S
|
a Heb 8:3-5 ay sinasabing ang mga dakilang saserdote na ayon sa kautusan ay inilagay upang magsipag-alay ng mga handog at mga hain. Kinakailangan din naman ayon sa pahiwatig ng may akda, na itong si Jesus ay magkaroon ng anomang ihahandog. Datapuwa’t kung siya nga’y nasa lupa ay hindi siya maituturing na saserdote sa anomang paraan. Sapagka’t aniya’y mayroon ng mga saserdote na nagsisipaghandog ng mga kaloob ayon sa mga kautusan, na umano’y nangaglilingkod sa anyo at anino ng mga bagay sa kalangitan.
Ang tanong namin hinggil dito, yamang itong si Jesus ay nasa lupa pa ng panahong yaon ay hindi baga maaaring mapabilang siya sa kanila na nagsisipaghandog ng mga kaloob at ng mga hain? Kung hindi nga maaari ay bakit isinaysay ng may akda ng sulat sa mga Hebreo at ni Pablo ang mga sumusunod na pahayag?
Heb 7 :
27 Na hindi nangangailangan araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdtoe una-una’y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka’t ito’y ginawa niyang minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili.
28 Ay gayon di naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.
Heb 10 :
10 Sa kaloobang yaon tayo’y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man.
Roma 6 :
10 Sapagka’t ang kamatayan na ikinamatay niya, ay kaniyang ikinamatay na minsan sa kasalanan: datapuwa’t ang buhay na kaniyang ikinabubuhay, ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios.
Nangyari nga ang gayong paghahandog nitong si Jesus, nguni’t hindi sa paghahandog ng mga kaloob at hain na ayon sa itinadhana nitong kautusan ng Dios. Kundi sa pamamagitan nitong paghahandog niya ng kaniyang sariling buhay na minsanan. Kung gayo’y maliwanag pa sa sikat ng araw na ang ginawang yaon ni Jesus ay hayagang paglabag sa kautusan at kalooban ng Dios.
Sapagka’t ang kautusan ay yaon lamang mga piling hayop at piling bagay tulad ng langis ng olibo at kamangyan ang ihahandog na kaloob sa Dios. Nguni’t nakakagimbal na isiping imbis na gayon ang mangyari ay buhay ng tao mismo ang inihandog ng mga kaaway ng Dios sa kaniya.
Maliwanag nga kung gayon na ang Jesucristo na ipinakilala sa sulat na ito sa mga Hebreo at sa mga sulat ni Pablo sa iba’t ibang bayan ay kakaiba sa Jesus na sinaksihan ni Mateo, Juan, at ng iba pa nilang kasama sa labingdalawa (12).
Sa makatuwid, kung kikilalanin ang Jesus na sinaksihan ng labingdalawang (12) apostol ay siya ang lalabas na tunay, nang dahil sa siya ay walang anomang nilabag sa mga kautusan at palatuntunan ng Dios. Samantalang yaong Jesus na ipinakilala ng lapiang Gentil ay napakaliwanag na isang huwad.
Ano pa’t sa paghahandog pa lamang ng kaloob at hain ay sa karumaldumal na paraan niya ito isinagawa. Sapagka’t naghandog nga siya ng dugo, nguni’t hindi ng piling hayop ayon sa kautusan, kundi ng sarili niyang dugo at sarili niyang buhay. O, hindi baga maituturing na hangal, hibang, at masuwayin sa kautusan ng Dios ang Jesus na ipinakilala ng mga Gentil?
Nguni’t sa pagganap niya sa layuning itinalaga sa kaniya nitong Espiritu ng Dios sa sangbahayan ni Israel ay hindi sa paraan ng paghahandog ng buhay ang kaniyang ginawa. Kundi alangalang sa mga tupa na nangaligaw sa sangbahayan ni Israel, at gaya ng nangauna sa kaniyang propeta ay pinaslang din siya ng mga tampalasan . Na sinasabi,
Mateo 24 :
34 Kaya’t, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanila’y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila’y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila’y inyong paguusigin sa bayan-bayan.
35 Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana.
Magkagayon man ay laging may katiyakan sa isang mabuting bagay, at ito’y ang kaligtasan ng mga taong nagsipakinig ng mga salitang nangagsilabas mula sa kanilang bibig, na sinasabi,
MATEO 20 :
28 Gayon din naman ang Anak ng tao (Mat 24:34) ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at IBIGAY ANG KANIYANG BUHAY NA PANGTUBOS SA MARAMI. (tupa) (Mat 15:24, Juan 10:15).
Na sila nga yaong mga nangawaglit sa kawan ng mga tupa, na sa bawa’t panahon ay inaalalayan nitong Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kalooban ng bawa’t banal na nabuhay sa kalupaan.
