Sa pangalawang bahagi ng artikulo ay narito pa ang isang kawiliwiling usapin at iyan ay hinggil sa,
"To be born, to die, to be reborn again and constantly progress, that is the law." (Upang ipanganak, upang mamatay, upang maipanganak na muli at magpatuloy sa pagsulong, iyan ang batas) - Allan Kardec
Ang mabuhay, mamatay, at magkatawang-taong ng paulit-ulit. at patuloy na sumulong ay katotohanan nga kayang iyon ang batas? O ito’y bunga lamang ng pilosopiyang Kardec, na may malabis na paghihimagsik at pagpapawalang kabuluhan sa Katuruang Cristo, na siyang naghahayag ng katotohanan hinggil sa dalawang kapanganakan (tubig at Espiritu) lamang?
Linawin nga natin ang makontrobersiyal na usapin, na tumutukoy sa di umano ay muli at muling pagkakatawang-tao sa kalupaan, sa makatuwid ay ang reinkarnasyon. Sinasang-ayun nga ba ito ng Katuruang Cristo, o hindi?
Alamin nga natin.
Alamin nga natin.
5 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng TUBIG at ng ESPIRITU, ay HINDI SIYA MAKAPAPASOK SA KAHARIAN NG DIOS.
6 ANG IPINANGANAK NG LAMAN AY LAMAN NGA; at ang IPINANGANAK NG ESPIRITU AY ESPIRITU NGA.
7 Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, KINAKAILANGAN NGANG KAYO'Y IPANGANAK NA MULI.
Diyan ay maliwanag na sinasabi, na ang sinoman ay kailangan na ipanganak ng tubig at ng Espiritu lamang, upang siya ay makapasok sa kaharian ng Dios. Huwag ngang magtaka ani Jesus, sapagka’t kailangan ngang ang lahat ay ipanganak na muli (to be born again). MULI, na ang ganap na tinutukoy ay ang kapanganakan sa Espiritu, na siyang pangalawang kapanganakan.
Sa kakulangan ng hustong unawa sa nabanggit na talata (Juan 3:7) ay lalabas ngang isang tila matibay na katunayan ng reincarnation ang isinaad ng sariling bibig ni Jesus sa Juan 3:5-7. Gayon man, kung uunawaing mabuti at pag-uukulan ng masusing pag-aaral, at bahabahagdang pag-aanalisa sa mga talata sa itaas ay lalabas ang nagtutumibay na katotohanan. Na iyan sa makatuwid ang pinakakongkreto at pinaka eksaktong katunayan, na ang reincarnation ay hindi kailan man umiral, ni nagpahayag man ng anomang eksistensiya sa kalawakang ito ng dimensiyong materiya.
Ang lahat ay nagdaan sa unang kapanganakan sa pamamagitan ng masaganang daloy ng tubig mula sa sinapupunan ng isang ina. Dahil diyan ay walang sinoman sa kalupaan na hindi sumailalim sa kaisaisang paraan na iyan ng kapanganakan ng pisikal na katawan maliban kay Adan at Eva. Maging si Jesus na kinikilalang Dios ng mga pagano ay dumaan din sa dakila at masiglang kaparaanang iyan ng pagsilang.
Ang tao kung gayon ay kailangang dumaan sa dalawang kapanganakan, at ang unang pagsilang ay sa pamamagitan ng tubig mula sa sinapupunan ng isang ina. Ang pangalawang pagsilang ay sa pamamagitan ng Espiritu. Na ang ibig sabihin ay ipanganganak na bagong entidad, mula sa pagkamulat sa kabanalang hatid ng katotohanan, ng liwanag, ng pag-ibig, ng kapangyarihan, ng paglikha, ng karunungang may unawa, at ng buhay na walang hanggan.
Dahil diyan ay katuwiran na sumasa Dios, na ang sinoman ay minsan lang ipanganganak sa pamamagitan ng tubig, at minsan din lang ipanganganak ng Espiritu, at ang kaagad na kasunod nito ay ang walang hanggang pagsanib ng sinoman sa kaluwalhatian ng langit.
