S
|
1 JUAN 2 :
4 Ang nagsasabing nakikilala ko siya, at HINDI TUMUTUPAD NG KANIYANG MGA UTOS ay SINUNGALING, at ang KATOTOHANAN AY WALA SA KANIYA.
2 JUAN
4 Ako’y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na NAGSISILAKAD SA KATOTOHANAN, ayon sa ating tinanggap na UTOS sa AMA.
5 At ngayo’y ipinamamanhik ko sa iyo, Ginang, na hindi waring sinulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo’y mangagibigan sa isa’t isa.
6 At ito ang pagibig, na tayo’y mangagsilakad ayon sa KANIYANG MGA UTOS, Ito ang UTOS, na tayo’y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.
6 At ito ang pagibig, na tayo’y mangagsilakad ayon sa KANIYANG MGA UTOS, Ito ang UTOS, na tayo’y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.
Ang sinoman ngang nagsasabing nakikilala niya ang Dios at hindi tumatalima sa kaniyang mga kautusan ay isang sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya. Ano pa’t ang umaayon sa gayong kalagayan ay siya ngang sumasailalim sa tunay na pagibig, at tungkol dito ay sinabi,
36 Guro, alin baga ang DAKILANG UTOS sa KAUTUSAN (Torah)?
37 At sinabi sa kaniya, IIBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIOS NG BOONG PUSO MO, AT NG BOONG KALULUWA MO, AT NG BOONG PAGIISIP MO. (Deut 6:5)
38 Ito ang DAKILA AT PANGUNANG UTOS.
39 At ang PANGALAWANG KATULAD ay ito, IIBIGIN MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG IYONG SARILI. (Lev 19:18, Mat19:19)
40 SA DALAWANG UTOS NA ITO’Y NAUUWI ANG BOONG KAUTUSAN,(Torah) AT ANG MGA PROPETA (Nevi'im).
Sa makatuwid nga’y dalawa (2) ang bahagi na pumapaloob sa kabuoan nitong pagibig, na tumutukoy sa pagibig sa Dios at pagibig sa kapuwa. Sa gayo’y iniutos ng ating Ama na ganapin ng lahat sa kalupaang ito, at nang lumaon ay nauwi sa kautusan ng pagibig sa Dios at kautusan ng pagibig sa kapuwa.
Sa makatuwid baga’y yaong kautusan ng pagibig na kumakatawan sa katotohanan. Kaya’t sila ngang nagsitalikod sa nabanggit na dalawang (2) kautusan ng pagibig ay maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi kailan man nagsisampalataya sa katotohanan. Sa makatuwid baga’y yaong kalipunan ng mga tao na nagsipaniwala at nagsabuhay nitong karumaldumal na evangelio ng di pagutuli nitong si Pablo na laban sa kautusan.
Dahil dito, yaong mga bagay na ipinaparatang niya sa mga tao ay gayon ding bumalandra sa sarili ng taong ito. Sapagka’t hindi na ngayon lingid sa inyong kaalaman, na sa itinatanyag na katuruan niya’y may pagtatakuwil sa mga nabanggit na kautusan, na siyang KATOTOHANAN, na matuwid isabuhay ng sinoman sa kalupaang ito.
Ano pa't kapag ang sinoma'y tumakuwil o tumalikod sa anomang bagay, o sa kanino man. Yao'y nangangahulugan na doo'y wala ang kaniyang pananampalataya. Hinggil dito ay walang pakundangang ipinagdiinan nitong si Pablo ang mga sumusnod na pagpapawalang kabuluhan sa katotohanan na tumutukoy ng ganap sa kautusan.
Ano pa't kapag ang sinoma'y tumakuwil o tumalikod sa anomang bagay, o sa kanino man. Yao'y nangangahulugan na doo'y wala ang kaniyang pananampalataya. Hinggil dito ay walang pakundangang ipinagdiinan nitong si Pablo ang mga sumusnod na pagpapawalang kabuluhan sa katotohanan na tumutukoy ng ganap sa kautusan.
20 Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan(Torah) ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN (Torah) AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.
1 COR 15 :
56 Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ANG KAPANGYARIHAN NG KASALANAN AY ANG KAUTUSAN (Torah).
ROMA 4 :
15 Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN (Torah) AY WALA RING PAGSALANGSANG.
ROMA 5 :
13 Sapagka’t ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang KAUTUSAN, nguni’t HINDI IBIBILANG ANG KASALANAN KUNG WALANG KAUTUSAN (Torah).
ROMA 6 :
14 Sapagka’t ang KASALANAN ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka’t WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN ,(Torah) kundi sa ilalim ng biyaya.
