Paul vs. Jesus |
Madiing wika ni Jesus; ang Kautusan ay namamalagi sa kaganapan ng buhay na walang hanggan sa
kanino mang kaluluwa. Sa kabila ng
nagtutumibay na pahayag niyang iyan ay tila walang anomang ipinamalita nitong
si Pablo, na ang nabanggit na kautusan ay hindi gaya ng
pinatototohanan ng sariling bibig ng Cristo.
Bago nga natin suungin
ang pagpalaot sa makontrobersiyal na usaping iyan ay bigyan nga muna natin ng
kaukulan at hustong tanglaw, kung sino at kaninong aral pangkabanalan ang sa katuwiran ng kaisaisang Dios ng langit
ay matuwid nating pakinggan at sundin.
Hinggil diyan, sa
pamamagitan ng sariling bibig ni Mateo ay tahasan na winika ng Ama nating nasa langit ang mga sumusunod na pahayag, na ang napakaliwanag na pagtatapat ay gaya ng mga ito,
Mat 17 :
5
Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap
ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na
nagsasabi, ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, NA SIYA
KONG KINALULUGDAN; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
Sa talata ngang iyan
sa itaas ay malinaw na nasasaad ang isang katotohanan na higit sa lahat ay
matuwid nating tangkilikin, itaguyod,
ipangtanggol, ipangaral, at sundin.
Na ang mahigpit na utos ng Ama ay ang
mga salita lamang ng sariling bibig ni Jesus
ang ating pakikinggan. Bukod sa turo ng Cristo (katuruang Cristo) na tanyag din sa tawag na evangelio ng kaharian ay wala na tayong ibang evangelio (ibang aral) na pakikinggan pa.
Sapagka’t tungkol
diyan partikular sa mga kautusan ng Dios
ay isang katotohanan na hindi maitatanggi ng sinoman ang mga sumusunod na
salita na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo, gaya ng mga sumusunod,
JUAN 12 :
50
At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA
WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na
sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
Napakaliwanag ang tuwirang pahayag
ng sariling bibig nitong Cristo ng Nazaret, na ang
pagganap sa kautusan ay nagsusulong sa
sinomang kaluluwa ng buhay na walang hanggan. Iyan sa
makatuwid ang tagapaglunsand ng sinoman sa kaluwalhatian na kung saan ay
masusumpungan ng sarili niyang kaluluwa
ang kawalang hanggan ng buhay.
Gaya nga rin ng katunayan na
tuwirang sinalita ng sariling bibig ng Cristo
sa ibang dako, na ang napakaliwanag na pagkakahayag ay gaya ng mga sumusunod,
MATEO 19 :
17 At sinabi
niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa MABUTI? May isa, na siyang MABUTI: datapuwa’t kung ibig mong
pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.
Ang kautusan sa paningin ng kaisaisang
Dios ng langit ay mabuti, at kung ang sinomang kaluluwa ay nagnanais na makapagtamo ng buhay na walang hanggan ay wala nga siyang nararapat na gawin,
kundi ang maingat na pagtalima lamang sa mga nabanggit na mabuting kautusan.
Kaugnay niyan, ang isang
napakaliwanag na layunin ng pagkasugo sa Cristo ng Nazaret ay patotohanan
ang katotohanan, at tuparin ang mga kautusan ng kaisaisang Dios ng langit, na sinasabi,
Juan 18 :
37 Sinabi
nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga'y hari? Sumagot si Jesus, Ikaw ang
nagsasabing ako'y hari. Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito
sa sanglibutan, upang BIGYANG PATOTOO ANG KATOTOHANAN. Ang
bawa't isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.
MATEO 5 :
17
Huwag ninyong isiping ako’y
naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
18
Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang
langit at ang lupa, ang isang TULDOK o
isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga
bagay.
