Katotohanan na noon pa mang una, hanggang sa panahon nating ito ay lubhang marami ang may malaking kakulangan ng kaalaman hinggil sa orihinal na salita ng teksto (Tanakh). Mula sa kadahilanang iyan ay hindi sinasadyang silay makalikha
ng mga hidwang katuruang pangrelihiyon. Ang mga iyon sa makatuwid ay malabis ang
paghihimagsik sa katotohanan na masusumpungan sa balumbon ng mga nabanggit na kasulatan (Tanakh). Mayroon din namang
ilan, na kahi man nalalaman ang matuwid hinggil sa usaping may kinalaman sa nabanggit na balumbon ng mga banal na kasulatan, sila'y nagpatuloy pa rin sa pagpapairal ng mga likha nilang pilipit na katuruang pangrelihiyon.
Halimbawa niyan ay ang tungkol
sa aral ng Trinidad, na ang salitang Hebreo na tumutukoy sa אלהים ('ĕlôhîym) di umano ang isa sa
pinakamatibay na katunayang biblikal, na nagpapatoo sa maraming persona ng Dios. Iyan nga ang itinuturing ng marami
na kongkreto nilang patotoo, na nagbibigay diin sa tatlong (3) persona, na ayon sa kanila ay kalagayang nilalapatan ng
Dios.
Giit ng ilan, ang salitang אֱלוֹהַּ ('ĕlôahh)
ay ang anyong
pang-isahan (singular form) ng Dios,
at kung may gayon Siyang anyo ay
matuwid lamang na wikaing mayroon ding anyong
pangmaramihan (plural form) ang Dios.
Iyan ay wala ngang iba, kundi ang salitang אלהים ('ĕlôhîym). Sa kanila ay naging sapat na
nga ang katibayang iyan, upang mapatunayan mula sa salita mismo ng Dios, na ang Kaniyang persona ay higit sa bilang na isa.
Gayon ma’y hindi
nagpabaya ang mga tunay na tagapagtaguyod at tagapagtanggol nitong balumbon ng
mga banal na kasulatan (Tanakh). Sapagka’t sa aritkulong ito ay gaya ng
kadiliman na sinikatan ng liwanag ng araw ang usaping ganap na may kanalaman sa
salitang אלהים ('ĕlôhîym). Ang gabi sa makatuwid ay
hinalinhan ng araw, upang ang ultimo kailiit-liitan bahagi ng mga bagay at
kasuluksulukan ng mga dako ay hindi makubli sa paningin at pang-unawa ng mga kinauukulan.
Hinggil sa
napakahalagang usapin na may ganap na kinalaman sa salitang iyan ay gaya nga ng
mga sumusunod na paliwanag.