ROMA 3 :
28 Kaya nga MAIPASISIYA NATIN na ang tao ay inaaring-ganap sa PANANAMPALATAYA na HIWALAY SA MGA GAWA NG KAUTUSAN
Sa itaas, kung iaagapay at ihahambing ang sulat nitong
si Pablo sa mga taga Roma at sa mga taga Corinto ay maliwanag na makikitang ang
mga ito’y may pagkakakilanlan ng paghihimagsik sa mga salita ng katuwiran na
isinatitik ni Mateo at ni Juan. Ito’y isang hayag ngayong patotoo na hindi
maaaring itanggi maging ng mga matatapat at masusugid na tagapagtanggol ng mga
sulat ng taong nabanggit.
Kung gayon ngang pinatay ng mga talata sa itaas ang
kautusan (Torah) ng Sinai, ay maliwanag ngang ang katotohanan ng Dios ay patay
na rin. Kung magkagayon ay ano pang katotohanan ang aasahan ng lahat kung ang
eksistensiya nito ay tinapos na nitong si Pablo. Sa gayo'y sino nga itong si
Pablo, upang pati ang kautusan ng Dios na nangatatatag magpakailankailan man ay
pawalan niya ng anomang kabuluhan.
AWIT 119 :
142 Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan.
Dahil
sa katuwirang iyan ay lalabas na hindi matuwid sabihin ang mga sumusunod na
pahayag.
QUOTE: Ang 10 utos ay nagsisilbing gabay at panuntunan sa ikabubuti ng sarili na siyang sinasakop ng pagibig sa kapuwa at pananalig sa Dios, datapuwa't ang bisa ng kahatulan na kamatayan sa bawa't kalabagan sa 10 utos ay hindi na umiiral sapagka't kung mayroon pa itong bisa ay walang taong mananatiling buhay sa kasalukuyan, hindi po ba?,...dahil ang lahat ay nakalalabag sa nasabing mga kautusan, UNQUOTE.
Ang pangungusap ngang iyan sa itaas ay maituturing na isang
padalosdalos na paglalahad ng pangangatuwiran ng mga tagatangkilik ng KATURUANG PABLO (evangelio ng di pagtutuli), sapagka't sa KATURUANG CRISTO (evangelio ng kaharian) ay gaya
ng mababasa sa ibaba ang katuwiran na nagtutumibay.
1. Ang
sinasasabing pag-ibig ay tumutukoy ng ganap sa kautusan, na siyang katotohanan
na nararapat isabuhay ng sinoman sa kalupaan. Kung iyan nga ay mawawalan ng
anomang kabuluhan, o mawawalan ng bisa ay para na ring pinatay ang katotohanan
na siyang nagpapaging banal sa mga gumaganap ng kautusan.
2. Oo
nga't ang marami ay hindi maitatangging nabubuhay sa paggawa ng kasalanan.
Gayon man, ang Ama nating nasa langit ay hindi karakarakang nagpapataw ng
kaparusahan sa sinoman, sapagka't kaniyang sinabi,
Eze 18 :
21 Nguni't kung ang masama ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at matuwid, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.
22 Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa niya na aalalahanin laban sa kaniya: sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya.
Eze 18 :
32 Sapagka't wala akong kasayahan sa kamatayan niya na namamatay, sabi ng Panginoong Dios: kaya't magsipagbalik-loob kayo, at kayo'y mangabuhay.
Bakit nga ang mga tao sa kabila ng patong-patong na kasalanan ay may
laya at pagkakataon pa rin na magbago mula sa kasamaan tungo sa kabutihan, at
ang Ama ay bukas palad sa mga
masasama na nagsipagbalik loob sa kaniyang katuwiran. Gayon man ay hindi
nangangahulugan na inaari ng Dios ang masama. Nangyayari lamang iyan matapos na
ang sinoman ay talikuran ang kasamaan at harapin ang pagtangkilik, pagtataguyod,
pagtatanggol, at pagtalima sa kautusan.
Saan man at kailan man ay hindi inari ng Dios
ang masama, bagkus silang masasama na hindi nagsipagbalik loob sa Kaniya at nagsipanatili sa kanilang
kasamaan ay isinasailalim Niya sa
hatol ng kamatayan.
Ibig
sabihin lamang ay umiiral ang kautusan sa pinakamalakas na bugso nito sa lahat
ng kapanahunan na nagdaan at sa mga darating pa, sapagka't iyan ang ginagawang
batayan ng Dios sa pagiging mabuti at masama ng sinomang tao sa kalupaan. Iyan
din ang tagapaghatid ng sinoman sa kabuhayang walang hanggan at kamatayan ng
kaluluwa ninoman.
Bilang
katunayan ay sinabi ng Dios,
Eze 18:
24 Nguni't pagka ang matuwid ay humiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at gumagawa ng ayon sa lahat na kasuklamsuklam na ginagawa ng masamang tao, mabubuhay baga siya? Walang aalalahanin sa kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa: sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang, at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ipinagkasala, sa mga yaon mamamatay siya.