Narito, at ayon sa pahayag ng
sariling bibig ng Cristo ay naparito
siya sa sanglibutan, hindi upang sirain, o pawalang kabuluhan ang kautusan (torah), ni ang mga propeta (nevi’im) man. Kundi upang ito ay patotohanan na
nangatatatag hanggang sa maganap dito sa dimensiyong ito ng materiya
ang dakila at ganap na layunin ng kaisaisang Dios
ng langit.
Ano pa’t kung si Jesus ng Nazaret ang matuwid nating susundin
ay kabilang na nga sa pagsunod sa kaniya na gawin ang mga gawa na ginawa ng Cristo, noong siya’y narito pa sa
sanglibutan ng kalupaan na ating tinatahanan.
JUAN
14 :
12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa
inyo, ANG SA AKIN AY SUMASAMPALATAYA, AY GAGAWIN DIN NAMAN NIYA
ANG MGA GAWANG AKING GINAGAWA; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagka't ako'y paroroon sa Ama.
Hindi mahirap unawain ang mababasa
sa talata, na ang sinoman na sumasampalataya kay Jesus ay gagawin din naman niya ang mga gawang ginawa niya, nang
siya’y narito pa sa sangbahayan ni Israel.
Siya ay masigla at may galak sa kaniyang puso na nagtaguyod, tumangkilik, nagtanggol, nangaral, at tumalima sa kautusan ng kaisaisang Dios ng langit. Gaya niya ay gayon nga rin ang ating gagawin, hindi upang gibain, ni lansagin man sa kaisipan ng mga tao ang kautusan, sa pamamagitan ng pagsasabing ito'y inutil at walang kabuluhan, o bagay na walang anomang halaga sa natatangi nitong layunin sa kalupaan.
Bagkus ang kautusan gaya ng ginawa ni Jesus ng Nazaret ay itataguyod, tatangkilikin, ipagtatanggol, ipangangaral, at susundin natin na walang anomang pagaalilangan. Sa gayo'y lalong higit pa kay sa rito ang maaari nating gawin sa pamamagitan nitong Espiritu ng Dios na sumasa atin. Kung ano man ang mga iyon ay Siya lamang ang higit na nakakatalos. Ang mahalaga ay gawin nating isang sandigan ng matuwid na landas ng tunay na kabanalan ang mga dakilang gawa ng Dios sa pamamagitan ng Cristo Jesus, na nasaksihan ng marami sa natatangi nilang kapanahunan.
Sa mga talata na ginawa naming
patibayang aral ay kapansinpansin, ang katotohanan na si Jesus ng Nazaret ay nahahayag ng napakaliwanag na isang tagapagtaguyod,
tagatangkilik, tagapagtanggol, tagapangaral, at tagasunod nitong kautusan ng kaisaisang Dios ng langit. Iyan ang katotohanan na bumibigkis ng
mahigpit sa sinoman na masigla at malayang gumaganap sa natatanging kalooban (kautusan) na iyan ng kaisaisang Dios ng langit.
Kasalungat ng katuwirang sumasa Dios na masigla at malayang ipinahayag ng Espiritu ng Dios sa pamamagitan ng sariling bibig ng Cristo; narito, at madiin namang pinasisinungalingan nitong evangelio ng di-pagtutuli (Katuruang Pablo), na katuruang likha, at imbento ng sariling isip ng taong si Pablo.

EVANGELIO NG KAHARIAN LABAN SA EVANGELIO NG
DI PAGTUTULI
DI PAGTUTULI
(Katuruang Cristo vs. Katuruang Pablo)
Paul (aka) Saul of Tarsus The greatest liar and deceiver of all time The father of Anti-Christs |
Sa ibang dako nga, samantalang masigla at may galak sa puso na isinasabuhay ng marami ang katuruang Cristo, o ang evangelio ng kaharian na may ganap na kinalaman sa tuwirang pagpapatibay ng kautusan. Makikita din naman ng napakaliwanag sa kasulatan (NT), na itong si Pablo ay may kahangalan at kahibangan na itinuturo ang pagpapawalang kabuluhan sa nabanggit na kautusan ng kaisaisang Dios ng langit.
