ang mga aral na lumalapat sa tunay na kabanalan. Sa gayo’y nais baga nating mapag-unawa kung ano ang mga gawa, na kung saan ay kinasusumpungan ng totoong kabanalan sa kalupaan?
Mula sa natatanging kapanahunan ng panginoong Jesucristo ay may katapangan
niyang ipinangaral ang ilan sa mga sumusunod na aral pangkabanalan. Gaya nga ng
maliwanag na nasusulat ay madiin niyang sinabi,
MAT 11 :
29 Pasanin ninyo ang aking pamatok, at MAGARAL KAYO SA
AKIN; sapagka't ako'y maamo at
mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga
kaluluwa.
Mula sa sariling bibig ng maamo at
mapagpakumbabang loob na si Jesus ay inihayag ang utos, na ang lahat ay mag-aral
sa kaniya. Ibig sabihin nito ay siya ang maliwanag nating guro, hindi si Pablo at lalong hindi si Allan Kardec, at tayo ang
kaniyang mga mag-aaral. Bilang isang guro ay karaniwan lamang na ang mga
mag-aaral ay tumanggap ng mga utos mula sa kaniya na kaisaisa nating guro.
Maliwanag na nasusulat sa banal na kasulatan (NT) ang mga aral ng Cristo, o ang Katuruang Cristo na matuwid nating pag-aralan. Dahil diyan ay walang anomang sintido, ni kadahilanan man, upang tayo ay makinig sa mga palsipikadong aral nitong espiritu ng mga patay na di-umano ay isinasatinig ng mga huwad na talaytayan (medium) nitong kapatirang espiritista ng buong kapuluan at ng ibayong dagat.
Ang napakaliwanag na turo ng Cristo ay mag-aral sa kaniya. Na kung lilinawin ay linangin ang kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga aral ng tunay na kabanalan (Katuruang Cristo) na masusumpungan sa banal na kasulatan (bibliya). Gayon man ay tila mga hangal at hibang ang nabanggit na kapatiran, sapagka't imbis na magpakarunong sa kadalisayan at kadakilaan ng Katuruang Cristo ay pinili pang ilagak ang kanilang lubos na tiwala at pananampalataya sa mga mapanlinlang at mapangligaw na bulong at talumpati ng mga huwad nilang talaytayan (medium).
Kaugnay niyan, karaniwan din naman na ang mag-aaral ng kabanalan ay umiibig ng tapat sa panginoong Jesus na kaisaisang nating tagapagturo. At dahil diyan ay kaniyang winika, na sinasabi,

JUAN 14 :
15 KUNG AKO'Y INYONG
INIIBIG, AY TUTUPARIN NINYO ANG
AKING MGA UTOS.
Gayon ngang ang sinoman ay nararapat
pagtuonan ng kaukulang pag-iibig ang panginoong Jesus, at sukat iyon upang ang
lahat ay sumunod sa mga utos (121) na namutawi mula sa sarili niyang bibig. Iyan ay bilang pagtalima sa kautusan na tumutukoy sa,
Ano pa’t ang sukatan ng pag-ibig sa kaniya ay ang masigla at may galak sa puso na pagsunod sa mga kautusan na iniutos ng sarili niyang bibig, at lahat ng iyan ay maliwanag na mababasa sa banal na kasulatan. Ang Kautusang Cristo sa makatuwid ay may bilang na isang daan at dalawampu't isa (121) na patuloy na niwawalang kabuluhan ng marami, partikular ang kapatirang espiritista ng buong kapuluan at ng ibayong dagat.
"Ibigin ang ating kapuwa na gaya ng pag-ibig natin sa ating sarili."
Ano pa’t ang sukatan ng pag-ibig sa kaniya ay ang masigla at may galak sa puso na pagsunod sa mga kautusan na iniutos ng sarili niyang bibig, at lahat ng iyan ay maliwanag na mababasa sa banal na kasulatan. Ang Kautusang Cristo sa makatuwid ay may bilang na isang daan at dalawampu't isa (121) na patuloy na niwawalang kabuluhan ng marami, partikular ang kapatirang espiritista ng buong kapuluan at ng ibayong dagat.
Gaya nga ng isang magandang balita, ang
mga turo ng Cristo, o ang Katuruang Cristo na kumakatawan sa Evangelio ng Kaharian ay iniuutos niya
na ipangaral sa buong sanglibutan. Iyan ay napakaliwanag na utos, na kung
susundin ng sinoman ay isang ganap na pagpapahayag ng pag-ibig sa ating tagapagturo
(guro), na walang iba, kundi ang ating panginoong
Jesucristo.
Na sinasabi,
Na sinasabi,
Mateo 24 :
14 At IPANGANGARAL
ANG EVANGELIONG ITO NG KAHARIAN SA BUONG SANGLIBUTAN SA PAGPAPATOTOO SA LAHAT
NG MGA BANSA; at kung magkagayo'y darating ang wakas. (Mat 4:23)
Ang ipangangaral sa sanglibutan ito ay
maliwanag pa sa katanghaliang tapat na Evangelio ng Kaharian (Katuruang Cristo)
lamang, at bukod diyan ay wala ng iba pang katuruang pangkabanalan sa silong ng
langit na karapatdapat na ipangaral upang sundin.
Dahil diyan ay hindi matuwid na ikiling ang paningin at pansin ng sinoman sa ibang evangelio (evangelio ng di pagtutuli). Sapagka’t iyan, saan man at kailan man ay hindi sinang-ayunan ng katotohanang sumasa Dios.