Nguni’t sadyang malulupit ang mga tampalasan (kambing) at walang anomang pinighati at pinaslang ang hindi kakaunting sugo ng Dios na bumabawi sa mga nangaligaw na tupa na nasa kanilang dako. Isa nga sa kinilalang banal ng Dios kung gayon si Jesus na dumanas sa mga kambing (Gentil) ng gayong uri ng kalapastanganan.
Siya nga’y kanilang inalimura, hinampas, ipinako sa krus, sinaksak ng sibat sa tagiliran, at hinayaan nilang mamatay sa pagkakabayubay sa krus. Nguni’t sa kabila noo’y nabawi nitong Espiritu ng Dios sa kapanahunang yaon ang lahat ng nangaligaw na tupa sa buong lupaing nasasakupan nitong Israel, at sila’y naisauling lahat sa kawan ng mga tupa.
24 Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi, HINDI AKO SINUGO KUNDI SA MGA TUPANG NANGALIGAW SA BAHAY NI ISRAEL.
JUAN 10 :
15 Gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama, at ng sa Ama ay pagkakilala ko; at ibinibigay ko ang aking buhay dahil sa mga TUPA. (Mat 15:24, Juan 15:13-15)
Ang boong buhay nitong si Jesus kung gayo’y ibinigay niya sa Espiritu ng Dios na nasa kaniyang kalooban, upang ito’y gugulin nito sa pagliligtas ng kaluluwa at pagtubos ng mga sala ng mga tupa.
Sa pamamagitan nga ng kaniyang buhay ay nabigyan ng maluwang na daan ang nabanggit na Espiritu na nasa kaniya, sa ikagaganap ng dakila nitong layunin sa kawan ng mga tupa. Na siyang sa katotohanan ay nagligtas ng kanilang mga kaluluwa at tumubos ng kanilang mga sala.
Ano pa’t ang tinamong kamatayan ni Jesus sa krus ay hindi nakatubos ng sala, ni nakapagligtas man ng kaluluwa ninoman, sapagka’t ito ang siyang tanging kaganapan ng nasusulat tungkol sa kaniya bilang isang propeta (Mat 24:34).
Sa gayo’y ipinaalaala namin sa inyo na ang mga Gentil at Samaritano (Mat 10:6) ay hindi kailan man nakabilang sa layuning ito ng nabanggit na Espiritu sa kalooban ni Jesus. Sapagka’t sila ang mga totoong tampalasan (kambing) na binabanggit ng mga banal ng Dios sa kanilang mga aklat. Napakaliwanag na ang naging tanging layunin nitong Espiritu ng Dios na namahay at naghari sa kalooban ni Jesus ay ukol lamang sa mga tupa na nangaligaw sa sangbahayan ni Israel, gaya ng nasusulat.
MATEO 15 :
24 Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi, HINDI AKO SINUGO KUNDI SA MGA TUPANG NANGALIGAW SA BAHAY NI ISRAEL .
Narito, at sa inyo’y nalalahad ang katotohanang nagtutumibay hinggil sa usaping ito. Na ang mga Gentil na sumisimbulo sa mga kambing ay hindi kailan man nakabilang sa layuning nabanggit. Kaya ang sinomang magsasabing tinubos ng kamatayan ni Jesucristo ang sala ng sanglibutan (buong mundo) ay isang maliwanag na sinungaling at magdaraya. Sapagka’t gaya ng katotohanang nasusulat sa itaas ay tanging sa mga ligaw na tupa (anak ng pagsunod) lamang ang kaukulan ng pagkasugo kay Jesus sa sangbahayan ni Israel.
Meron palang peke na Jesus sa bible at siya yung jesus na ipinakilala ni Paul. Ang totoong jesus pala ay yung nadun sa book of Mathew and John. Ingat lang sa mga pastors mga kapatid, kasi pro-Paul silang lahat.
TumugonBurahinAyon po sa pagkaunawa ko sa aking nabasa si Jesus ay para lamang mga naligaw na tupa sa sangbahayan ni Israel hindi para sa buong mundo at ang katuparan lang ng kanyang kamatayan ay isa siyang propeta na gaya lang ng mga nauna sa kanya na pinatay ng mga anak ng pagsuway Isa na nanaman pong kaalaman para amin .Ang pagdaloy ng tubig ng buhay sa aming kaisipan kagin hawaan sa ispiritwal na pagsunod. Mabuhay ka Yohvshva bar Yusuf.
TumugonBurahinSadyang maraming kinikilalang Dios ang mga Gentil (pagano), hindi na nakapagtataka kung si Jesus ay gawin din nilang Dios.
TumugonBurahin