Sapagka’t tungkol diyan ay napakaliwanag ang pagkasabi ng sariling bibig ni Jesus, na ang wika ay gaya nito,
JUAN 3 :
7 Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, KINAKAILANGAN NGANG KAYO'Y IPANGANAK NA MULI.
Pakatandaan natin na hindi kailan man itunuro ng sariling bibig ni Jesus, na ang lahat ay “IPANGANGANAK NA MULI AT MULI, o ang PAULIT-ULIT NA PAGKAKATAWANG-TAO” Ang turo ay hindi gayon, kundi ang madiing wika niya ay “MULI”, na ang napakaliwanag na ibig sabihin ay minsan lamang mauulit ang una, gayon ma'y hindi na sa pamamagitan ng tubig, kundi sa Espiritu na ang pangalawa.
Sa makatuwid baga ay,
"Ang unang pagsilang ay sa tubig, at ang MULING pagsilang ay katotohanan na sa Espiritu."
Iyan nga ay hindi gaya ng iginigiit ng aral espiritismo ni Allan Kardec, na ang lahat ay dadaan sa muli at muling pagkakatawang-tao, sa pamamagitan ng masaganang tubig na bumubukal mula sa bahay-bata ng isang ina.
Bilang isang bato na sandigan ng katotohanan ay sariwain nga natin ang mahigpit na utos ng kaisaisang Dios ng langit, tungkol sa kung sino ang matuwid nating sundin sa kalupaang ito na ating tinatahanan. Na ang madiing utos ay gaya nito.
5 Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
Kung ang mahigpit na utos ng Ama nating nasa langit ay Katuruang Cristo lamang ang ating pakikinggan. Sa madaling salita ay wala tayong anomang balidong kadahilanan, upang bigyang halaga at sundin ang katuruan ninoman, na humihidwa sa alin mang aral na masusumpungan sa Katuruang Cristo.
Dahil diyan ay pag-agapayanin nga natin ang Katuruang Cristo at Katuruang Kardec, at sa matalinong pagpapasiya ay kayo na rin sa inyong mga sarili ang hahatol sa kahidwaan ng Katuruang Kardec hinggil sa partikular na usaping ito.
KATURUANG CRISTO
Joh 3:5 Jesus
answered, Verily, verily, I say unto thee, EXCEPT A MAN BE BORN OF WATER AND OF THE SPIRIT, he cannot
enter into the kingdom of God.
6 That which is born of the flesh is flesh; and that which is born of the Spirit is
spirit.
7 Marvel not that I said unto thee, Ye must be born again.
|
KATURUANG KARDEC
"To
be born, to die, to be reborn
again and constantly progress, that is the law." |
Batay sa may kahigpitan na utos ng Ama, na si Jesus ang ating pakinggan ay matatawag nga na ang sinoman ay anticristo, kung ang pipiliin at paniniwalaan niyang aral ay ang aral ni Allan Kardec na nagtuturo ng reincarnation. Sapagka’t gaya ng napatunayang katotohanan sa itaas ay dalawang kapanganakan lamang ang katotohanang kailangang pagdaanan ng sinomang tao sa kalupaan. Ang una nga ay ang kapanganakan, o pagsilang ng pisikal na katawan kasabay ng rumaragasang tubig mula sa mapagpalang sinapupunan ng isang ina, at ang pangalawa ay ang kapanganakan, o pagsilang sa Espiritu, na tumutukoy sa pagkakilala at pagtalima sa pitong(7) Espiritu ng Dios na kumakatawan sa katotohan, ilaw, pag-ibig, kapangyarihan, paglikha, karunungan, at buhay.
Napakaliwanag na sa Katuruang Cristo ay katapusan na ng gawain sa lupa ang pangalawang kapanganakan(sa Espiritu). Sapagka't kasunod na niyan ang pagpasok ng kaluluwa sa kaluwalhatian ng langit bilang lihitimong bahagi nito.
Kapansinpansin naman na sa Katuruang Kardec, ay ang pangalawang pagkakatawang-tao sa pamamagitan ng masaganang tubig mula sa sinapupunan ng isang ina, ay iyon pa lamang pala ang simula ng pagsulong ng kaluluwa. Nasaan ngayon ang sintido ng Katuruang Kardec, kung Katuruang Cristo ang pagbabatayan ng katotohanan hinggil sa usaping ito?
Sa gayo’y isa nga iyang hidwang katuruan na maglalagay lamang sa kanino mang kaluluwa sa tiyak na kapahamakan ng kaniyang sarili. Sapagka’t imbis na magsumikap ang sinoman na sumunod sa kalooban ng Dios sa buhay niyang ito ay nanaisin pa muna niyang maglimayon muna sa kalawakan ng kamangmangan, sa kadahilanang sa susunod na pagkakatawang tao na lamang aniya siya babawi.
Lubhang nakakatakot na paglagakan ng tiwala ang Katuruang Kardec, sapagka’t tinuturuan nito ang lahat na maging makupad at tamad sa pagsasabuhay nitong kalooban ng Dios. Nang sa gayon ay abutan sila ng kamatayan na walang anomang kahandaan sa kabuhayang walang hanggan. Ano pa't kung mangyari iyan ay wala ng anomang paraan pa upang maligtas ang kaisaisang niyang kaluluwa, dahil sa kasagsagan ng kaniyang buhay sa kalupaan ay hindi niya nagawa na maipanganak na muli sa pamamagitan ng Espiritu. Sa gayon ay hindi na siya makakapasok sa kaluwalhatian na kung saan ay masusumpungan ang dakilang karangalan ng kaisaisang Dios. Ang kaawa-awang kalagayang iyan ay tinatawag na pangalawang kamatayan (disolution).
Ang katuruang Kardec na tumutukoy sa reicarnation sa makatuwid ay hindi aral na tumutukoy sa pagsulong ng kaluluwa, kundi isang mapanglinlang na kaparaanan ng masama, upang ang sinoman ay pigilan na matamo sa kasalukuyan niyang buhay ang pangalawang pagsilang (ng Espiritu). Ang turo ngang iyan ni Allan ay maihahalintulad sa epektibong bitag ni Satanas, na kung ang sinoman ay masilo nito ay walang anomang kakaladkarin ang katawang pisikal at kaluluwa niya, upang ang dalawang iyan ay ibulid sa una at pangalawang kamatayan.
BILANG KONGKLUSYON AY UNAWAIN NATING MABUTI ANG KATUWIRAN NA SINASANG-AYUNANG LUBOS NG BANAL NA TANAKH NG DOS.
Sa kasulatan ng mga banal ng Dios ay maliwanag na ipina-unawa sa atin ang una at pangalawang pagsilang lamang. Gayon ding doon ay binigyang diin ang kaawa-awang kalagayan na tumutukoy sa una at pangalawang kamatayan lamang. Nasaan ngayon ang sintido ng reinkarnasyon ni Allan Kardec na tumutukoy sa muli at muling pagkakatawang-tao, kung dalawang pagsilang at dalawang kamatayan lamang pala ang kahustuhan ng aktuwalidad na pinatototohanan ng banal na kasulatan?
Sa kasulatan ng mga banal ng Dios ay maliwanag na ipina-unawa sa atin ang una at pangalawang pagsilang lamang. Gayon ding doon ay binigyang diin ang kaawa-awang kalagayan na tumutukoy sa una at pangalawang kamatayan lamang. Nasaan ngayon ang sintido ng reinkarnasyon ni Allan Kardec na tumutukoy sa muli at muling pagkakatawang-tao, kung dalawang pagsilang at dalawang kamatayan lamang pala ang kahustuhan ng aktuwalidad na pinatototohanan ng banal na kasulatan?
Pagpapatunay lamang na "Anticristo" ang Espiritismo ni Allan Kardec na tumutukoy sa muli at muling pagkakatawang tao sa pamamagitan ng tubig na nagmumula sa sinapupunan ng isang ina (reincarnation). Iyan nga ay hindi isang paratang ni paninira man tungo sa pangsariling kapakinabangan, Kundi kongkretong katunayan na nagmula sa payak at dalisay na mga dakilang aral pangkabanalan na masusumpungan lamang sa buong nilalaman ng Katuruang Cristo.
Sa pagtatapos ng akdang ito ay isa-alang-alang nga muna natin ang kasabihang ito.
“Huwag ng ipagpabukas pa ang anomang maaring gawin sa ngayon.”
Ngayon na nga ang panahon ng paggawa, at hindi bukas, o kung kailan pa man na walang garantiyang ito ay darating pa sa sinoman. Ang orasan ay patuloy na nagpapakita ng mga nagugol nating mga mahahalagang sandali. Huwag nating bayaan na lumipas ang mga oras ng ating buhay na walang nagawang anomang paghahanda sa kabuhayang walang hanggan. Iyan ay ang masigla at may galak sa puso na pagsasabuhay ng mga dakilang aral pangkabanalan na mismo ay ipinangaral ng Mesias (Cristo).
Muli, walang sinomang nakababatid ng panahong magsisidating maliban sa Ama nating nasa langit. Ang mamaya, o ang bukas kung gayon ay walang katiyakan na darating pa sa sinoman. Ang "ngayon" ang husto at eksaktong pagkakataon na gawin ng sinoman ang mga payak na bagay ng Dios, bilang paghahanda sa pagtatamo ng buhay na walang hanggan na masusumpungan sa kaluwalhatian ng kaisaisang Dios ng langit.
Ang sinomang tumitiwala sa pagdating ng "mamaya" at ng "bukas" ay tanda ng katamaran, at isang maliwanag na pahiwatig ng walang pagsalang pagkapahamak ng kaluluwa ninoman. Bakit naman sasabihing "mamaya na," at "ipagpapabukas pa" ang gawain, na labis-labis ang panahon na magawa at maisakatuparan sa "ngayon."
Samantalang, ang Katuruang Cristo ay ang mga aral pangkabanalan na nagbibigay diin, na sa buhay nating ito ay higit sa sapat na matamo ng kaluluwa ninoman ang buhay na walang hanggan sa siping ng Ama niyang nasa langit. Iyan ay sa pamamagitan ng masigla at may galak sa puso na pagtangkilik, pagtataguyod, pagtatanggol, at pagtalima sa natatanging kalooban ng kaisaisang Dios ng langit. Gayon ngang ang mga iyan ay tumutukoy ng ganap sa dakila at dalisay na aral pangkabanalan, na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ni Jesus ng Nazaret.
Ito ang Katuruang Cristo.
Muli, walang sinomang nakababatid ng panahong magsisidating maliban sa Ama nating nasa langit. Ang mamaya, o ang bukas kung gayon ay walang katiyakan na darating pa sa sinoman. Ang "ngayon" ang husto at eksaktong pagkakataon na gawin ng sinoman ang mga payak na bagay ng Dios, bilang paghahanda sa pagtatamo ng buhay na walang hanggan na masusumpungan sa kaluwalhatian ng kaisaisang Dios ng langit.
Ang sinomang tumitiwala sa pagdating ng "mamaya" at ng "bukas" ay tanda ng katamaran, at isang maliwanag na pahiwatig ng walang pagsalang pagkapahamak ng kaluluwa ninoman. Bakit naman sasabihing "mamaya na," at "ipagpapabukas pa" ang gawain, na labis-labis ang panahon na magawa at maisakatuparan sa "ngayon."
Ang mapanlinlang na aral ng "reincarnation" nitong si Allan Kardec, kung gayon ay ang "pagpapamamaya" at "pagpapabukas," na mga panahon na walang sinomang nakatitiyak kung ang mga sandaling iyon ay darating pa sa atin.
Ito ang Katuruang Cristo.
Kamtin ng bawa’t isa ang walang patid na biyaya ng Dios na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
More on Reincarnation Click here
Back to Katuruang Kardec Part 1 of 2 Click here
More on Reincarnation Click here
Back to Katuruang Kardec Part 1 of 2 Click here
RELATED ARTICLE:
Muling Pagsilang (to be born again) Click here
Reincarnation (pagkakatawang taong muli) Click here
Ang Pagkabuhay na Muli ng mga Patay (Resurrection) Click here
Muling Pagsilang (to be born again) Click here
Reincarnation (pagkakatawang taong muli) Click here
Ang Una at Pangalawang Kamatayan Click here
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento