ANG UNANG PAPA SA ROMA
Panimula:
Itinuturo ng Simbahang Katoliko na si Pedro, na hinirang
mismo ni Jesucristo, ang kauna-unahang Papa — ang itinalagang pinuno ng unang
pamayanang Kristiyano. Ayon sa turo, si Pedro ay kumilos sa kabuuan ng
kapangyarihan ng Espiritu Santo, at dapat sana’y hindi na siya kinuwestyon ng
sinuman sa pananampalataya.
Ngunit isang nakakagulat at hindi mapagkakailang ulat ang
mababasa sa Bagong Tipan: hayagang sinopla ni Pablo si Pedro (Galacia 2:11).
Paano mangyayari ito kung tunay ngang si Pedro ay may pinakamataas na awtoridad
at gabay ng Espiritu? Ano ang ipinapakita ng insidenteng ito sa tunay na
kalagayan ng pamumuno sa unang Iglesia?
At higit sa lahat, anong papel ang ginampanan ni Pablo sa pagbaling ng pananampalataya sa isang direksiyong malayo sa itinuro ng ating Panginoon?
Tuklasin natin — nang walang takot — ang mga kasagutan.