Sa kaniyang mga sulat ay
walang pakundangan niyang inilakip doon ang mga sumusunod na mga aral ng paggiba, o
pagbuwag sa katuwiran ng kautusan. Imbis nga
na kaniyang sang-ayunan ang katuruang
Cristo (evangelio ng kaharian) hinggil sa matuwid na aral ng kautusan,
ay kabaligtaran sa mga iyon ang madiin niyang turo, gaya ng mga sumusunod,
Eph 2 :
15 Na inalis
ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit KAUTUSAN na may mga
batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang
isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;
Col 2 :
14 Na pinawi
ang USAPANG NASUSULAT sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naayon sa atin:
at ito'y kaniyang inalis, na ipinako sa krus;
2Cor 3 :
14 Datapuwa't
ang kanilang mga pagiisip ay nagsitigas: sapagka't hanggang sa araw na ito,
pagka binabasa ang MATANDANG TIPAN, ang talukbong
ding iyon ay nananatili na hindi itinataas, na ito'y naalis sa pamamagitan ni
Cristo.
Gal
5 :
1 Sa kalayaan
ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na
muli sa PAMATOK NG PAGKAALIPIN.
Rom 10 :
4 Sapagka't SI
CRISTO ANG KINAUUWIAN NG KAUTUSAN sa ikatutuwid ng bawa't
sumasampalataya.
2Cor 3 :
7 Nguni't kung ang PANGANGASIWA
NG KAMATAYAN, na nasusulat, at nauukit sa mga bato, ay nangyaring may
kaluwalhatian, ano pa't ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni
Moises, dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha; na ang kaluwalhatiang ito'y
lumilipas:
Col 2 :
14 Na pinawi
ang USAPANG
NASUSULAT sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naayon sa
atin: at ito'y kaniyang inalis, na ipinako sa krus;
15 Pagkasamsam
sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila'y mga inilagay niya sa hayag na
kahihiyan, na nagtatagumpay siya sa kanila sa bagay na ito.
16
Sinoman nga ay
huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa
kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath:
17 Na isang
anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't ang katawan ay kay Cristo.
Rom 3 :
27 Kaya nga
saan naroon ang pagmamapuri? Ito'y inihiwalay na. SA
PAMAMAGITAN NG ANONG KAUTUSAN? NG MGA GAWA? HINDI: KUNDI SA PAMAMAGITAN NG
KAUTUSAN NG PANANAMPALATAYA.
Rom 4 :
15 SAPAGKA'T
ANG KAUTUSAN AY GUMAGAWA NG GALIT; DATAPUWA'T KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA
RING PAGSALANGSANG.
2Cor 3 :
9 Sapagka't KUNG ANG
PANGANGASIWA NG KAHATULAN AY MAY KALUWALHATIAN, ay bagkus pa ngang higit na sagana
sa kaluwalhatian ang pangasiwang ukol sa katuwiran.
Gal 2 :
16 Bagama't
naaalaman na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa kautusan,
maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay
nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng
pananampalataya kay Cristo, at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG AYON SA KAUTUSAN: sapagka't sa
mga gawang ayon sa kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinomang laman.
Gal 3 :
19 ANO NGA ANG KABULUHAN NG KAUTUSAN? Idinagdag dahil
sa mga pagsalangsang, hanggang sa pumarito ang binhi na siyang pinangakuan; at
ito'y iniutos sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng isang tagapamagitan.
Gal 4 :
8 Gayon man nang panahong yaon, sa hindi ninyo
pagkakilala sa Dios, kayo'y nasa pagkaalipin ng sa katutubo ay hindi mga dios:
9 Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo
ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, BAKIT MULING NANGAGBABALIK KAYO DOON SA MAHIHINA AT
WALANG BISANG MGA PASIMULANG ARAL, na sa mga yao'y ninanasa ninyong
magbalik sa pagkaalipin?
