Lunes, Hunyo 18, 2018

ANG MGA TINAWAG (Ecclesia [Iglesia])

Noon pa mang una, at hanggang sa panahon nating ito'y lubhang napakarami sa kalipunan ng mga denominasyong Cristiano ang nagpipilit na umangkin sa sagradong kalagayan ng mga tunay na iglesia.  Sila anila'y naaayon sa pagkatawag na mababasa sa Mateo 16:18.

Gaya ng napakaliwanag na nasusulat, 

Mat 16 :
18  At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking IGLESIA (MGA TINAWAG); at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

Sa talata (Mat 16:18) ngang iyan sa itaas ay napakaliwanag na madiing winika nitong Espiritu ng Dios, na nasa kalooban ni Jesus, na itatayo Niya ang kaniyang mga "tinawag", o ang "iglesia" (ecclesia). Ano pa't sa halip na ang salitang iyan ay lapatan ng mga paganong Romano ng husto at wastong salin, ay sinadya nilang ito'y bigyan ng maling kahulugan.

Sabado, Hunyo 2, 2018

ANG "IGLESIA (Ecclesia)" NG BIBLIYA

Ang katagang “ecclesia” sa wikang Griego ay may kahulugan na “called-out” sa lenguaheng Ingles. “Tinawag” naman ang translasyon, o pagkakasalin nito sa ating salita. Sa bibliyang Griego, isang halimbawa ng salitang iyan ay maliwanag na mababasa sa nilalaman ng Mateo 16:18.

Kaugnay niyan ay lumikha ng isang napakalaking problema ang mga translator, nang kanilang ihalili ang salitang “church” sa “called-out”, na siyang husto at wastong salin ng salitang “ecclesia” sa wikang Ingles. Samantalang ang katagang Griego na may kahulugang “church” ay walang iba, kundi ang “kuruakos, o kuriakon”. Diyan ay makikita ng napakaliwanag, na ang orihinal na kahulugan ng salita (ecclesia) sa wikang Ingles ay binago. 

Martes, Mayo 1, 2018

ANG HIMALA SA DAAN NA MALAPIT SA DAMASCO

Sa aklat ng mga gawa na sinulat nitong si Lucas. Ayon sa kaniya ay may isang hindi pangkaraniwan at mahimala na pangyayaring naganap sa daang malapit sa siyudad ng Damasco (road near to Damascus). Na  ito aniya'y kinasasangkutan ni Pablo at ng iba pa niyang kasama at kasabay sa paglalakbay. 

Umano'y nagliwanag sa buo nilang paligid ang isang malaking ilaw mula sa langit (Gawa 22:6), at nadinig ni Pablo ang isang kamanghamangha at higit sa karaniwang tinig (supernatural voice), at ito'y nakipag-usap sa kaniya.

Sabado, Marso 24, 2018

ESPIRITU SANTO AT MGA MANGGAGAWA NG DIOS


PROPETA NG DIOS
Mula sa kasagsagan ng ministeriyo nitong Espiritu ng Dios (Yehovah) na masigla at makapangyarihang namamahay at naghahari sa kabuoang pagkatao ng Cristong si Jesus. Ipinakilala nito ang kaniyang mga alagad (apostol) sa kalagayan ng mga tunay na banal. Sila ay kinikilala ni Jesus na mga propeta ng Dios, gaya ng napakaliwanag na nasusulat, na sinasabi,

MATEO 23 :
34  Kaya’t, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at  mga eskriba: ang mga iba sa kanila’y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila’y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila’y paguusigin sa bayan-bayan.

Mateo 5 :
12  Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka’t malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka’t gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.

Sabado, Marso 3, 2018

SAN PABLO: TALAYTAYAN (MEDIUM) DAW NG ESPIRITU NI JESUS

Laganap sa buong kapuluan at maging sa ibayong dagat ang kalakaran ng espiritismo.  Ito’y kinikilala na ng marami noon pa mang lubhang malayong nakaraan na tila isang komprehensibong gawain, na umano’y tumutukoy sa larangan ng tunay na kabanalan. Ang katuruang iyan ay may kinalaman sa paniniwala hinggil sa pakikipag-ugnayan ng mga tao, o ng mga buhay sa espiritu ng mga karaniwan at  banal. Sila'y kinabibilangan ng mga namatay na karaniwang tao, ng mga santo, at ng mga anghel.  Pinaniniwalaan din naman ng mga espiritista na sa pamamagitan ng katuruang iyan, maging ang espiritu ng Dios ay kanilang nakaka-ugnayan. 

Gayon ngang sa sariling pahayag ni Pablo ay madiin niyang winika, na ang aral (evangelio ng di-pagtutuli) na kaniyang itinuturo sa mga Judio at sa mga Gentil ay pawang mula sa Espiritu ni Jesucristo na sa kapanahunang iyon aniya ay namamahay at naghahari sa kaniyang kabuoan.

Gaya ng napakaliwanag na nasusualat,

Sabado, Pebrero 17, 2018

PABLO: ULIRAN NA LINGKOD NI SATANAS

Noon pa man sa lubhang napakalayong nakaraan ay laganap na ang mga aral na malabis ang paghihimagsik sa natatanging kalooban (kautusan) ng kaisaisang Dios ng langit. Bagay na kumaladkad sa lubhang maraming tao sa pagkapahamak, na naglunsad sa kanila sa kamatayan (desolusyon) ng kanikanilang kaluluwa.

Kaugnay niyan, sa artikulong ito ay bibigyan ng husto at wastong unawa ang mga hidwang aral (evangelio ng di-pagtutuli), na ang pinag-ugatan, o pinanggalingan ay mula sa kasinungalingan at mapanglinlang na aral nitong entidad ng kasamaan, na walang iba kundi si Satanas.

Biyernes, Pebrero 2, 2018

DIOS ANG GUMAGAWA DIOS ANG NAGSASALITA

Maraming bagay ang hindi maunawaan ng sangkatauhan sa mga nilalaman ng bibliya. Kahi man silang tinatawag na mga pastor, mga pari, at mga nagpapakilalang tagapangaral ng salita ay nagsisunod at nagsi-ayon na lamang sa sina-unang tradisyong pangrelihiyon.

Dahil diyan ay nabuo ang hindi kakaunting doktrinang pangrelihiyon na naging dahilan, upang patuloy na lumayo sa katotohanan ng Dios ang lubhang malaking bilang ng mga tao sa kalupaan.

Sa akdang ito ay bibigyan ng husto at kaukulang unawa ang ilang bagay na hanggang sa ngayon ay isa pa ring madilim na dako na lumalambong sa katotohanan na hindi napapag-usapan man lang. Palibhasa’y nakakahon na sa isang hidwa na tradisyong pangrelihiyon ang marami. Dahil diyan ay sunod-agos na lamang ang mga tao sa kung ano ang nakagisnang sali’t saling sabi. Ito'y tila ba naging domino effect, na sa pagkabuwal ng una sa kaniyang katabi ay tutumba ang lahat ng sunodsunod hanggang sa hulihang nakatayong pitsa.