Lunes, Agosto 1, 2011

BAGONG PANGALAN NG DIOS

Paunang salita:
Hindi namin layunin na gibain ang paninindigan ng marami, ni ilagay man sa kahiyahiyang kalagayan ang sinoman. Bagkus ay maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Hindi namin nais na husgahan ang sinoman, palibhasa'y ang mga salita ng Dios na isinatinig ng mga banal na inilalahad namin ang siyang humuhusga sa mga karumaldumal ng marami. Nawa'y maunawaan ng lahat na kami'y alingawngaw lamang ng mga katotohanang isinigaw at isinatitik nilang mga totoong banal na nabuhay sa malayo at malapit na kapanahunan.

(Maging isa ang sinoman sa kaniyang sarili, at tupdin ang natatanging kalooban (kautusan) ng kaisaisang Dios. Sapagka’t ang bago Niyang pangalan sa henerasyong ito ay naghihintay sa mga magsisipagtagumpay.)

APOC 2 :

17 Ang may pakinig ay makinig sa sinasabi ng ESPIRITU sa mga iglesia, Ang MAGTATAGUMPAY ay bibigyan ko ng manang natatago, at siya'y bibigyan ko ng isang BATONG PUTI, at sa BATO ay may NAKASULAT NA BAGONG PANGALAN, na walang nakakaalam kundi yaong tumanggap.

Juan 17 :
26  At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako’y sa kanila.

DEUT 32 :
3 Sapagka’t aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon: Dakilain ninyo ang ating Dios

4 Siya ang BATO, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka’t lahat niyang daan ay kahatulan: Isang DIOS na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal siya.

Sa mga magtatagumpay sa henerasyon nating ito'y maliwanag na matatamo ang bato na kumakatawan sa pagpapala ng kaisaisang Dios na nasa langit, at kalakip nito ay ang bago Niyang pangalanKatotohanan na inihahayag ng mga totoong banal sa kani-kanilang henerasyon ang bagong pangalan ng Dios gaya ng mababasa sa ilang talata sa itaas (Apoc 2:17, Juan 17:26, Deut 32:3-4).

Kaya nga sa kautusan ay mariing sinabi ng Ama nating nasa  langit,


EXO 20 :
7  Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

Ang mga Pauliniano na mangangaral ay hindi binigyang halaga ang katotohanan hinggil sa pangalan, kasi nama’y nakakamit lamang yaon ng mga nagsipagtagumpay na makatupad sa natatangi niyang kalooban (kautusan). At yamang ang marami ay yumapos at nanindigan sa doktrinang pangrelihiyon (evangelio ng di pagtutuli) ng mga paganong Romano (Gentil) ay nawala sa kanila ang lahat ng pagkakataon sa mundo na matamo ang pangalan ng kaisaisang Dios sa lahat ng henerasyon nilang pinagdaanan.

Sa kawalang kaalaman sa pangalan ay gayon din naman na nawalan ng anomang saysay ang rituwal nila ng bautismo. Sapagka’t imbis na bumautismo sa pangalan (Ama, Anak, Espiritu Santo) ay minabuti ng marami na bumautismo na lamang sa pamamagitan ng paraan ni Juan Bautista (tubig).


Ang bagong pangalan sa pagtatapos ng usaping ito ay walang pagsalang matatamo ng sinoman sa atin na mga anak ng Dios sa kalupaan (Apoc 2:17). Sa henerasyon ngang ito ay mangyayari ang gayon, nguni't nararapat munang pagtagumpayan ang maluwalhating pagtalima sa mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan ng Ama nating nasa langit.


JUAN 14 :
31  Datapuwa’t upang maalaman ng sanglibutan na ako’y umiibig sa Ama, at ayon sa KAUTUSANG IBINIGAY SA AKIN NG AMA, AY GAYON DIN ANG AKING GINAGAWA. Magsitindig kayo, magsialis tayo rito.

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA. (Apoc 2:17, Juan 17:26, Deut 32:3-4).

Napakaliwanag na ang bunga nitong pagtalima sa mga kautusan ay ang pagtanggap ng bagong pangalan, at ang karapatan na mabuhay na walang hanggan ang kaluluwa ninoman sa kaluwalhatian ng langit.

Sinoman sa makatuwid na magsasabing nalalaman niya ang bagong pangalan ng Dios sa henerasyon nating ito, datapuwa't may paghihimagsik sa natatanging kalooban (kautusan) ng ating Ama ay isang napakaliwang na sinungaling  at magdaraya. Siya ay isang huwad, at hangad lamang niya na kaladkarin ang kaniyang kapuwa sa tiyak na kapahamakan ng kaluluwa nito.

Layunin ng artikulong ito na tanglawan sa kaisipan ng marami ang gayong mga bagay. Kaya pamanhikan nami'y itigil na ang pagbanggit sa walang hanggang pangalan ng  Dios sa mga bagay na walang kapararakan. upang hindi na magkasala pa sa pangatlong (3) kautusan. Sapagka't hindi ituturing ng Ama nating nasa langit na walang sala ang sinomang patuloy na gagawa ng gayong uri ng karumaldumal. Mapanghimagsik na totoo sa pangatlong (3) utos ng Dios ang sinomang hindi makikinig sa matuwid na paalaalang ito.

Ano ang sintido ng pagbibigay nitong bagong pangalan ng Dios sa mga nagsipagtagumpay na matamo ang pagsinta ng kaisaisang Dios ng langit, kung ituturing na hindi katotohanan ang bagay na katatapos lamang naming tanglawan ng ilaw? Dalangin nami'y daluyan ang bawa't isa ng hustong unawa na makalangit, upang hindi maging mahirap sa sinoman ang pagtanggap at pagsasabuhay sa mga bagay na lubos ang pagsang-ayon ng katotohanan.

Ang rayos ng liwanag ay walang pinipiling tanglawan at ang sikat nito'y walang anomang katapat na halaga, kaya ang karunungang pangkabanalan, gaya ng liwanag ay ipinamamahagi sa lahat na wala ring bayad. Oo mga kapatid, ipanatag ang kalooban at lahat ng mga bagay na tinatanglawan nitong rayos ng liwanag ay walang bayad.


Wakas




2 komento:

  1. May hustong sintido ang laman ng blog na ito. May bagong pangalan ang Dios sa henerasyon natin at dapat malaman natin ito.

    TumugonBurahin
  2. Paano po ba malalaman ang bagong pangalan ng Diyos?

    TumugonBurahin