Rom
7 :
1 O hindi
baga ninyo nalalaman mga kapatid (sapagka't nagsasalita ako sa mga taong
nakakaalam ng kautusan), na ang kautusan ay naghahari sa tao samantalang siya'y
nabubuhay?
2 Sapagka't ang babae na may asawa ay itinali
ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa't kung ang asawa'y
mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa.
3 Kaya nga kung, samantalang nabubuhay ang
asawa, siya'y makikisama sa ibang lalake, siya'y tatawaging mangangalunya:
datapuwa't kung mamatay ang asawa, ay laya na siya sa kautusan, ano pa't siya'y
hindi na mangangalunya, bagaman siya'y makisama sa ibang lalake.
4 Gayon din naman, mga kapatid ko, kayo'y
nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo; upang kayo'y
makisama sa iba, sa makatuwid baga'y doon sa nabuhay na maguli, upang tayo'y
magsipagbunga sa Dios.
5 Sapagka't nang tayo'y nangasa laman, ang mga
pitang salarin na pawang sa pamamagitan ng kautusan, ay nagsigawa sa ating mga
sangkap upang magsipagbunga sa kamatayan.
6 Datapuwa't NGAYON TAYO'Y NANGALIGTAS SA KAUTUSAN, YAMANG TAYO'Y
NANGAMATAY DOON SA NAKATATALI SA ATIN; ano pa't nagsisipaglingkod na tayo
sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat.
Heb 7 :
18 Sapagka’t NAPAPAWI
ANG UNANG UTOS dahil sa kaniyang KAHINAAN at KAWALAN NG
KAPAKINABANGAN.
19 (Sapagka’t
ang KAUTUSAN AY WALANG ANOMANG PINASASAKDAL), at may pagpapasok ng isang
pagasang lalong magaling (pananampalataya), na sa pamamagitan nito’y
nagsisilapit tayo sa Dios.
Heb 8 :
7 Sapagka’t kung ang UNANG TIPANG YAON ay naging WALANG
KAKULANGAN, ay hindi na sana
inihanap ng pangangailangan ng PANGALAWA.
Heb 6 :
1 Kaya nga TAYO’Y TUMIGIL NA NG MGA
UNANG SIMULAIN NG ARAL NI CRISTO, at tayo’y
mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan
ng pagsisisi sa mga PATAY NA GAWA (kautusan), at ng pananampalataya sa
Dios.
Gal 3 :
11 Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap sa KAUTUSAN sa harapan
ng Dios; sapagka’t ang GANAP AY MABUBUHAY SA PANANAMPALATAYA. (Juan 12:50)
Roma 6 :
14 Sapagka’t ang KASALANAN ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka’t WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN, kundi sa ilalim ng biyaya. (pananampalataya)
Roma 3 :
20 Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa
pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG
KASALANAN.
Gawa 13 :
39 At sa
pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga
bagay, na sa mga ito’y HINDI KAYO AARIING GANAP SA PAMAMAGITAN NG KAUTUSAN
NI MOISES. (1 Hari 2:3-4)
Roma 7 :
21 Kaya nga
nasumpungan ko ang isang KAUTUSAN na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang MASAMA ay
nasa akin.
Roma 3 :
28 Kaya nga MAIPASISIYA
NATIN na ang tao ay inaaring-ganap sa PANANAMPALATAYA na HIWALAY SA MGA GAWA NG KAUTUSAN.
Napakaliwanag ng mga pahayag nitong
si Pablo sa hindi kakaunting talata
na masigla naming inilahad sa itaas. Diyan ay mapapag-unawa ng lubos na wala
siyang anomang ipinakitang patibayang aral na mula sa mga salita (katuruang Cristo [Katuruang Cristo]) na nangagsilabas mula sa sariling bibig
ng Cristo bilang matibay na patotoo sa lantaran niyang mga pananalansang sa kautusan.