Gaya ng mahigpit na kautusan ng Ama nating nasa langit, ay madiing Niyang iniutos ang mga sumusunod,
MATEO 17 :
5 Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang
isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na
mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang
sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; SIYA
ANG INYONG PAKINGGAN.
Hinggil sa usaping ito ay wala na ngang ibang utos, o aral man ng kabanalan na maaari nating
tindigan pa, kundi ang kautusang iyan ng Ama nating nasa langit. Iyan ay
tahasan niyang winika sa kadahilanang nalalaman niya na hindi lamang ang
panginoong Jesus ang mangangaral ng salita, kundi may iba pa na magkakalat sa kalupaan ng mga huwad na katuruang pangkabanalan.
Kaya nga ipinagpauna na sa atin, na kung sakaling may ibang evangelio, o katuruan (evangelio ng di pagtutuli) man na ipangangaral ng sinoman ay huwag siyang paniwalaan, kundi tanging Katuruang Cristo (Evangelio ng kaharian) lamang ang pagtuonan natin ng pansin at ganap na pagpapahalaga. Sapagka’t iyan ay kalipunan ng mga aral pangkabanalan, na mismo ay isinatinig ng sariling bibig ni Jesus na ating panginoon.
Ang sabi nga sa Mateo 17:5 ay,

“SIYA ANG ATING PAKINGGAN.”
Dahil sa tayo ay may gulang na ay puno na ng makalupa at walang kabuluhang karunungan at alalahanin ang ating isipan at damdamin. Ano pa't kung ang nais ninoman ay makapasok at mapabilang sa perpektong kaayusan at dakilang balanse ng langit na siyang kaluwalhatian ng kaisaisang Dios. Kailangan sa kaniya na maging gaya ng isang bata na walang laman ang isipan at damdamin, kundi ang natatanging matuwid ng Ama niyang nasa langit. Ang sinoman nga ay ipinanganganak na muli mula sa masiglang kaparaanang iyan na kaloob ng Ama nating nasa langit.
Gaya ng isang bata na walang anomang kamalayan sa mundong ito ay tamuhin natin ang kabanalan na inihahayag nitong KATURUANG CRISTO. Sapagka't iyan ang kaisaisang matuwid na daan tungo sa ikalawang kapanganakan sa kalupaan.
Kamtin ng bawa't isa ang pagkapanganak ng Espiritu, sa pamamagitan ng masigla at may galak sa puso na pagtataguyod, pagtangkilik, pangangaral, at pagsunod sa Katuruang Cristo na siyang natatanging kalooban ng Ama nating langit.
KONKLUSYON:
Ang unang kapanganakan ay iyon ngang kapanganakan sa tubig. Iyan ang pagsilang ng isang sanggol sa pamamagitan ng rumaragasang tubig na nagmumula sa sinapupunan ng isang ina.
Ang pangalawang kapanganakan ay ang kapanganakan sa Espiritu. Iyan ang estado ng sinoman na masigla at may galak sa puso na tumangkilik, nagtaguyod, nangaral, nagtanggol, at sumunod sa Katuruang Cristo.
Tayo ngang lahat na nabubuhay sa buong kalupaan ay napagdaanan na ng maluwalhati ang unang kapanganakan, sa pamamagitan ng pagsilang mula sa tubig ng sinapupunan ng ating ina. Sa gayo'y isang baitang na lamang ang kailangan nating hakbangin, at iyon ay ang kapanganakan sa Espiritu. Isang hakbang na nga lamang sa susunod at huling baitang tungo sa kaluwalhatian ng langit.
Gaano baga kahirap na hakbangin ang huling baitang na nabanggit, upang ang marami ay higit pang tumiwala sa mga hidwa at pilipit na turo ng mga huwad na mangangaral, at nilang nagsisitiwala sa aral ng reincarnation, na umano'y turo nitong espiritu ng mga patay na lumalangkap sa mga huwad na talaytayan (medium), at ng mga pinaniniwalaang espiritu ng mga banal (espiritu santo), na kapag siniyasat at sinuri ay espiritu lamang pala ng diyablo.
Gayon nga sila na nagtuturo ng mga maling daan, kung hindi man ay pinaiikot-ikot lamang ang tao sa pamamagitan ng pananampalataya sa aral ng reincarnation, sa layuning wala isa man na makarating sa kaluwalhatian ng Dios. Ang isang hakban nga na iyan ay ang pag-angat ng dalawang paa mula sa pampang ng lupa, upang ituntong ng magkasunod sa pampang ng langit.
Nanaisin pa baga natin na magpabalikbalik sa kalupaan, gayong sa atin ay isang hakbang na nga lamang at abot kamay na natin ang kaluwalhatian ng langit. Hindi baga isang napakalaking kahangalan at kahibangan na magsimulang muli sa unang bilang, gayong nasa huling numero na tayo, upang kamtin ang inaasam-asam nating muling pagsanib sa dakilang balanse at perpektong kaayusan ng Ama nating nasa langit.
ITO ANG KATURUANG CRISTO
Patuloy nawang tamuhin ng bawa’t isa ang
biyaya ng langit na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa,
karunungang may unawa, at sagad na buhay sa kalupaan tungo sa buhay na walang
hanggan ng kaluluwa sa kaluwalhatian ng Ama.
Hanggang sa muli, paalam.
RELATED ARTICLE:
Muling Pagsilang (to be born again) Click here
Reincarnation (pagkakatawang taong muli) Click here
RELATED ARTICLE:
Ang Pagkabuhay na Muli ng mga Patay (Resurrection) Click here
Muling Pagsilang (to be born again) Click here
Reincarnation (pagkakatawang taong muli) Click here
Ang Una at Pangalawang Kamatayan Click here
In behalf of some who also asked, What is the difference of God (YHVH) Himself with the or His Seven (7) Holy Spirit who have names, too?
TumugonBurahin