25 Gayon ma'y inyong sinasabi, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid. Pakinggan mo ngayon, Oh sangbahayan ni Israel, Hindi baga ang aking daan ay matuwid? hindi baga ang iyong mga lakad ang di matuwid?
26 Pagka ang matuwid ay humihiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at kinamamatayan; sa kasamaan na kaniyang nagawa ay mamamatay siya.
Kung
ang sinoman ngang nagbalik loob na sa Ama ay gumawang muli ng paglabag, sa
madaling salita ay mamamatay nga siya. Ano pa't tungkol sa kautusan ay madiin
namang sinalita ng sariling bibig ni Jesus ang mga sumusunod,
JUAN
12 :
50 At nalalaman ko na ANG
KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na
sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON
KO SINASALITA.
Ang
kautusan ayon sa KATURUANG CRISTO ay maliwanag at walang alinlangang humahatol
ng kamatayan sa mga mananalangsang ng kautusan. Gayon din naman ayon pa rin sa
katuruang iyan ng katotohanan ay tumatayong tulay ng sinoman tungo sa buhay na
walang hanggan.
Ang lahat, masama man o mabuti ay hinahatulan ng Dios gaya ng napakaliwanag na nasusulat,
ECL 12 :
13 Ito ang wakas ng bagay; lahat
ay NARINIG: IKAW
AY MATAKOT SA DIOS, at SUNDIN
MO ANG KANIYANG MGA UTOS; sapagka’t ITO ANG BOONG
KATUNGKULAN NG TAO.
14 Sapagka’t dadalhin ng Dios ang
bawa’t GAWA SA KAHATULAN, pati ng bawa’t kubling bagay, maging
ito’y MABUTI o maging ito’y MASAMA.
Isa
ngang hayag na kamalian na sabihin na ang bisa ng hatol nitong kautusan ay
napawi na. Iyan ay dahil sa lubhang malinaw na katuwirang sumasa Dios, na
nagsasabing hinahatulan ng Dios ang masama at mabuti. Ang hatol sa gayo'y
natatamo ng mga hindi sumasampalataya (sumasamba) sa katotohanan (kautusan) ng
Dios. Samantalang sila na sumasamba sa katotohanan (kautusan) upang itaguyod, tangkilikin, ipagtanggol,
at sundin ay mga tagapagkamit ng mga
walang patid na biyaya ng langit,
Ano't
sinabing napawi na ang utos, gayong ang katuwirang binibigyang diin ng Chronicle
at ng sariling bibig ng tunay na banal ng Dios na si David tungkol diyan, ay
gaya ng mga sumusunod na katuwiran,
AWIT 117 :
2 Sapagka’t ang kaniyang kagandahang loob
ay dakila sa atin; At ang KATOTOHANAN ng Panginoon ay MAGPAKAILAN MAN.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Psa 105 :
10 At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan, sa Israel na pinakawalang hanggang tipan:
10 At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan, sa Israel na pinakawalang hanggang tipan:
1Ch 16 :
17 At pinatotohanan din kay Jacob na pinaka palatuntunan, Kay Israel na pinaka walang hanggang tipan:
17 At pinatotohanan din kay Jacob na pinaka palatuntunan, Kay Israel na pinaka walang hanggang tipan:
Pinatototohanan
ng Awit 117:2, na ang kautusan na siyang katotohanan ng Dios ay magpakailan
man, na ang ibig sabihin ay umiiral sa pinakalakas na bisa nito na magpasawalang
hanggan. Ang kautusan sa makatuwid ay walang anomang ipinagbago mula noong una,
hanggang sa kasalukuyang panahon nating ito. Iyan pa rin ang pamantayan, kung
ang sinoman ay hahatulan ng buhay na walang hanggan, o ng kamatayan..
Suma
inyo ang kapayapaan, Hanggang sa muli paalam.
Ang pananampalataya na hiwalay sa gawa ng kautusan ay wala nga sa katotohanan. Yung pananampalataya na may gawa ng kautusan ay nasa katotohanan. Mahikli lang ang sulat mo pero tagos sa buto ko ang tama. Saludo ako sa iyo Yohvshva? Shame on you Paul.
TumugonBurahinAng Roma 3:28 ay hayagang pag hihimagsik itoy paglapastangan na lumabas sa bibig ng crito sa pag sasabing naparito ako upang hindi sirain ang kautusan kundi upang itoy ganapin .sino po ba ang dapat nating paniwalaan ang mismo salita na lumabas sa bibig ng cristo o ang isang apostol ng mga hentil (Pablo)na kailan man hindi nakita ni anino ng cristo .
TumugonBurahinMaliwanag sa sulat na kautusan ang katotohanan. Kaya ano pa ang hinihintay natin, lipat na tayo sa katotohanan, sundin na ang mga kautusan (10utos) ng Dios. sure win ito, walang talo. Patok na patok. Bakit? kasi Dios na mismo ang nagbigay ng tip. Hindi magsisinungaling yon.
TumugonBurahin