Katotohanan lamang na hindi maikakaila ninoman, na ang buong nilalamang aral nitong evangelio ng di-patutuli (Katuruang Pablo) ay walang alinlangan na hindi kailan man sinang-ayunan nitong mga turo ng tunay na kabanalan sa buong nilalalaman ng Katuruang Cristo, o nitong Evangelio ng kaharian.
Palibhasa'y idinesenyo at binalangkas ni Pablo ang mabuway na istraktura nitong evangelio ng di-pagtutuli (Katuruang Pablo). Iyan ay mula sa halo-halo niyang mga tila kapanipaniwalang personal na OPINION, at ng mga kahikahikayat niyang HAKAHAKA; hinggil di umano sa kawalang kabuluhan, at pagiging inutil ng kautusan pagdating sa kaligtasan ng kaluluwa at kapatawaran ng mga kasalanan.

Ayon pa sa sumusunod na talata ay binigyang diin nitong Espiritu ng Dios sa kalooban ni Jesus ng Nazaret, na kaisaisang evangelio lamang ang ipangangaral ng mga tunay na apostol ng Cristo sa buong sanglibutan, na ang napakaliwanag na wika ay gaya ng mga sumusunod,
Mat 24 :
14 AT IPANGANGARAL ANG EVANGELIONG ITO NG KAHARIAN SA BUONG SANGLIBUTAN sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.
Katotohanan kung gayon na ang evangelio ng di-pagtutuli (Katuruang Pablo), saan man at kailan ma'y hindi iniutos ng Dios na ipangaral sa sangkatauhan, bagkus ay ang Evangelio ng kaharian (katuruang Cristo) lamang ang natatanging evangelio na iniutos ng kaisaisang Dios na masigla at may galak sa ating puso na isabuhay.
Sa pagpapatuloy ay gayon ngang tahasang giit ni Pablo ang pagpapawalang kabuluhan sa
kautusan, upang ang kabuoan ng matatag na istraktura nitong evangelio ng kaharian (katuruang Cristo) ay tuluyan ng magiba at ganap na malansag sa paningin ng sangkatauhan.
Layon niya na sa mga tao ay magmukhang inutil, o walang silbi ang kabuoang kautusan ng kaisaisang Dios ng langit. Iyan ay sa pamamagitan ng imbento niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli [Katuruang Pablo]), na kung saan ay hayagan ang kaniyang paghihimagsik sa mga kautusan ng kaisaisang Dios ng langit.
Sukat, upang malahad ng napakaliwanag sa ating lahat, na siya ay isang totoong huwad na mangangaral, at ganap na lumalapat sa kasuklamsuklam na kalagayan ng isang tunay na ANTICRISTO.

Kailan man ba, gaya ni Pablo ay naging laban, o kinakitaan munti man ng paghihimagsik
itong si Jesus ng Nazaret sa mga kautusan nitong kaisaisang Dios ng langit? Ang napakaliwanag na sagot ay hindi
kailan man nangyari maging saan man ang gayon. Sapagka’t gaya ng mga nangagtutumibay na katunayang
biblikal na nangalalahad sa unang bahagi ng artikulong ito ay ipinakita ni Jesus ng
napakaliwanag sa sangkatauhan, kung papaano siya ay ganap na lumapat sa banal na kalagayan ng isang lehitimong tagatangkilik,
tagapagtaguyod, tagapag- tanggol, tagapangaral, at tagasunod ng kautusan.
Kung uulintin namin ang gaya ng
napakaliwanag na pahayag ng sariling bibig ng Cristo sa una ay tulad nga lamang ng malinaw na mababasa sa ibaba.
MATEO 5 :
17
Huwag ninyong isiping ako’y
naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
18
Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang
langit at ang lupa, ang isang TULDOK o
isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga
bagay.
JUAN 12 :
50
At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA
WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na
sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
Si Jesus nga’y naparoon sa
sangbahayan ni Israel, hindi upang ang
kautusan ay sirain, o lansagin, ni gibain man ito, Kundi upang ito’y ganap
na pagtibayin sa kaisipan ng sangkatauhan at ito'y ibigkis ng mahigpit sa kamalayan ng sinoman sa kalupaan. Siya nga rin ay naparoon hindi upang
gawing sinungaling ang mga propeta ng
Dios, kundi upang bigyan ng kaukulang diin ang katotohanang aral hinggil sa Kautusan, na may
katapangan nilang ipinangaral mula sa kanikanilang kapanahunan.
Katotohanan ngang hindi maaaring
pasinungalingan ng sinoman, na sa mga kautusan
ng Dios ay hindi mawawala kahit tuldok, ni kudlit man nito. Katunayan na ang kautusan ay hindi kailan man naging
inutil sa natatangi nitong layunin, na gawing tulay ng sinoman tungo sa
kabuhayang walang hanggan sa kaluwalhatian ng kaisaisang Dios ng langit.
Kung ang kautusan gaya ng giit ni Pablo na wala ng bisa, inutil, at walang
sinomang pinasasakdal. Bakit nga madiing winika ng sariling bibig ng Cristo na ito’y buhay na walang hanggan. Hindi baga ang hangad ng lahat ay ang buhay na walang hanggan lamang ng sarili niyang kaluluwa? Kung gayon ay sa
pamamagitan lamang pala ng mga pagsunod sa kautusan
ng Dios ay matatamo na ng sinoman ang kaluwalhatian ng langit na kung saan
ay masusumpungan ang kabuhayang walang
hanggan.
Ano kung gayon ang balidong sintido at mga katiwatiwalang kadahilanan, para paniwalaan natin ang
hidwang turo ni Pablo na nasusulat sa dalampu't anim (26) na talata na iyan sa ibaba, at sa dakong unang bahagi ng artikulong ito;
Ref:
Eph. 2:15, Col. 2:14, 2 Cor. 3:14,
Gal. 5:1, Rom. 10:4, 2 Cor. 3:7, Gal. 5:1, Col. 2:14-17, Rom. 3:27, Rom.4:15, 2Cor. 3:9, Gal. 2:16, Gal. 3:21, Col. 2:14, Gal. 3:19, Gal 4:8-9, Rom 7:1-6, Rom 7:4, Heb 7:18-19, Heb8:7, Heb 6:1, Gal 3:11, Rom 6:14, Rom 3:20, Acts 13:39, Rom 7:21, Rom 3:28.
Kung sa dinamidami man ng mga katunayang biblikal na iyan sa itaas ay patuloy pa ring pagmamatigasin ng marami ang kanilang puso sa pagtatanggol sa madaya at mapangahas na anyo ng buhay ni Pablo; Maipasisiya na sila'y ganap na ngang nabulag sa katotohanan ng matatamis, mabubulaklak, at ng mapanghikayat na mga kasinungalingang aral ng taong ito.
Ano pa’t ang madiing utos ng Ama, kung uulitin namin ay
gaya lamang pala ng napakaliwanag na nasusulat, na sinasabi,
Mat 17 :
5
Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap
ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na
nagsasabi, ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, NA SIYA
KONG KINALULUGDAN; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.
Kung gayong alinsunod sa utos ng Dios ay pawang mga aral pangkabanalan (katuruang Cristo
[evangelio ng kaharian]) lamang na iyan ang matuwid nating pakinggan. Muli ay
nasaan kung gayon ang balidong sintido, at mga matutuwid na kadahilanan, upang ang evangelio ng di-pagtutuli (Katuruang Pablo) ay ating sundin?
Datapuwa’t kung
ang evangelio ng di-pagtutuli (Katuruang Pablo) ang pipiliin pa rin nating pakinggan at isabuhay ay maliwanag
na tayo ay walang pagsalang malalagay sa kasuklamsuklam na dako ng mga ANTI-CRISTO na totoo. Sapagka’t ang mga turo sa mga sulat
niya ay napatunayan ng walang anomang pagdududa ang masidhi niyang pagnanais
na palabasin sa sanglibutan, na ang kautusan
ay inutil at walang anomang kabuluhan sa nakatalagang layunin nito sa sangkatauhan.
Sa halip ay may kadayaan niyang pinaniwala ang marami, na ang kaligtasan ng kaluluwa at kapatawaran
ng mga kasalanan ay matatamo lamang sa pamamagitan ng pananampalataya
kay Jesucristo na walang anomang gawa ng kautusan. Sa gayo’y nalinlang
niya at walang anomang nakaladkad sa kapahamakan ng kaluluwa ang lubhang malaking bilang ng mga tao sa buong kalupaan.
Iyan ay sa usapin pa lamang ng kautusan, paano pa ang usapin
hinggil sa pananampalataya, bautismo, likas na kalagayan ng Cristo, at ng iba pa, na nilapatan ng
imbento niyang evangelio ng di-pagtutuli (Katuruang Pablo),
na kasusumpungan ng mga hidwa at pilipit na aral.
Kaawa-awa ang marami, sapagka’t
sila’y napaniwala ng mapanlinlang na matatamis, kahikahikayat at ng pinagtagnitagni na mga kasinungalingan nitong si
Pablo; Kahi man madiin ang pahayag ng
Dios na ang Cristo lamang ang ating pakinggan, ay nagawa pa rin niyang dayain ang lubhang marami sa kabuoang bilang ng mga tao sa kalupaan. Na siya, na isang magdaraya at sinungaling ang sinunod ng marami.
Gayon man ay hindi pa huli ang lahat, upang
manumbalik sa kadalisayan at kadakilaan nitong evangelio ng kaharian (katuruang
Cristo). Magsipagbalik loob nga tayo sa turo ng sariling bibig ni Jesus ng Nazaret, na kung saan ay katotohanan na
kasusumpungan ng tiyak na kapatawaran ng mga
kasalanan, at ng dakilang karangalan sa pagkakaroon ng kabuhayang walang
hanggan.
Sa pagtatapos ng artikulong ito ay nais naming bigyan ng kaukulang linaw ang isa pang bagay.
Katotohanan na ang sinomang nagsasabuhay ng mga aral pangkabanalan (katuruang Cristo/evangelio ng kaharian) na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ng Cristo ay matuwid lamang na tawaging Cristiano. Sa gayo'y hindi kailan man maaaring tawaging gayon ang sinoman na nabibigkis, o natatali sa mga aral na nilalaman ng ibang evangelio (evangelio ng di-pagtutuli [Katuruang Pablo]).
Kaugnay niyan, ang sinoman na nananatili at tumutupad nitong "evangelio ng di-pagtutuli," na tanyag sa katawagan na "katuruang Pablo" ay tinatawag na isang "Pauliniano." Huwag nyo ngang pagkamalian na tawaging Cristiano ang sinoman na tumatangkilik, nagtataguyod, nangangaral, nagtatanggol, at sumusunod sa katuruang Pablo. Siya ay lehitimong Pauliniano, at siya ay napakaliwanag na hindi Cristiano.
Ang isang Pauliniano, palibhasa'y hayag na mapanghimagsik, o mapanalansang sa Katuruang Cristo ay hindi kailan man maaaring tawaging Cristiano. Kung sino man sila ay nabibilang ang mga taong iyon sa lubhang malaking kalipunan ng mga nangaglipana na ANTI-CRISTO sa halos lahat ng dako ng kalupaan.
KONKLUSYON
Sa makalangit na turo ng Cristo hinggil sa kautusan ay nagkaroon ng matuwid na pag-asa ang sangkatauhan, upang matamo ng sinoman ang kapatawaran ng kasalanan at kabuhayang walang hanggan ng kaniyang kaluluwa sa kaluwalhatian ng langit.
Kaugnay niyan ay tampok sa hindi kakaunting layunin ng diyablo, na pigilan mula sa anomang masamang kaparaanan ang sinoman, na matamo ang ganap na kapatawaran ng kasalanan at ng buhay na walang hanggan. Ayon sa kasaysayang biblikal kung gayon; ay ang evangelio ng di-pagtutuli (Katuruang Pablo) ang ginawang pinaka epektibong paraan ng diyablo sa pamamagitan ng kaniyang sugo na si Pablo. Iyan ay upang ganap na mailayo sa katotohanan ang sinoman. Itinatag ang evangelio ng di-pagtutuli (Katuruang Pablo) sa napakaliwanag na kaisaisang layuning iyan.
Si Pablo sa madaling salita ay ginawang emisaryo, o sugo ng diyablo sa layuning PIGILAN ang sinoman na makapagtamo nitong kapatawaran ng mga kasalanan at ng buhay na walang hanggan. Masidhing hangad niya na kaladkarin lamang sa una at pangalawang kamatayan ang sangkatauhan, at iyan ay may pangyayari lamang sa pamamagitan ng pagtuturo sa sangkatauhan na tumalikod sa mga kautusan ng Dios, at sa halip ay sumampalataya sa Cristo na walang gawa ng kautusan.

ITO ANG KATURUANG CRISTO
Ang katotohanan, ilaw, pag-ibig,
lakas, paggawa, karunugan, at buhay ay garantiya ng langit na masusumpungan
lamang sa mga dalisay at pambihirang aral pangkabanalan ng Katuruang
Cristo (evangelio ng kaharian). Datapuwa’t sa nabanggit na ibang evangelio (evangelio ng di-pagtutuli [Katuruang Pablo]),
ay ang kasukdulan ng kasinungalingan,
dilim ng kaisipan, galit at panibugho, kahinaan, katamaran, kamangmangan,
at kamatayan.
Kamtin nawa ng bawa’t isa ang
hustong unawa, upang mapagkilala ang tunay na aral pangkabanalan na
tagapaghatid ng sinoman sa kaluwalhatian ng langit. Sa makatuwid ay ang Katuruang Cristo (evangelio ng kaharian), na siyang aral na madiin
at tahasang iniutos ng Ama na ating
sundin, hindi ang ibang evangelio
nitong si Pablo, na tanyag sa
katawagan na evangelio ng di-pagtutuli (Katuruang Pablo). Katotohanan at walang alinlangan na kinakaladkad nito ang hindi halos mabilang na mga tao sa tiyak na kapahamakan, na tumutukoy sa una at pangalawang kamatayan.
Lakasan natin ang ating loob, at mula sa pagiging Pauliniano (anticristo) ay mangagbalik loob nga tayo sa mga dalisay at dakilang aral ng Katuruang Cristo. Isang hakbang nga lamang ang kakailanganin ng bawa't isa, upang ganap na makatuntong sa dako, na kung saan ay kasusumpungan ng hindi kakaunting bilang ng mga tunay na banal (Cristiano ng Dios).
Si Pablo ay katotohanan at walang alinlangan na hindi kailan man naging apostol, ni napabilang man sa mga alagad ng Cristo, kundi siya'y napakaliwanag na isang mortal na kaaway ng Dios. Sapagka't lantaran ang malabis na pananalansang ng imbento niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli [Katuruang Pablo]) sa buong nilalaman nitong evangelio ng kaharian (Katuruang Cristo). Na tanyag bilang mga katuruang pangkabanalan na mismo ay ipinangaral ng sariling bibig ni Jesus ng Nazaret.

Hanggang sa muli, paalam.
Maaari din na i-click ang SUPPORT botton sa kaliwang itaas na bahagi ng artikulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento